Agad akong napatingin sa kanya at nakita ang nagbabadyang luha sa mga mata niya. Agad naman niyang pinunasan ang luha niya saka matamlay na ngumiti sa akin.

"I'm sorry." sabi ko.

"It's okay. I just remembered him. He was actually the one who loves architecture. But since he died when I was 16 and he was 19, I promised him that I'd finish this for him."

Niyakap ko si Sofia at saka hinagod ang likod niya.

"Your brother must be proud of you. You're one of the top students in our class." sabi ko.

"Yeah. He should be." natawa siya kaya naman sinaluhan ko na siya.

Bihira ang mga taong sobra ang pagmamahal sa mga kapatid nila to the point na sila ang tutupad sa mga pangarap nito.

Gabi na nang matapos kaming nagresearch ni Sofia. Medyo late na nga siya sa trabaho kaya naman nagmamadali siyang nagpaalam sa akin at saka na umalis. Ako naman ay nagpunta na sa student's parking lot para makauwi na.

"Juwee!!!" bungad sa akin ng isang bata pagpasok ko sa bahay.

"Summer!" sabi ko naman at saka pa lumuhod para magkapantay kami.

Almost 3 years na rin sina Ate Steffie, Kuya Fort at Summer dito sa London. After Ate Steffie gave birth and Summer was baptized ay agad na silang nagtungo rito. Kasabay nga nila nun si Elmo eh. My Arch. Magalona. Kaya nung year na yun ay sobrang tuwang-tuwa ako. Nilibot ko pa si Elmo sa school at sa hospital and tuwang-tuwa sina Jal at Panda nang makilala nila siya personally.

"She's been waiting for you." ani Ate Steffie.

"Aww. Sorry if it took me so long, sweetie. I had some research works done." sabi ko kay Summer.

"Sokay." sabi niya naman. Kinarga ko na siya saka tumabi kay Ate Steffie sa couch. "Mommy!"

"Come here, booboo. Your Auntie Julie's tired from school."

"Si kuya?" tanong ko.

"He's still at the office." sabi naman ni Ate Steffie. "Oo nga pala. Elmo called. He sounds worried eh. Sabi niya tawag ka daw sa kanya pag nakauwi ka na."

"Ah okay." sabi ko. "Weird ha? Di niya ko tinawagan sa phone ko at dito pa talaga niya naisipang tumawag."

"Hahaha. Ewan ko ba dun." sabi ni ate. "Summer, don't touch Ninang Julie's books." bawal niya kay Summer na binubuklat na ang mga libro ko.

"Here you go, sweetie." sabi ko sabay abot ng iPad ko sa kanya. Meron kasi akong mga apps na para sa age niya. Although may sarili siyang iPad, mas gusto pa rin niya ang sa akin or ang phone ng mommy at daddy niya. Minsan naman inaagawan niya sina mama at papa kapag nakakalong siya sa kanila at abala sila sa paggamit ng phone.

Umakyat muna ako sa kwarto saka na naligo at nagpalit ng pambahay. Pagkatapos ay nagcheck ako ng phone ko at nakitang may messages si Elmo sa akin.

Dear ❤️:

Hey! Just wanna check if you're okay. How's your research? Konting tiis na lang baby. Graduation mo na! I love you. x

PeeWee came to my condo and raided my kitchen. And now my fridge's empty. Hahahaha! Will go grocery shopping with her muna, babe. Take care of yourself. I love you! 😘

I have something to tell you. Call me as soon as you read this. I love you, baby! 😘

Pagkatapos kong basahin iyon ay agad kong pinindot ang call button and he answered even before the second ring.

"Hey there, babe." bati niya.

"Hi." sabi ko naman.

"No video call?" tanong niya.

"Later siguro. How are you?"

"I'm good. Namimiss ka pa rin." sagot niya.

"Haha. I miss you more, baby. Oo nga pala. Ano yung sasabihin mo?" tanong ko.

"Ah. It's about PeeWee. Kasi feeling ko may boyfriend na siya pero hindi niya sinasabi sa akin. I mean, she's always holding her phone tapos pangiti-ngiti pa minsan. Then kapag may kausap siya sa phone niya, palaging pabulong. Minsan ko na nga lang siya makabonding, ganun pa siya."

Natawa ako sa kwento niya. Para lang siyang si Kuya Fort. Seloso masyado.

"You sound like kuya. Promise." sabi ko. "Ganyan din si kuya nun eh. Kapag katext kita or kausap sa phone tapos magkasama kami, lagi siyang nagsasabi na sana daw di na lang kami nagbonding kung iignore ko na lang siya. Hahaha."

"Eh kasi naman eh. I seldom go home to QC dahil sobrang busy sa office tapos madalas pa kaming nasa site ni Will. Tapos kapag pumupunta siya sa condo, wala lang. Andun lang siya pero di niya ko kinakausap whatsoever." himutok pa niya.

Natawa na lang ako sa pag-aalburoto niya. He's so cute. Para siyang batang naagawan ng paboritong laruan.

"Wag ka ng magselos. Let's just accept the fact that PeeWee is not the 8-year old kid that we used to pull pranks on. Dalaga na ang kapatid mo. I mean, she's 19 already dear."

"But she's still my baby sister." sabi naman niya.

"And she'll always be your baby sister. Yun nga lang may boyfriend na. Ang mabuti pa, try mong kausapin siya about it. Tell her na gusto mong mameet yung boyfriend niya ganun. Diba? Wag kang maging kontrabida."

Narinig ko siyang suminghap at pati na rin ang pagpalit niya ng pwesto.

"Oo nga pala. Kumain ka na ba?" tanong niya.

"Hm. Kakain pa lang. Pababa na ko." sagot ko.

"Juweeeeee!" tili nanaman ni Summer nang makita niya ako sa hagdan.

"Is that Summer?" tanong ni Elmo, halata ang ngiti sa boses niya.

"Hahaha. Yes. Kanina pa nga hyper to eh." sabi ko naman. "Come here, sweetie." tawag ko kay Summer nang marating ko ang last step ng stairs.

"Who that?" tanong ni Summer.

"It's ninong. You wanna talk to him?" tanong ko naman. Tumango siya at saka pa nagtatatalon.

"Ewmo! Ewmo!" aniya. Tumawa naman ako saka nilapit ang phone ko sa tenga niya. Agad naman siyang humagikgik nang magsalita si Elmo sa kabilang linya. "Juwee, Ewmo... Hihihi... Summer miss Ewmo... Yes... Summer pway... Bye!!" sabi ni Summer saka na muling tumakbo palayo.

"Well. There goes her 2-minute attention span." sabi ko nang kausapin ko uli si Elmo.

"Hahaha. You're right. Ang bilis talagang mainip ng batang yan." sabi niya.

"Nako. Sinabi mo pa. Lalo na ngayon na marunong na siyang mag iPad. If she doesn't like the game she's playing, itatapon niya agad yung iPad or hahampasin niya lagi. Kaya dapat lagi siyang may kasama or else, goodbye gadgets talaga. Hahahahaha."

"Aww. Excited na tuloy ako." sabi niya.

"Excited na ano?" pagtataka ko.

"Na magkababy na rin tayo."

Dear BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon