CHAPTER 4

19 3 0
                                    

SCHOOL 🌼

"Ako ba pinagluluko mo na lalaki ka?"
"Totoo ang sinabe ko na gusto kita."
"Ilang boteng alak ba ang na inum mo ka gabe at ganyan ka ngayon?"
"Bakit ba ayaw mo maniwala sa akin?"
"Wala ako tiwala sayo."
"Mag tiwala ka lang."
"Ayaw ko!"
"Mag tiwala ka."
"Ayaw!"
"Mag tiwala."
"Ayaw ko nga! Ulit-ulit?"
"Nakakasakit ka na."
"Hindi naman kita kinukurot."
"Pilosopa."
"Mana lang sayo." Mataray kong sagot

"Joy, seryoso gusto kita."

Nandito kami ngayon sa school nang pinsan ko na si kyla, May meeting kaya ako muna ang pinapunta ni tita at ang lalaki naman ito nakita lang ako sumama na naman sa akin tapos sasabihin sa akin na gusto n'ya ako sino ba ang hindi magugulat.

"Joy"
"Oh?"
"Maniwala ka naman na gusto kita."

Bakit ayaw ko maniwala? Sa mukha n'ya pa lang makikita mo na huwag maniwala.

"Tumahimik ka na Chloe, nakikita mo ba nasa gitna tayo ng gym. Ma kinig ka na lang sa meeting kong ayaw mo na ikaw ang gawin ko taga salita sa taas ng stage tumahimik ka diyan!"

Nagulat ako biglang tumayo si Chloe, Nanlaki ang mga mata ko na humakbang ito papunta sa taas ng stage. ohh my god! ano nama kaya ang gagawin ng lalaki na ito, humarap pa ito sa akin kaya sumenyas ako na bumaba dahil sa nakakahiya. Pero ang luko ngumisi lang sa akin nakita ko kinausap niya ang teacher.

"Hi everyone, pasinsiya na kong mag pasaway muna ako sa meeting. May gusto lang ako patunayan sa babaeng gusto ko na ayaw n'ya maniwala na GUSTO KO SIYA."

Diniin n'ya pa talaga ang huling salita parang lulubog na ako sa upuan. An*mal na lalaki! Nakakahiya ano ba ang trip nito pati ako dinadamay.

"Ayaw nim'ya maniwala na gusto ko siya, manluluko daw ako ouch! napa ka judgemental mo Love pasalamat ka gusto kita. "

Lalo lang ako nahiya, hindi ko na alam ang gagawin kong uuwi naman ako baka magalit lang sa akin si tita.

"Napaka sungit n'ya kaya no epec ang mga ninja moves ko at manhid dahil hindi niya ramdam ang mga ginagawa ko para sa kanya. Actually kasama ko po siya ngayon."

Napalungo ako kay Chloe sa taas ng stage na huwag ako turo pero waley huli na."Si Joyce, ang babaeng gusto ko." sabay turo sa akin kaya napatingin ang lahat sa akin hiyang-hiya na ako pa rang na iihi na ako sa pantalon sa hiya." Maganda siya diba? Syempre ako pa ba? magaling ako pumili Joy, alam ko na hindi ka naniniwala sa mga sinasabe ko. Pero heto ako ngayon sa harap sa harap ng maraming tao nangako na hindi kita sasaktan."

"Sagotin mo na." Sumigaw ang isang lalaki na kabarkada n'ya kilala ko sa mukha pero nakalimutan ko ang pangalan.
"Pumayag ka na." sigaw pa ng isa.
"First time ito ginawa ng kaibigan namin dinamay pa ako nanayo na ang balahibo ko sa sobrang chessy ng luko na 'yan kahit kami nanigo sa kanya, kaya pumayag ka na para makauwi na ako."Sagot ng isa na mukhang naiireta na nga.

Bakit hindi ko na pansin na Nag dala pa talaga ang lalaki na ito ng back-up, para supportahan lang siya sa trip n'ya.

"Joy, Payag ka ba?"

May magagawa pa ba ako? Nandito na napahiya na ako kaya lubos-lubosin ko na lang hindi sa ayaw ko kay Chloe, wala lang talaga ako tiwala sa mga sinasabe n'ya. Pero dahil pinakita n'ya ngayon na nag effort pa sa taas ng stage, Ay talagang seryoso nga siya sa akin kaya tumayo ako at na maywang.

"Mahiya ka nga nakakadistorbu ka na sa meeting, baka sa susunod hindi kana puwede makapasok dito."

"Kapitan ang mama ko sa lugar na ito, Mayor naman ang ate ko."

Naka ngiting sabi nito, Kaya pala kilala sa lugar na ito ang pamilya ni Chloe, Dahil sa mama at ate nito.

"Payag ka na ba?"
"OK!"
"Ano? Hindi ko marinig."
"Sabi ko OK na!"
"Rinig niyo po ba ang sinabi n'ya?" Sabi n'ya sa mga tao sumagot naman na hindi."Hindi daw nila rinig kaya lakasan mo Love."
"OO PUMAPAYAG NA AKO NA LIGAWAN MO AKO!" sigaw ko ng malakas kaya bumaba ang luko sa stage na malaki ang ngiti tumabi akin sabay hila ng upuan pinag patuloy naman ang naudlot na meeting na parang wala lang may nangyari at ang mga kaibigan naman nito ay umalis naman agad.

"Salamat"
"Para saan?"
"Dahil pumayag ka."
"Ikaw ba naman pinahiya, may choice ka pa ba?"
"Naging totoo lang ako sa naramdaman ko para sayo at gusto ko malaman ng lahat na akin ka lang."
"Wala lang ako choice."
"Araw-araw may naka abang sayo para lang kausapin ka, at ako naman harangan sila para hindi mo makaharap at makausap."

Ginawa n'ya 'yon? Kaya pala minsan kong bibili ako sa tindahan ay wala na mga lalaki ang nangungulit sa akin.

"Hindi naman kita inutusan na gawin mo 'yon."
"Bakit ba kasi ang ganda mo?"

Aba kasalan ko pa tuloy kaya hinarap ko siya.

"So, Kasalanan ko pa? At saka kahit fetus pa lang ako sa loob ng tyan ni mama ay Maganda na ako."
"Huwag mo galingan mag pa ganda"
"Hindi ko kasalanan na gandahan sila sa akin."
"Ayaw ko lang maagaw ka ng iba sa akin."

Kiligin na ba ako nito? Relax Joy, Relax kaya mo 'yan huwag ka kiligin sa harap n'ya huwag! Relax ! Shits, hindi ko mapigilan ngumiti. God marupok talaga ako kunwari pa ayaw-ayaw pero ang totoo gusto naman.

VACATIONWhere stories live. Discover now