5

9.8K 212 9
                                    

5

At Pop's

Jennie

Tumayo na ako sa pagkaka'upo ko para magsimula nang umorder. I have no choice but to follow Chu's order. Argh! Paano ba ako makaka'singit dito?

I scan the people na naka'pila sa counter. Nag hahanap ako ng pwede kong masingitan. Should I do what Jisoo did sa cafeteria kanina? What's that term again? Pabibe? Pabebi? Nevermind, bahala na.

Habang busy ako sa pag'scan sa mga naka'pila. I saw this girl na I think mukha naman syang mabait and I think papayag naman syang pasingitin ako sa pila kung sakaling mag'pabebi ako. She looks like Barbie tho. Tall and skinny, long brown hair with bangs. Big round eyes, pointed nose, kissa... what? What am I saying? Think Jennie, focus!

Hindi na ako nagdalawang isip pa. I cut into the line sa unahan ni Barbie. Omg, I'm sorry Barbie. I just have to do this kase kanina pa ako tinitignan ng masama ni Chu. Bawal pa namang nagugutom yun hayy.

Naramdaman kong kinuwit nya ako sa may bandang balikat ko. "Excuse me miss. You're cutting into the line. May pila ho oh. Dun po kayo sa dulo." Hindi ko sya nilingon at nagpatay malisya lang ako. I don't know what will I say. Conscience is eating me alive help Chu!!

"Hello miss, don't you think you're being rude here? Pumila kami ng matagal dito tapos sisingit ka lang ng basta? I don't think that's right." Kinuwit ulit nya ako and this time, halata mong inis na sya. Huhuhu what am I going to do? Calm down, Jennie. Just wear your resting bitch face baka sakaling um'effective sa kanya.

Humarap ako sa kanya. Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa at balik sa mga mata nya. I can say she's really pissed na. And now, I regret looking at her eyes. Her big, round, brown eyes that captivate me. Parang... parang nalulunod ako sa mga mata nya. It feels like I've known her for ages. What's happening to me? Parang bigla akong nanghina. Gusto kong iiwas yung mga mata ko sa pagkakatitig ko sa kanya pero bakit hindi ko magawa. Parang nag'slow motion yung paligid ko. Natauhan lang ako nung narinig ko na syang nagsalita ulit.

"Miss? You just cut into the line... and Staring is rude you know?" Pagtataray nya sakin.

Say something Jennie! Nung medyo bumalik na ako sa katinuan. I wore again my resting bitch face sabay sabi ng "I know." sa kanya. Bakit parang pinagpapawisan ako? Bakit ang tagal ng babaeng nasa unahan ko umorder? Gusto ko na maka'alis dito ugh. Akala ko papalagpasin na nya ako pero no, hindi pa din sya kumakalma.

"Alam mo naman pala e. Then why did you cut into the line? Look, miss. Pare parehas lang tayo ditong gusto ng kape. I waited for almost half an hour." Hindi ko sya sinagot, medyo naiinis na din ako kasi kanina nya pa ako sinisigawan. Napatingin ako sa ID Lace na suot nya. Hmm, so sa YGU din sya nag aaral? Hindi nya ba ako kilala ha?

"Hindi mo ba ako kilala?" Tanong ko sa kanya sabay taas ng isang kilay. Lahat ng nag aaral sa YGU kilala ako. I'm not being exagerated here. Just stating a fact.

"Sorry pero hindi e. And wala din akong balak kilalanin ka. You know what? Nevermind. Just go get your order, will you?"

Nung sinabi nya yun, hindi ko maiwasang mainis. I feel....offended. Why? I don't know. I was shocked at first kase meron pa palang taga YGU na hindi ako kilala. Medyo nasaktan ako nung sinabi nyang wala daw syang balak kilalanin ako. A part me of wants to introduce myself to her. Gusto ko syang sigawan at sabihin na "Are you from out of space? Para sabihin ko sayo, my name is Jennie Kim. "The Jennie Kim" ako lang naman ang nag iisang apo at taga pag'mana ng University na pinapasukan mo." Pero syempre hindi ko ginawa yun. I don't want to make a scene here. At isa pa, mukha syang hindi interesado sakin.

