Chapter 24: EMERGENCY

Start from the beginning
                                    

"Jane, hindi ako makakapasok. May emergency lang, si Caren na muna ang bahala sa morning session ko. Sorry ngayon lang ako nakapagreply."

Agad ko naman siyang nireplayan sa mga sandaling iyon.

Ano naman kaya ang emergency? Tanong ko sa sarili ko habang nagsusuot ng palda.

.
.
.
.
.
.

Mag aalas singko na ng hapon pero wala pa ring reply si Kai, kaya napaisip na talaga ako kung ano ba talaga ang emergency na sinasabi niya.

Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi niya sinasagot, tinawagan ko din si Tita Andrea pero hindi daw niya alam. Dahil maaga siyang natulog kagabi at maaga ding umalis si Kai sa bahay. Nagtaka na ako kung ano ba talaga ang emergency na tinutukoy niya. Bumaba ako ng building at sumakay sa kotse ko sa basement, susubukan kong puntahan siya sa office ni Miss Hikari. Pero sa pagkakaalam ko, bukas pa ulit ang photoshoot namin dahil ang photographer ay umuwi ng probinsya. Para din daw makapagpahinga kami sabi ni Miss Hikari.

Si Ela kaya? Subukan mo kayang tawagan. Tanong ng isip ko habang tinatahak ang daan papuntang office. Siguro naman hindi si Ela ang emergency, naku malalagot siya sa akin kapag pinahirapan niya si Kai ko. Ako ang makakaharap niya. Teka, kung si Ela nga ano naman ang emergency doon. Umalis siya, naaksidente or what? Naku Kai, asan ka ba? Pinag aalala mo ako ng sobra.

.
.
.
.
.
.

"Wala siyang nabanggit, hindi ba kayo magkasama kahapon?" Tanging sagot at tanong ni Miss Hikari.

"After lunch break hindi na po siya nakabalik. Sige salamat po."

"Alalang alala ka e, bakit jowa ka ba niya?" Napalingon ako sa sinabi ni Jethro, kahit kailan talaga ang baklang ito pahamak.

"Hindi, syempre bilang kaibigan sino ba naman ang hindi mag aalala."

"Kaibigan o ka ibigan?" Sunod namang sabat ni Rea.

"Oo nga, tama ka diyan Rea. Girl huwag mo ng itago halata namang gusto mo si Kai."

"Huh? Ako? She's not my type." Pag iiwas ko sa usapan. Pero sa totoo lang, I like what they are trying to say.

"Hala! Sige deny pa more, lalabas din ang tunay mong kulay. Tsaka Jane okay lang yun, natural lang ang ganyan. Sige ka kapag pinigilan mo yan ikaw din. Pero payo ko lang, habang maaga sabihin mo na halatang halata ka kaya, diba guys?"

"Jethro tama na yan." Napaisip ako sa huling sinabi ni Jethro, mahal ko na si Kai pero ang hirap aminin.

"Okay lang po."

"Girl, alam na naming iba ang tingin mo kay Kai. Lalo na noong siya pa ang photographer mo. Basang basà ko ang mga ganoong klase ng titig. Tsaka okay lang na hindi mo sabihin sa amin, basta aminin mo sa kanya."

"Ahm Miss Hikari, una na po ako. Salamat po."

"Sige Jane, mag iingat ka. Ipapaalam ko agad sayo kapag may balita na."

"Sige po."

Umalis ako sa office ni Miss Hikari na malalim ang iniisip, dahil iyon sa mga sinabi ni Jethro at Rea. Ganoon na ba kahalata ang mga titig ko. Pero moving on, si Kai kailangan ko pang alamin kung nasaan siya. Sinubukan ko ulit siyang tawagan.

Ringggggg
Ringggggg
Ringggggg

"Hello?" Finally, sinagot din niya.

"Kai, okay ka lang ba?"

"Okay lang bakit?"

"Ahm, nag alala lang kasi ako. Hindi mo kasi sinasagot kanina ang tawag ko."

It's ComplicatedWhere stories live. Discover now