Chapter 4: Video (Part 1)

15 3 0
                                    

Lyxander POV

"Ilang oras pa ba tayong maghihintay sa kanya? Gosh! Spoiled brat talaga ang lalaking yun, bwisit!" Si Zharia na kanina pa bwisit na bwisit.

Ang sabi kasi niya kagabi 8 sharp nandito na kami pero 10 na wala pa si Dyren. Paano ba naman kanina pa siya gising, 5  pa lang gising na yun pero ang sabi niya paghihintayin daw niya si Zharia para magalit at effective nga.

Kanina pa galit na galit si Zharia pati nga kaming nagsasabing kumalma siya eh pinagagalitan niya din and in fairness nakakatakot siyang magalit. Umiiwas na nga kami ng tingin kapag tumitingin siya sa amin. Galitin mo ba naman ang isang black belter.

"Hello guys! Ang ganda ng araw ko ngayon, alam niyo ba yun ha?!"

Ayun dumating na si Dyren na sobrang saya samantalang si Zharia nagpupuyos na sa galit. I can see heaven and hell between the two of them. Lumapit naman ako kay Dyren para balaan siya.

"She's mad like hell because of you! Saan ka ba galing ha?" nagtatakang tanong ko.

"Don't worry Lyx! Hey ne- I mean leader. Sup!" umalis na ako sa pwestong yun baka madamay.

"What time is it?" Zharia ask.

"May relo ka diba? Bakit di mo tignan" naku naman. Iyun pa ang sinagot galit na galit na nga yung isa eh.

"Diba ang sabi ko 8 dapat nandito na tayo eh bakit late ka nang higit sa isang oras?" malumanay pa rin.

"Kagigising ko lang eh. Bakit ba?" The fire is getting stronger.

"Sa itsura ng mga mata mo, hindi mo kagigising and kaya mong magready ng ilang minuto lang."

"Hayst, why don't you just say you miss me that much. That's why you're questioni-"

*boogsh

Napalunok na lang ako sa gulat, paano ba naman hindi na naituloy ni Dyren ang sasabihin niya dahil sinuntok siya ni Zharia and sobrang lakas nun. Dyren slept in that punch.

"Buhatin niyo iyang kaibigan niyo!"

Hindi na kami nagpaligoy ligoy pa, binuhat na namin si Dyren at inilagay sa van. Si Danilaey ang ang nagmaneho, si Sabria naman ang nasa tabi niya at si Zharia naman ay nasa gitna namin ni Prince. Si Jhaderylle at Archer ay nasa likod namin and si Dyren na tulog na tulog ay nasa pinakalikod.

In Her ShadowOù les histoires vivent. Découvrez maintenant