Wala na akong nagawa at umorder nalang ng kape. Nung maka'order na ako, bumalik na ako sa table namin pero nilingon ko muna si Barbitch. Yes, Barbitch na ang tawag ko sa kanya. Mukhang Barbie na medyo may pagka'bitch hmp. Magkikita ulit tayo soon. And sisiguraduhin kong makikilala mo talaga ako. Yung tipong hindi mo ako makakalimutan. Just wait and see Barbitch.

-

Dalawang linggo na ang nakalipas simula nung na'encounter ko si Barbitch. Dalawang linggo na din nya akong hindi pinapatulog. Simula nung away namin sa Pop's, Hindi ko na sya maalis sa isipan ko. Alam ko kung anong iniisip nyo, and no hindi ko sya gusto. It's just that, curious lang ako sa kung ano bang buhay meron sya at hindi nya ako kilala. Kase believe me or not, sya yung kauna'unahang tao na nagsabi na hindi nya ako kilala and it's very... fascinating? Hindi ko pa din sya nakikita dito sa University. Hindi ko alam kung anong pangalan at course nya.

"Hoy ang lalim na naman ng iniisip mo. Iniisip mo na naman ba si Barbitch? Nako Jendeukie masama na yan ha. Tapos kana ba sa pinapagawa ni Mr. Lee?"

Oo nga pala, kasama ko ngayon si Jisoo at nandito kami ngayon si Library, tinatapos yung assignment na pinagawa ni Mr. Lee.

"Not yet. And FYI, hindi ko iniisip si Barbitch noh." Liar.

"Asus. Eh bakit kanina ka pa lingon ng lingon? Bakit parang may hinahanap ka? Hmm."

Parang nagsisisi na ako na kinuwento ko kay Chu yung nangyari sa Pop's. And alam nyo ba? Pinagtawanan nya ako nung sinabi ko na nainis ako kasi hindi ako kilala ni Barbitch. She even had the guts to tell me na "Eh ano naman kung hindi ka na nya kilala? Ganun ka ba ka'importante at dapat lahat ng nag aaral sa YGU kilala ka? Requirements ba yun bago makapasok ng school?" The F diba?

"Huh? Ako? May hinahanap? Wala ah. I was just stretching my neck. I think I have stiffed neck from  sleeping in a wrong position e." Sabi ko habang nagkunwaring nag'stretch ng leeg.

"Talaga ba, Jennie Kim? You know you can't fool me. Lokohin mo na lahat, wag lang ako."

"Fine! I was actually searching for her for almost 2 weeks na. And I don't know why I'm doing this. Nacu'curious ako sa kanya to the point na halos hindi na ako makatulog kaka'isip kung paano ako magpapakilala sa kanya in a way na hindi nya ako makakalimutan."

Weird diba? Hindi ko din alam sa sarili ko bakit ko ba to ginagawa. I just want to befriend her. Siguro kase, Everyone in this school know me. All eyes are on me except hers. And I think that's intriguing?

"Bakit?? I mean, why do you want to introduce yourself to her? Kase Jendeukie, for me? Sa tingin ko, masyado ka lang nahiwagaan sa babaeng yun kasi ngayon ka lang naka'encounter ng taong hindi ka kilala. And I think you want to prove... something? Naka'hanap ka nang katapat mo no? Hahaha."

Nakahanap ako ng katapat ko? What does she mean?

"What do you mean nakahanap na ako ng katapat ko?" Me asking Jisoo out of curiousity.

"Secret bawal sabihin. Ikaw lang makakasagot nan."

ALL EYES ON ME [COMPLETED]Where stories live. Discover now