Pretender??

138 34 40
                                    

Kate's POV:

'Hindi ko alam kung bakit pa ako nagpapakatangang umaasa na babalikan mo ako, na sana pag gising ko sa umaga makikita kita, sinusundo mo ako para sabay tayong pumasok. Ivan hindi ko pa kasi kaya..mahirap eh, napakahirap na baguhin ang isang bagay na nakasanayan mo ng gawin at mas lalong mahirap na kalimutan ang isang taong nakasanayan mo ng kasama.'

I wiped my tears to prevent me from crying but hell! They just kept on falling. I can't imagine myself still on a moving on state kahit isang taon na ang nakalilipas. Tinanggalan ko ng mga tuyong dahon ang ibabaw ng puntod ng lalaking pinakamamahal ko at inilagay ang isang basket ng bulaklak bago nagsindi ng kandila. Umupo ako, itinaas ko yung dalawang tuhod ko kalevel ng mukha ko at doon ako naghalumbaba, nakayakap ang mga kamay ko sa binti ko.

"Nagtataka ka siguro kung bakit biglaang napadalaw ang maganda mong fiancée no? Wala namang okasyon, hindi naman natin anniversary at lalong hindi mo naman birthday. Pero alam mo ba? Kung bakit ako nandito? Kasi Ivan nakita kita sa airport nung isang araw eh." Tumigil muna ako saglit dahil pakiramdam ko gagaralgal na naman ang boses ko kapag nagpatuloy pa ako. Damn! Naiiyak na naman ako, tumingala ako and heaved a sigh.

"K-kasi alam mo, akala ko buhay ka. Alam mo ba na yung kahit katiting na pag asang buhay ka pinanghahawakan ko na. Ganoon na ata ako kadesperada, makasama lang kita. Pero in the end, umasa lang pala ako, na maling akala ko lang pala."

Para na akong tanga na kinakausap ang puntod niya doon, pero wala akong pakialam, kase feeling ko sa way na ganoon nakakausap ko pa din siya, na parang buhay siya.

"Naisip ko, siguro hindi mo talaga kamukha yun, siguro yun lang ang tingin ko kase nagpaparamdam ka lang talaga sa akin. Sadya mo yun no? kase pinapaalala mo sa akin na dalawin naman kita. Siguro nalulungkot ka na naman at namimiss mo ako.M-Miss na miss na din kita."

Tuluyan na akong napahikbi at ibinaon ang mukha ko sa tuhod ko at umiyak, naramdaman ko ang pagtaas baba ng balikat ko.

"Alam mo, gusto gusto ko ng maniwala kay Gael, na hindi ikaw yun, gusto ko ng makalimot. But my idiot heart won't allow me. Umaasa pa rin ako na sana buhay ka pa,hindi ko pa y-yata kaya."

Naramdaman ko na biglang humangin ng malakas at biglang lumamig ang pakiramdam ko. Sabi ng matatanda kapag ganoon daw ay nasa malapit lamang ang isang kaluluwa o kaya'y niyayakap ka nito.

"Ivan." Bulong ko. Lalo lamang akong napaiyak, knowing that he is watching and comforting me. He always does this when he's still alive. He had been always my protector.

Pakiramdam ko hindi maubos ubos ang luha ko pagdating kay Ivan.

Tumingala ako para pigilan ang luhang nag uunahan na namang pumatak sa pisngi ko. Kailan kaya darating yung araw na hindi na ako masasaktan? Tama ba yung sinabi nila? Na kapag nakahanap na daw ako ng bagong mamahalin makakalimutan ko na yung sakit. Pero kaya ko ba? Kaya ko bang palitan si Ivan sa puso ko? Bakit ba kasi ang hina hina ko.

Mariing pinagsusuntok ko ang tuhod ko habang tuloy pa din sa pag iyak.

Bakit ba hindi ko magawang palayain si Ivan? Bakit ang selfish selfish ko? Bakit ko siya ikinukulong sa puso ko? I need to set him free, I need to let go. He needs to rest and go to his destination, at hindi siya makakaalis if I am still holding on. Somebody told me na kapag daw may ayaw pang iwan ang isang taong namatay, he will not leave and will still hovers around to guard that someone. Posible din kaya yung mangyari kay Ivan? Nandito pa rin ba siya kasi hindi pa ako nakakamove on?

Am I ready to let him go?

Puro hikbi ko lang ang maririnig sa tahimik na Cemetery. When suddenly I felt something strange in me, I feel uneasy as if someone is staring behind my back.

PainFul GoodBye(On-Going)Where stories live. Discover now