Darkness no.29: Tears of the Vampire

Start from the beginning
                                    

Napansin din niya ang plutang nilagay ko. Dahan dahan niyang binend ang kanyang katawan at agad niya itong kinuha. 

"Clara sino yan?" Tanong naman ng isang matandang boses.

"Ma wala ehhh. Ito lang po yung nakita ko." Wika ni Clara.

Agad namang lumapit ang may matandang tinig nayon. Pag lapit niya sa pintuan ay agad kong nasilayan ang itsura nito. Isa itong matanda at kulubot na ang mukha.  May dala itong baston na tumutulong mula sa kanyang paglalakad.

Mula sa kamay ni Clara ay kinuha niya ang nakuha nitong pluta. Tila sinusuri ito ng maiigi. Pinaikot ikot niya ito sa kanyang palad. Hanggang bigla nalang itong umiyak. Napahawak ito sa kanyang bibig. Halata na sa mukha nito na gusto na nitong umiyak ngunit tila pinipigilan niya.

"Ma okey lang po kayo? Sabi ng dalagita.

"Oo okey lang ako anak." Wika ng matanda. "Sige pumasok kana sa loob." Utos nito sa anak.

Agad naman itong sumunod sa kanyang ina at marahang pumasok sa loob ng bahay nayon. Naiwan ang matandang ito sa bukana ng pintuan. Mula sa kanyang dib dib ay hawak hawak parin nito ang pluta ni Varda. Nanginignig ang mga labi nito na tila gusto nitong humagulgol ng iyak. Sabay sabing.

"Varda mahal na mahal parin kita." Wika nito.

Talagang naantig ako sa eksenang yon. Kung iisipin ko ang mga pangyayari ay masasabi kong unconditional love ito. Hindi ko man alam ang istorya ng pagiging bampira ni Varda, O kung alam ba ng asawa niya na bampira na ito o hindi pa bago pa man nangyari ang lahat eh huli na. Dahil isa ng buhay ang nawala at isa namang tao ang nasaktan.

X~X~X

Pabalik na ako ng ospital noong mga oras nayon ng bigla akong nakakita ng isang batang nagtitinda ng sampagita. Payat ang pangangatawan nito at mukang nanghihina na dahil siguro sa manghapong pagbababd sa kalsada. Agad itong lumapit sa akin at sabay alok sa akin ng kanyang paninda.

"Kuya bilihin nyo na po ito." 

"Magkano ba ang lahat ng yan?" Tanong ko naman.

"Ahhmm para po sa inyo eh bente pesos nalang po lahat ng ito." Wika ng bata sabay ngiti.

Madungis ang mukha ng bata. Pero sa kabila ng kahirapan nito sa buhay at hindi maayos na damit ay nagagawa parin nitong ilabas at ipakita ang kanyang mukha ang labis na kasiyahan. Bigla ko tuloy naalala si Katrina.

Tumingin sa aking orasan. Mag aalas onse na ng gabi. Iniisp ko kung pupunta ako kila Katrina ng gantong oras ay baka tulog na ito. Pero inisip korin na kailangan ko ng makakausap.

Inabot ko na ang bayad sa batang nagtitinda ng sampaguita. 

"Kuya wala po akong panukli sa isang daan. Kulang po pera ko." Wika nito pag kaabot ko ng bayad.

"Nako sayo na lahat yan." Sagot ko naman rito.

"Nakooo talaga hooo. Nako kuya hulog po kayo ng langit!" Bulalas ng bata na halos mabiyak na ang mukha sa sobrang ngiti.

HIndi ko matanggal ang aking tingin sa batang yun hanggang sa kanyang pag alis. Winawagayway pa nito ang isang daang papel na pera habang tila pinapagyabang pa sa mga kasaman niya. Kasabay naman ng kanyang pag alis ang aking pagtungo sa boarding house ni Katrina.

Sa pag balik ko rito ay ang muli ding nag balik ang mga masasayang sandali ng aking buhay  nang dito pa ako nakatira. Agad akong tumalon mula sa second floor kung saan naroon ang kwarto nito. Marahan kong binuksan ang kanyang pintuan sa aking pamamaraan.

Agad saking bumungad ang kanyang amoy pag bukas ko ng pintuan. Isama narin natin ang pinaghalo halong amoy ng unan at mga linens.

HInaplos ko ang mukha ni Katrina habang siya ay himbing himbing sa pagkakatulog. Napaka amo ng mukha nito na tila walang kahit anong iniisip na problema.

Bahagya kong kiniskis ang malambot na parte ng aking palad sa kanyang mukha.

Tinanggal ko namang bigla ang aking kamay at bahagyang lumayo ng biglang gumalaw ito. Ibinaling niya ang kanyang ulo sa kabila habang medyo humihikab pa. Hanggang tila naramdaman niya ako.

 Agad nitong iminulat ang kanyang mga mata at tumingin kaagad sa akin.

"Patrick??? Ikaw bayan?" Wika nito na tila nagulat.

Hindi manlang ako nagsalita. Talagang sinadya kong itago ang mukha ko sa parteng hindi nasisilayan ng liwanag ng buwan. Ngunit sa ginawa kong yun ay mas nag alala si Katrina. Agad siyang tumayo mula sa kanyang kama at binuksan niya ang ilaw.

Nakita niya ko sa aking kalagayan ngayon. Namumugto ang aking mga mata sa dahilan ng pag iyak ko kanina. At kahit na bahagyang nakangiti ay halata parin ang labis na kalungkutan. 

Agad akong nilapitan nito. Niyakap niya ako ng mahigpit at agad na nangtanong na.

"Anong nangyari?" Na halata sa boses nito ang labis na pag aalala.

Agad naman akong sumagot na. "Wala ayos lang ako. Matulog kana ulit." Wika ko dito.

Bahagya akong ngumiti sa harapan ni Katrina. Gusto ko kasing ipakita sa kanya na kaya ko pa ang mga nangyayari . Pero tila iba ito sa painapakita kong kilos.

Sinimulan ko ng tumayo. Pupunta ako ngayon sa may switch ng ilaw upang isara ulit ito at bumalik na siya mula sa kanyang pag kaka tulog ng bigla nanaman niyang hanawakan ang aking kamay.

Ramdam ko ang init ng dugo na dumadaloy rito. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko na tila may gusto siyang ipahiwatig.

"Patrick kaya moyan." Wika niya.

Dun ko na naibuhos ang lahat. Biglang tumulo ang aking luha ng walang pasintabi. Napahawak ako sa aking mga mata para pigilan ito ngunit hindi ito kayang pigilan ng pag tabing lamang.

Naikwento ko kay Katrina ang lahat ng pangayayari. Mula kay Varda. Sa pag sugod nito sa bahay, Sa mga nangyari kila Benedict at Mang Roger at ang huling kahilingan ni Varda mula sa asawa nito.

 "Patrick magiging maayos din ang lahat." Wika ni Katrina sa akin sabay punas nito sa aking luha.

Kinuha ni Katrina ng aking ulo at nilagay niya ito sa kanyang leeg. Habang nakabaling ang ulo ko ay siya namang himas nito sa aking batok.

Hinding hindi ako nagsisi sa aking pagpunta ngayon dito. Makalipas lang ang isang oras ay naging maayos na ang lahat pagkatapos kong ilabas ang mga sakit sa puso ko ay para akong nakuhanan ng tinik sa aking lalamunan. 

X~X~X

Nakatulog pala ako sa tabi ni Katrina ng hindi ko namamalaayan. Hindi pa ako dapat magigising nun kundi dahil sa isang maingay na tunog. TRIGG! TRIIGGG! Isang malakas na ingay ang labis na nagparindi ng kwarto.

Agad akong namulat. Nakita ko pa ang labi ni Katrina na malapit na sa labi ko.

"Ano yun???" Wika niya habang nakapikit pa.

"Sakin yun." Sabi ko naman.

Agad kong kinuha ang aking cellphone sa bulsa ng aking suot na jacket. Pag kakita ko sa screen nito ay agad kong nakita ang pangalan ni Rose na pakislap kislap.

Agad ko itong sinagot. At sa aking pagsagot dito ay siya namang agad nitong sambit ng isang balita.

"Ooohh! Rose ano ng nangyari." Tanong ko kaagad.

"Pat si Benedict nagkamalay na." Sagot naman nito mula sa kabilang linya. 

Red Moon (Published Book under LIB)Where stories live. Discover now