Dear ❤️:

Sirang plaka lang, Arch. Magalona? Hahaha. Finish your design na and when your food arrives kain ka agad ha? Baka pumayat ka sayang abs. Ay meron ba? Hahaha. Joke lang, dear! Di na ko makatulog. Summer wants to play with me. I love you. I love you. I love you. 😍😘

Summer has something to tell you pala. Rinig pa sa background ang boses ni Julie.

"Okay Summer. Say hi to Uncle Elmo."

"Ewmo! I wuv you! Mmmmmwwwaaaah!" pagkatapos ay narinig ko ang tawanan nila Julie at ni Ate Steffie.

"Sweetie, let's go to mommy and daddy's room muna. Let Ninang Julie sleep again." rinig ko pang sabi ni Ate Steffie.

"Ewmooooo! Mwah mwah mwah!"

Natawa ako sa kakulitan ni Summer kaya naisipan kong magvoice message din sa kanya.

"Hi, Summer! Ninong misses you na. I love you, potato! Let ninang sleep first okay?"

"Ah sir?" nagulat ako dahil biglang nagsalita si Benj. Kanina pa ba siya dito?

"Uy. Kanina ka pa?" tanong ko.

"Hindi po." sagot naman niya. "Sir ito na po pala yung pinabili niyo. Blue Bolt po yung Gatorade. Tapos bumili po kami ng bagel sandwich. Okay na po ba yan or gusto niyo po ng rice?"

"Okay na to. Di naman ako masyadong gutom eh. Thank you, Benj. Keep the change." sabi ko.

"Thank you din sir. Ah sir, anak niyo yung kanina? Hehe. Nacurious lang po." kamot-ulong sambit niya.

"Hindi. Inaanak ko. Actually inaanak ng girlfriend ko." sagot ko.

"Ah. Akala ko sir ikakasal ka na eh."

"Nako. Hindi pa. Nasa London pa yung girlfriend ko eh. Nag-aaral pa dun." tumango naman siya saka na nagpaalam.

"Sige po sir. Thank you po uli sa service charge! Hahahaha!" natatawang sambit niya bago lumabas ng office ko.

Tumawa na lang ako saka pa napailing. Baliw din tong mga bata namin ni Will eh.

Habang nagrerender ako ay nagsimula na rin akong kumain. Buti naisip nilang sandwich na lang ang ibili sa akin. Kapag kasi ganitong may hinahapit ako ay nawawalan ako ng ganang kumain. Parang naghahapit din yung sikmura ko.

"Ano? Di ka pa tapos?" pag-angat ko ng tingin ay nakatayo na si Will sa may pinto. Nasa kaliwang kamay niya ang hard hat niya at sa kanan naman ay pinaiikot-ikot ang keyring ng susi ng kotse niya.

"Huh?"

"Alas kwatro na dude. Ano na?" tanong niya.

"Alas kwatro na?!" gulat na tanong ko. Sumilip ako sa computer at nakitang dimensions na lang pala ang wala. "Teka. Dimensions na lang then issend ko na kay tito to." sabi ko at agad na tinapos iyon.

"Bagal." angal niya. Tumayo na ako saka na ini-off ang computer ko.

"Tara na." sabi ko saka na naunang lumabas sa kanya.

"Tamo to. Loko ka ah!" sigaw niya saka ako hinabol.

Sumakay na kami sa elevator at pagkadating sa parking lot ay sumakay na sa kotse namin.

"Uwi muna ako. Magpapalit ako." sabi ko sa kanya. "San ba magmmeet?"

"Hops daw dude." sagot niya. Tumango na ako at saka na umalis ng building.

Pagdating sa condo ay agad kong chineck ang messages ko. Anong oras na ba sa London? Wala naman siyang bagong message. Teka. Anong oras na ba dun? Tumingin ako sa clock ng phone ko at chineck ang world clock. 10am pa lang dun. Nakatulog kaya uli si Julie kanina? Naisipan kong imessage siya para malaman kung nakapasok na ba siya.

Dear BestfriendWhere stories live. Discover now