Part 1

29 3 0
                                    

Part 1:

Sabi niya:

"

This happened 60 years ago.

She was the woman every other women around me looked up to. She had class, poise, wit, elegance, beauty, and most especially kindness which made every men like me admire her.

"Naiiba..." that's how I described her noong una ko siyang nakita. Tawa siya ng tawa noon kasama ang kanyang mga babaeng kaibigan sa open field during our ROTC.

Naging magkaklase kami sa ilang minor subjects at nagkasama din kami sa science club kung saan ako ang naging presidente at siya ang vice ko.

One day, I finally took the chance na iintroduce ang sarili ko sa kanya.

It was under the shade of a big acacia tree where I stood in front of her and said, "Hi... ako nga pala si Peter... Peter Villanueva." Inilahad ko ang kamay ko sa kaniyang harapan para makipag shake hands.

She smiled at me and looked straight into my eyes. Hindi ako mapigil sa kakalunok noon dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko. "I'm Wendy Saavedra. It's nice to meet you." Hindi ko inaasahang tatanggapin pa pala niya ang kamay ko. Nanlaki ang mga mata ko saka ko siya nginitian.

"I admire you..." Wala sa sarili ko iyong nasabi at natawa naman siya roon. Sa t'wing tumatawa siya, napapadaan ang malakas na hangin na humahawi sa makapal at maitim niyang buhok, at para bang humihina ang takbo ng oras kapag ganoon ang nangyayari.

"Haha. Thank youuu." Sagot naman niya sa akin.

Hindi ko minadali ang mga bagay-bagay. Dahan-dahan kong nakilala si Wendy at ganoon din naman siya sa akin. Hindi rin nagtagal ay naging malapit kaming magkaibigan. Bagama't lumalakas ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanya'y hindi ko parin binalak na ligawan siya sapagkat may mayamang lalaki ang umaaligid dito na kanya din namang gusto.

"Simple lang ako. Hindi ako kasing yaman ni Charles. Hinding-hindi ko maaangkin ang napakagandang dilag na si Wendy." Aking napagtanto habang pinagmamasdan ang kaniyang litrato. Tinignan ko ang aking kabuuan sa salamin. Walang ano mang espesyal sa akin. Hindi magaling sa fashion, pangit ang hairdo, at higit sa lahat mukhang mahirap talaga. Buti nalang at medyo nabiyayaan pa ng utak, kung hindi walang-wala na talaga ako.

Isang araw'y lumapit sa akin si Wendy na namumutla at namumugto ang mga mata. "Anong nangyari sa'yo?" Tanong ko kay Wendy na ngayon naman ay namumula na ang ilong at naluluha ang mga mata. "May nanakit ba sa'yo?" Dagdag ko pa.

"Oo... may nanakit sa akin..." nangingiyak niyang sabi. "May nanakit sa puso ko." Pagbibiro niya pa habang kinukusot ang mga mata. Tumatawa na ito nang bigla niya akong yakapin. "Akala ko mahal ako ni Charles... pero nang malaman niya ang katotohanan tungkol sa akin ay nandiri na siya at sinabing ayaw na niya..."

Nakaramdam ako ng awa, galit, at pagtataka. Hindi ko maintindihan ang lahat lahat ng sinabi niya.

"Ba't di nalang kasi ako ang mahalin mo." Bigla ko nalang nasabi nang walang preno.

Itinaas niya ang kanyang tingin sa akin at tinignan ang nangungusap kong mata. Dahil sa bugso ng damdamin, kahit pa alam kong magkaibigan lang kami ay hinalikan ko si Wendy sa kaliwang pisngi.

Kita ko ang paglaki ng kaniyang mata at ang dahan-dahang pamumula ng kanyang buong mukha. Nataranta ako sa susunod kong gagawin kaya naman sa aking kahihiyan ay humingi ako ng "Sorry" at kumaripas ng takbo.

EphemeralWhere stories live. Discover now