C10 Wonyoung's

286 23 45
                                    

"I still love you." bigkas ng babaeng nasa harap ko. 

Pero bat parang di ko makita yung mukha nya?

"I still love you."

"I still love you."

"I still love you."

"S-sino ka?" tanong ko. Umaatras siya.

Papalayo ng papalayo. 

"Hindi na mahalaga yun mahal, gising na." 

Hanggang sa tuluyan na sya nawala sa paningin ko.

_

Pagmulat ko ng mata ko, puro puti lang nakikita ko.

"N-nasa langit na ba ko?" Sabi ko sa sarili ko.

"TANGA WALA KA SA LANGIT NASA OSPITAL KA GAGA!" Nagulat ako sa malakas na tinig na nanggagaling kay.... 

Putangina eunbi unnie?! 

T-teka bat sya umiiyak?

"MGA BAKLANG GISING NA SYA TAWAGIN NYO YUNG DOCTOR!!" Sigaw pa nya.

Napatingin naman ako sa paligid, nakita kong umiiyak silang lahat.

Hala anyare may patay ba?

Tinawag naman ni Chaeyeon yung doctor.

.....

"TAENG YAN BAT ANG TAGAL NI CHAEYEON?!" Sigaw ni unnie.

"ANDITO NA!" Sigaw pabalik ni chaeyeon. Kasama na nya yung doctor.

Buti nalang talaga nasa private room ata kami sa ospital at wala sa ward, kundi pinagsisigawan na sila ng mga pasyente at nurse ang iingay kasi ksks.

"Iha alam mo ba kung anong petsa na?" Tanong sakin nung doctor.

"Sa pagkakaalam ko ho APRIL 28 2021?" Sagot ko. (Yung disbandment date ng izone huhu)

"Nako iha MAY 5 na. Isang linggo ka nang nakahiga diyan." Sagot nung doctor.

"HA?!" gulat na sagot ko. (Hakdog)

"Na comatose ka iha. Dahil sa stress, sobarng pagiyak, at sa nakuha naming test masasabi na wala ka pang kain nung nahimatay ka, at may record ka din ng asthma diba?" Tumango naman ako.

"Okay ka na, naman ngayon, sinabi ko narin sa mga kaibigan mo na pwede ka nang idischarge ngayon. Nagulat nga din kami dahil hindi naman malala ang pinagmulan ng comatose mo, at himala ito na, nagising ka pa." Napalunok naman ako dun sa sinabi nang doctor. 

Juskolord maraming salamat sa pangalawang buhay na'to.

"Sige maiwan ko na kayo." At umalis na din yung doctor.

_

Nagulat ako nung pagalis ng doctor niyakap ako nila unnie. 

Natawa naman ako kasi nagsisi-iyakan sila na parang ako yung patay. "Tae ka wonyoung!" -Eunbi.

"Sorry!" -Nako.

"Sorry kasi di ka namin tinulungan nun." -Hyewon.

"Sorry kasi dahil samin muntik ka nang mamatay huhu." -Yena, na mukhang bibe kung umiyak.

Tinawanan ko lang sila.

"Ano ba yan unnies! Okay lang yun tsaka buhay pa naman ako diba?" Masigla kong sabi. "Alive and kicking!" dagdag ko pa na nagpatawa sa kanila.

"Lagot talaga ako, kami, kayla tita pag may nangyaring masama sayo." - Eunbi.

Kay eunbi unnie kasi ako binilin nila mama, nasa Korea sila ngayon ewan ko kung kailan sila babalik, gusto nga nila ako isama pero ayoko mahal ko pilipinas no.

Ang sabihin mo lang nandito yung taong mahal mo kaya ayaw mo umuwi ng korea dati.

La? Tanginang utak yan.

"Hoy wonyo bat nakatulala ka dyan?" Napabalik ako sa ulirat nung nagsalita si Chaeyeon.

"H-ha? Wala may iniisip lang." 

