Chapter 3

64 30 40
                                    

Chapter 3: Trainer


IT'S 5:27 am in the morning, bumangon ako sa aking higaan at nag-ayos. Wala pa naman ang headmaster kaya mag-e-exercise muna ako. Isa pa, tulog pa si Chad, asarin ka ba naman mag-hapon niyan tsh!

I wonder what my magic is, I never expect this to happen. Sa loob ng fifteen years ko'ng nabubuhay dito sa mundo, hindi ako naka-encounter ng kahit anong mahika. I lived normally, before.

Nag-shower ako saglit saka nag-suot ng croptop na damit at leggins saka rubber shoes. Ganito ang style ko tuwing nagja-jogging, i don't use t-shirts kasi masyadong mainit.

5:35 am na ng makababa ako sa building namin, ang ibang estudyante ay may morning class na ngunit kakaonti pa lamang sila, nagtungo ako sa field ng academy at sinimulan ko nang tumakbo.

May pumuntang butler sa room namin ni Chad kahapon, may pinapadalang mensahe ang headmaster, sinasabi doon na ngayong araw kami magsisimula, with Chad.

Makalipas ang trenta minutos sa pagtakbo ay tumigil muna ako sa isang bench at saka uminom ng kaonting tubig. Unti-onti nang sumisinag ang araw, napagpasyahan kong mag-exercise na ng kaonti bago bumalik sa dorm.

– –

Nandito na ako sa floor namin, binuksan ko ang pinto at nakita ko si Chad na naglalaro sa kaniyang cellphone. Hindi ba siya marunong kumain bago mag-gadgets?

"'Di ka ba marunong kumain bago maglaro d'yan sa cellphone mo?" Tanong ko.

Tinignan niya ako at bahagyang nagulat, mukha ba akong multo? Tsh.

"M. . . magpalit ka nga! Bakit b-ba ganiyan ang suot mo?" Inis na aniya.

"Inaano ka ng suot ko?" Taas-kilay ko'ng tanong.

"Labas 'yang tyan mo! Nagse-seduce ka ba ng lalaki?"

Ako naman ang nagulat sa tanong niya. Saan ka nakakita ng croptop na hindi labas ang tyan?

"Tsh!"

Kumuha ako ng damit at nag-cr, ang laki ng problema niya. At ako? Nagse-seduce ng lalaki? Tanga ba siya?






Chad's POV

Nang ibalik ko ang tingin sa harap ay wala na siya do'n. Tsk! Bakit kasi ang init ng panahon dito? Tinignan ko ang aircon at nasa high naman ito. Bakit mainit?

Aish? Ba't kasi ganoon ang suot niya? At saan siya galing? E, ano bang paki ko?!

Napailing na lang ako, tama na, nasisiraan na ako ng ulo. I check the time and it's already 6:50 am. Mag-aalasiyete na.

"Oh, nagpalit na ako, ayos ka na?"

Tinignan ko siya, ang 2 inch tshirt niya. "May short ka ba?" Sarcastic na tanong ko.

Tinaasan niya naman ako ng kilay, "Stupid, syempre meron." Then she rolled her eyes heavenward.

Sinamaan ko na lang siya ng tingin at bumangon na, ang alam ko ay may training kami sa headmaster mamayang 8 am, hanggang gabi daw iyon. Kating-kati ba sila sa'min?

Extraordinary AcademyWhere stories live. Discover now