CHAPTER 7

16 3 0
                                    

Two months na ang nakalipas pero hindi parin gumigising si Chloe, naging maka dios na ako dahil sa nangyari sa kanya wala na yata ako absent tuwing Linggo sa simbahan . hindi ako mapapagod humingi ng tulong sa panginoon para bigyan niya ng lakas si Chloe,na bumalik sa amin.

"Tawag ka ni boss, lutang ka nanaman."

Yes, nakabalik na ako sa cebu na hindi ko kasama si Chloe, ayaw ko man siya iwan pero hindi pwede kailangan ko bumalik sa trabaho para makatulong sa gastosin sa hospital.

"Bakit daw?"
"Iwan ko, puntahan mo sa office ngayon na."

"Oo."

Sa two months na wala ako sa tabi n'ya napa ka hirap. Subrang hirap umaasa ka na lang sa tawag ng mga kaibigan at pamilya n'ya. Ang iba bumalik na sa manila at sa cebu para mag-aral.

"Miss Reyes set down."
"Bakit niyo po ako pinatawag Boss?"
"Nahalata ko parati kang lutang dito sa office?"
"Pasinsiya po boss pagod lang po seguro ako."
"Mag pahinga ka muna Miss Reyes."
"Boss, pinapaalis mo ba ako? maawa ka po sa akin boss. Promise hindi na po ako maging lutang simula bukas, promise huwag niyo lang ako paalisin."
"Anu ka ba Miss Reyes, kong ano-ano ang iniisip mo, hindi kita pina-paalis pinapahinga lang kita, alam ko ang nangyari sayo sa Masbate sinabe sa akin ni Jenalyn."
"Hindi naman po kaylangan na mag pahinga ako boss kaya ko po."
"Mag pahinga ka muna bilang boss mo inuutusan kita na tanggapin mo ang offer ko, isa ka sa pina ka magaling at masipag na empleyado ko Miss Reyes, binabalik ko lang ang kabutihan mo kaya tanggapin mo na. Bumalik ka dito kong okay na ang lahat welcome ka dito anytime."
"Salamat boss, maraming salamat talaga salamat."

Swerte ako sa boss ko kahit kalbo 'yon mabait naman. kaya dali-dali ako bumalik sa mesa ko at kinuha ang mga gamit ko.

"Bakit ka nag mamadali?"
"Jenalyn, salamat sayo dahil sa sinabe mo kay boss binigyan niya ako ng bakasyon. Alis na ako."

Nag mamadali ako lumabas at pumara ng taxi pauwi sa bahay.

"Hello tita"
"Oh nak bakit?"
"Uuwi po ako"
"Ngayon na ba?"
"Opo"
"Segurado ka? paano ang trabaho mo?"
"Binigyan ako ng bakasyon nang boss ko po tita."
"Sige Nak ingat ka ha?"
"Ok po tita."

Wala ako sinayang na oras pag dating ko nang bahay nag asikaso agad ako ng mga gamit ko at umalis. Hintayin mo ako Chloe, hintayin mo ako babalik ako mag kikita ulit tayo hintayin mo ako.

MASBATE CITY

"Ate"
"Bakit?"
"Tawag ka ng mama ni Chloe, nasa labas siya ng bahay"

Kakarating ko lang sa masbate nag aayos na ako para pamunta sa Hospital.

"Kakausapin ka daw."
"Sandali lalabas na ako."

Lumabas ako ng makita ko si Tita, sa labas ng gate. "Tita?"

"Joy, sabi ng pinsan mo umuwi ka dito kaya pinuntahan agad kita."
"May problema po ba tita?"
"Sabay na lang tayo pumunta ng hospital may pag uusapan tayo."
"O-ok po."

Pumara kami nang van papunta ng hospital pag dating namin dumeritso muna kami sa simbahan na nasa loob ng hospital.

"Joy?"
"Po?"
"Alam naman nating lahat ang sitwasyon ni Chloe diba?"
"Ano po ang ibig mo sabihin?"
"Alam naman natin na imposible na bumalik siya sa atin."
"T-tita."
"Hindi ko na kaya makita na ganun ang anak ko. awang-awa na ako sa kanya kong p-puwede lang palitan ko ang sitwasyon niya ginawa ko na. Awang-awa na talaga ako sa kanya"
"Huwag mo sabihing susuko na kayo tita?"
"Kaylangan Joy."
"Tita." Nagsimula nanginig ang mga kamay ko.
"Dalawang buwan na ang nakalipas pero hindi parin nag babago ganun pa rin."
"Tita, huwag naman kayo ganyan hindi tayo susuko."
"Kinausap ko ang Doctor, sabi n-n'ya ang machine na lang daw ang bumubuhay sa anak ko." Nanginginig na sa iyak si tita, kaya napatulo na rin ang luha ko. "Nasa atin ang disisyon kong puputulin na ang Machine naka kabit sa kanya. Joy h-hindi ko kaya mamatay ako kong mawala ang anak ko hindi ko K-kaya, pero mas hindi ko kaya na makita siyang nahihirapan ngayon sa sitwasyon n'ya, ina ako gagawin ko ang lahat para sa ikakabuti ng anak ko."

Parang sasabog ang puso ko sa sobrang sakit, kaya napahawak ako sa dibdib ko kinakaya ko makahinga feeling ko maputulan ako ng hininga sa naring ko, kaya ko ba? Kaya ko ba na mawala ang taong mahal ko? Napatingin ako sa altar na puno ng luha ang mga mata ko. Tumingin ako ang mga mata ni lord nag hahanap ako ng sign kong ano ba ang pwede kong gawin.

"Joy, please palayain na natin si Chloe, masakit man pero tanggapin na natin palayain mo na s-siya."
"H-hindi ko yata kaya Tita, h-hidi ko kaya hindi! Nangako ako sa kanya na ipaglaban ko siya kahit anong mangyari hindi ko kaya." Nakayuko kong sabi ang mga luha ko parang tubig sunud-sunud pumapatak.

"Hindi ko sinabe na isuko mo siya ang akin lang pahingain na natin si Chloe, nahihirapan tayo pero alam ko mas nahihirapan din si Chloe."
"T-tita."

Yumakap ako ng mahigpit sa mama ni Chloe , iyakan na kaming dalawa sa loob ng simbahan.

"Puntahan mo si Chloe, kausapin mo paliwanag mo. Alam namin ikaw na lang ang hinihintay niya."

Sinunud ko ang gusto ng mama n'ya pumasok ako sa hospital dumeritso sa silid niya.

"Joy?"
"Ate."

Niyakap agad ako ng ate ni Chloe "Na miss kita."
"Na miss din po kita Ate."
"Iwan ko muna kayo alam ko na miss ka ng lalaki n'ya."
"Salamat, Ate."

Umupo ako sa kilid ng kama hinaplos ko ang pisngi n'ya mata ilong at labi. Malaki ang pinag bago sa katawan ni Chloe, sobrang payat at maputla.

"Umalis ako tulog ka, pag balik ko tulog ka pa rin abuso ka na Chloe, papamiss ka talaga sa akin."

Minsan sa subrang miss ko sa kanya tinitigan ko na lang ang mga pictures namin sa phone ko hanggang sa makatulog ako na yakap yakap ang phone ko.

"Miss na kita subra, ikaw ba na miss mo ako ha? Pa rang hindi naman kong na miss mo ako naka balik ka na at gising ka na mag kasama na tayo ngyon." Tumingal ako at kinagat ko ang labi ko feeling ko tutulo na naman ang luha ko.

"kong isusuko ba kita magagalit ka sa akin? Kong sa akin lang Ayaw kong gawin ito." hindi ko na mapigilan ang mga luha ko. "H-hindi ko kaya na isusuko ka pero kailangan para sayo at sa pamilya mo. Dahil kong ipipilit pa namin na lumaban mas lalo lang kami masasaktan, mas lalo ka mahirapan k-kaya sorry sorry sorry sorry s-sorry kong isusuko kita Love sorry." Napahiga na ako sa dibdib niya iyak lang ako ng iyak na pa rang hindi na uubos ang mga luha ko sa kakapatak." Mahal na mahal kita kaya pinapalaya na kita. Kaylangan kong gawin to para sa ikakabuti ng lahat lalo na sayo"

VACATIONWo Geschichten leben. Entdecke jetzt