"Sinabi ko naman kasi sayo tigil-tigilan mo na kakaisip kay yujin HAHAHA." Gaga to si Chaewon, kanina pa iyak iyak lang yan ngayon patawa tawa na. Pero okay nga yon eh, pinapagaan nya yung sitwasyon.

"Gagoooo! Sila mama iniisip ko tanga." 

"Ay oo nga pala wonyo may sasabihin kami sayo." Sabi ni hyewon. Napa upo ako sa higaan.

"Oo nga inday may kwekwento kami sayoo!" - Yuri.

"Ha? Ano yun?"

"Ganto kasi yun, alam mo yung nahimatay ka sa mall?" Tumango ako sa tanong ni hyewon.

"Oh anong meron nun?" 

"Eh syempre masyado naman kaming maganda para bumuhat sayo, kaya nagtawag kami nangtulong nun. Tas may pumasok sa mang inasal na tao ewan nga namin kung lalake ba yun oh babae. Nakatakip kasi yung mukha tagong tago." 

"Oh tapos?"

"Naka black na hoodie kasi tas naka cap pa naka mask pa, sya yung nagbuhat sayo. Nagmamadali pa nga akala mo naman syota nya yung nahimatay. Di ka nga sana namin ipapabuhat dun kasi wala kaming tiwala mukha kasing snatcher sa mall. Pero pinigil kami nila Chaewon, yena at chaeyeon. Ewan ba namin sa mga gagang to." Mahabang sabi ni Hyewon.

Nagkatinginan naman sila yena, chaewon at chaeyeon. Ang weweird nila hayp

"Sinundan namin yung taong yun, binuhat ka nya yung pang bridal won, kakilig nga eh, pero syempre dahil mukhang namang snatcher yun di kami basta-basta kikiligin." Sabi naman ni eunbi unnie.

"Sinakay ka nya dun sa kotse nya tas sinundan namin sya gamit yung kotse ni Eunbi unnie, dinala ka nya sa pinaka malapit na ospital." Dagdag pa ni eunbi eonni.

_

"Unnie sino naman yung nag bayad netong private room? Tsaka ng bayarin sa ospital." Tanong ko. Na-discharge na ko, nasa kotse na kami ngayon papunta sa bahay nila eunbi unnie, dun muna ako matutulog.

Tumingin muna sya kayla nako na ngayo'y tulog na.

'Lah sige lingon pa unnie, pag tayo nabangga ah.'

Ako nalang gising ngayon knockout na silang lahat kahit tong hyper na si yena tulog.

"Yun na nga eh, andaming weird things na nangyayari ngayon." Sagot nya.

"Huh? Bakit anyare ba?" tanong ko.

"Nung tinanong ko kasi kanina kung magkano yung babayarin. Nagtaka ako nung sabi bayad nadaw? Eh ang pagkakatanda ko di pa namin nababayaran yun."

Tumayo yung mga balahibo ko.

"Tapos eto pa won, may nakikita daw yung mga nurse na bumibisita sayo pag wala kami, tinatry nga namin hulihin. Pero, wala eh di namin naaabutan, pero sating ko wala namang masamang balak sayo yun, nag iiwan pa nga ng mintchoco na icecream yun eh, tsaka ng mga prutas."

"Bumisita din naman si guanlin pero ilang araw lang eh. Kung manliligaw mo din yung mysterious guy/girl na yun, boto na kami dun HAHAHA" Dagdag nya pa. Kalog din to si unnie pag wala yung mga depungal eh.

"Baka naman may inaasikaso lang si guanlin." Dipensa ko.

Yun na yung huli naming conversation bago tumahimik ulit. 

Naalala ko naman yung panaginip ko kanina.

Ang weird

Usually kasi pagmay napanaginipan ako makakalimutan ko agad kung di naman importante.

Pero bat di ko makalimot-kalimutan yung panaginip ko kanina?

Weird.


A/N

eto na yata ang pinakamahabang au sa story na to, mag wa-wantawsan words na ksks.

Viral (Hiatus)Where stories live. Discover now