Sanaysay

24.4K 43 17
                                    

        Sa buhay pag-ibig, maraming relate dyan, maraming gustong magkaroon nyan. Gustong mahanap yung isang taong pupuno at kukumpleto sa sarili nya. Taong handang mahalin sya, kung ano man o sino sya. At taong magpapatibok ng puso nya at masasabing “It’s the One.”

          Pero masasabi mo bang puro kaligayahan lang sa pag-ibig? Diba’t darating din ang puntong masasaktan ka ng todo. Mahirap at masakit man pero, kailangan mo yung tanggapin. Dahil kasama yun pag nagmahal ka, yung tipong nasasaktan ka na, nagpapakamartir ka na, nagpapakatanga ka na, pero mahal na mahal mo pa rin. Yung halos lahat ginawa mo na, pero para sa kanya wala lang yun. Ginagawa mo yun dahil sa sobrang pagmamahal mo sa kanya. Ikaw nagmahal ka na ba? Nasaktan ka na ba? O nakasakit ka na ng damdamin ng iba?

          Marami na kong narinig na kwento ng pag-ibig. Kadalasan, nagiging saksi pa nga ako. Masaya, nakakakilig at nakaka-inggit. Aminin natin, totoo yan, dahil tayo mismo, gusto din nating maramdaman yung nararamdaman ng mga taong inlove. Gusto din nating maranasan yun. Yung makakakita ka ng mga taong sobrang sweet sa paligid mo. Nakakainggit sila. Mahal na mahal nila yung isa’t isa, yung tipong kahit lagi silang nag-aaway at nagkakatampuhan, nag-babati pa din dahil alam nilang may pangako silang pinanghahawakan sa isa’t isa. Meron din naming mga taong takot magamahal, dahil takot silang masaktan at takot maiwan. Mga taong ayaw sumugal sa laro ng pag-ibig. At meron din namang taong kahit alam nyang talon a sya, sumugal pa din, handa syang masaktan para sa taong mahal nya, na kahit palayain nya ito para sumaya sa piling ng iba, gagawin nya. Meron din namang mga taong, ginagawang laro lang ang pag-ibig. GInagawang laro lang lahat, na nakakasakit na ng damdamin ng iba, pero para sa kanila, tama yung ginagawa nila. At  meron din namang, mga taong naniniwala sa “Destiny.” Ako. Isa ako sa mga taong yun. Dahil naniniwala ako na lahat ng tao, may kanya-kanyang taong itinadhana. Yung kahit anong mangyari at kahit saan ka man dalhin ng kapalaran, kayo pa din yung magkakatuluyan. Dahil lahat tayo may karapatang magmahal, mahalin at maging Masaya. Dahil tadhana na mismo ang maghahatid sayo sa taong mamahalin mo. Kaya wag kang magmadali, dahil lahat ng bagay dadating sa tamang panahon at oras. Tamang panahon para magkita kayo at tamang oras para magmahalan kayo. Yung kahit mala “Romeo-and-Juliet” ang peg “You-ang-me-against-the-world.” Kayo pa din para sa isa’t isa.

          At kung dumating man yung puntong nasaktan ka ng todo dahil sa nagmahal ka. Huwag mong sisihin yung taong nanakit at nang-iwan sayo. Kundi magpasalamat ka, dahil sa ginawa nya natuto ka mas lumakas ka. Huwag mong gamitin yung galit nay un para maghiganti sa kanya. Dahil may mga taong darating lang sa buhay natin para pasayahin tayo at pagkatapos nun, iiwanan na lang tayong nasasaktan at nakadapa. Pero may taong dadaan at aalalayan kang tumayo at pasasayahin kang muli, taong handang mahalin ka. OO, masarap magmahal  pero, kung magmamahal ka, kahit konti manlang magtira ka sa sarili mo. Dahil pag-iniwan ka nya, paano ka na? Huwag mong sanayin yung sarili mo na umiikot lang ang mundo mo sa kanya. Dahil pag yung mundo mong yun nawala at nawasak, makakagalaw ka pa kaya? Dahil sabi nga, walang permanente ditto sa mundo, ang buhay nga natin walang forever, ang pag-ibig pa kaya? Pero sa kabila ng mga dahilang yan, may isang rason ka parin para sumugal sa laro ng pag-ibig. Huwag kang matakot makipagsapalaran sa laro ng pag-ibig, OO matatalo ka sa una pero, malay mo sa pangalawang pagkakataon, manalo ka na, at doble pa. Kung gusto mo o mahal mo yung isang tao, huwag mong itago, sabihin mo sa kanya. Malay mo diba, gusto ka din pala nung tao, nag-aantayan lang kayo parehas. At malay mo sya na pala si “The One”. Sya na pala yung taong pangangakuan mo ng “I Do” at “Till Death Do us Part.”

Pag-ibig nga ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon