Chapter 11 - Kiss & Fall

6.6K 100 0
                                    

        **BANG'S POV**

          Pabalik na kami sa dorm nila Ella, Marge, Den at Aly ng madaanan namin yung ibang varsity ng mens basketball.

"Hi Girls!" sabi nung isa at napatigil kami.

"Tol ano ka ba hindi yan lahat chix!" sabay tingin nila kay Aly.

"Anong problema nyo saakin?" lumapit ng bahagya si Aly sakanila at parang hahamunin ng suntukan.

"Ikaw!" sabi ng isa. "Pasikat ka masyadong tibo ka!" tumayo ito at lumapit din kay Aly, nagtitigan sila ngayon ng masama.

"Kaya di na ko magtataka na lahat ng babae dito sa school ay mababaliw talaga sakin" sabi ni Aly na hindi humihiwalay ng tingin sa taong nasa harapan nya.

Nagulat ako kasi biglang lumapit si Den kay Aly at humawak sa braso nito "Aly tara na, sayang oras natin sa mga yan!" sabi nya.

Napatingin naman yung lalaki kay Den "Hindi ka ba nadidiri kapag naghahalikan kayo? Pareho kayong babae."

"Kung kayo lang din edi kay Aly na lang talaga ako hahalik!" at agad nyang hinalikan sa pisngi si Aly. Nagulat kaming lahat pero nagpatuloy na lang kami at iniwan yung mga lalaking walang magawa sa buhay.

        Natulalala ako sa nakita ko pero si Ella kinilig, si Marge ayun naka-observe lang at walang reaksyon. Nakakapit parin si Den kay Aly at tulala naman si Aly. Nauuna silang dalawa samin maglakad.

         Ano ba yung nakita ko? Di ba ayaw ni Den sa mga katulad ni Aly pero bakit nya ginawa yun? Oo nagseselos ako pero di ba dapat wala akong ika-selos dahil alam ko na hindi papatol si Den kay Aly? Nagising na lang kami sa mga diwa namin ng biglang may sasakyang tumigil sa harapan namin.

Napabitaw si Den kay Aly, "LA!" halatang nagulat sya. "LA mga kaibigan ko"

"Hello! Ako nga pala ang boyfriend ni Den"

"Hi!" sabi namin ni Ella pero walang reaksyon si Aly.

"Ah! Bakit ka nandito?" sabi den na parang natataranta.

"Si mommy kasi miss ka na dinner ka daw sa bahay?"

"Ah! sige tara na." kinuha ni LA yung gamit nya at pinagbukasan ng pintuan at pumasok na si Den.

"Ah sige bye girls, una na kami. Ingat kayo." At umalis na sila. Tahimik parin si Aly na nakatanaw lang sa sasakyan.

"Alam mo bagay talaga sila ni LA" sabi ko kay Ella pero pinaparinig ko talaga kay Aly.

"Oh pero parang ang boring naman nung LA at parang di naman sya mahal ni Den." ano ba naman to si Ella wallang pakisama.

"Hmm! Yun ang gusto ni Den eh TUNAY na lalaki, alam mo naman ayaw nya sa mga...buti pa ko KAHIT SINO kaya kong mahalin" patuloy parin ang pagpaparinig ko sakanya.

"Sa bagay! hayaan na nga lang natin, tara na sa dorm." sabi ni Ella. Nakita ko naman nag-walk out si Aly.

"Ly! san ka pupunta?" sigaw ko sakanya pero di nya man lang ako nilingon.

Yes or No? (either way I love you..)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt