6

9.6K 198 45
                                    

6

Lalisa

2 weeks na simula nung nag'pasukan. Ang dami na agad naming inaaral. Halos hindi na kami nakakapag'dinner ng sabay ni Chaeng. 2 weeks pa lang, pero bugbog na agad kami sa pag aaral. Ibang iba nga talaga ang college sa high school. Bawal na ang petiks :(

Papunta kami ni Seulgi at Kai sa Library ngayon para magplano para sa medtech week namin. Yes, may kaibigan na ako bukod kay Chaeng. Si Seul and Kai yung pinaka'close ko sa block namin. Sobrang saya nga ni Chaeng nung nalaman nya yun. Proud na proud daw sya sakin haha akala mo nanay ko e.

Naghanap na kami ng mapwepwestuhan sa Library. Buti nalang hindi na masyadong madami ang tao ngayon since 3:30 na naman ng hapon.

"So, ano nang plano natin para sa MT week?" Tanong ni Kai

"May naisip ako, why don't we contact Red Cross? Baka sakaling madaming gusto mag'donate ng blood e. Tapos taya nalang mafafacilitate, since hindi pa di naman tayo pwedeng mag'extract ng blood." Sabi ko sa kanila.

"Oo nga, or we can just have free blood tests sa mga gusto diba?" Suggest naman ni Seul.

Halos isang oras din kaming nagplano para sa MT week namin. Kaming tatlo kasi yung naatasan ng prof namin as a representative ng medtech freshmens.

"Guys, kain tayo. Hindi ba kayo nagugutom?" Seulgi the pig.

"Busog na ako e." Sabi naman ni Kai. Habang may tinitignan sa likod ko.

"Ha? Paano ka nabusog? E kanina pang lunch yung huling kain natin ah." Sabi ko sabay tingin sa kung saan sya nakatingin.

"Busog na ako. Nakita ko na asawa ko e. Hayy, ang ganda talaga nya." Inlove na inlove na sabi ni Kai. Oh boy, you're hopeless. Tsk tsk

Pag lingon ko, nakita ko kung saan naka'tingin si Kai. Doon sa dalawang babae na naka'pwesto hindi kalayuan samin. Naka'tingin din pala sila sa direksyon namin. Hmm, bakit parang familiar yung isang babae? Baka naka'sakay ko na sya sa jeep dati. But wait... did she just smile at me? Or kay Kai? I must say she has a cute gummy smile. Parang may kung ano akong naramdaman sa tiyan ko nung ngumiti sya. Gutom na nga din ata talaga ako.

"Hala mga dudeparechong! Nginitian nya ako. Shet shet. Crush nya din ako!" Sabi ni Kai tapos nag'hi sya dun sa babae.

"Ang feeling naman nito. Friendly lang sya kaya ka nya nginitian pabalik. Pero ang totoo, nacre'creepyhan na talaga sayo yan kasi kanina ka pa nakatingin sa kanya." Sabat naman ni Seul.

"Teka nga, sino ba dun yung crush mo?" Tanong ko naman kay Kai.

"Ayun oh. Yung naka'black. Si Jennie Kim my love." Halos magkorteng heart na yung mata ni Kai sa sobrang inlove nya dun kay Jennie Kim daw.

"Wait? I think I heard that name before. Saan ko nga ba narinig yun?" Sabi ko naman habang busy sa pag alala kung saan ko nga ba narinig yun.

"Lis, are you sure you're from here? Hindi ka taga outer space? Duh, She's THE Jennie Kim." Aba, ginaganyan ganyan na ako Seul ha.

"Uhh? The Jennie Kim? Anong meron sa kanya? Artista ba sya?"

"Tsk tsk tsk, hay nako Manoban. Wag kasi puro libro ang binabasa mo ha. Try to scroll minsan sa facebook at twitter."

Owwwkay?? Pinagtutulungan na nila akong dalawa. Eh sa hindi ko naman talaga kilala si The Jennie Kim e. Wala pati akong facebook at twitter no.

"Yeah, whatever. Alam mo Kai, kung gusto mo talaga sya, Why don't you just ask her out. Pero sa tingin ko mukhang negats ka dun hahaha" Biglang nakitawa si Seul sakin at umapir pa.

ALL EYES ON ME [COMPLETED]Where stories live. Discover now