Welcome to Nightlife

11 0 0
                                    


If I could just kill my own brother without being sent to prison I would probably be glad to. Gusto ko siyang suntukin ng mga oras na yun, sipain, sabunutan at tadyakan on his part 'where it hurts most'.

Nakakainis siya! Nakakagigil talaga. Now I'm here on his back nervously riding on his Ducati Veyron racing motor, and I'm really not sure kung buhay pa akong makakarating kung saan man kami pupunta. Kung sinabi niya lang na magmamarathon pala kami ay hindi na sana ganito ang suot ko. Nag effort pa akong mag dress, eh halos mahubaran na ako sa sobrang bilis niya magpatakbo eh.

Grabe siya kung makapatakbo akala mo ay nasa karera siya. I really didn't plan to join him wherever he's going but he already told Mom na kasama niya ako to cover him up. I know na hindi siya papayagang lumabas and then he uses me dahil alam niyang matagal na akong inuudyok nina Mommy na mag unwind naman daw ako. Besides, kailangan ko ding bantayan to baka masangkot na naman kung saan saan na gulo. I really hate his ass, I know that this will happen, papasakitin na niya naman ang ulo ko like he used to do back then. Hindi ko tuloy mapigilang alalahanin ang mga nangyari noon.

Hindi yan umuuwi nang hindi kami pinag aalalang lahat. Bata pa lang si Santy ay palaaway na talaga, matapang lang talaga siya pero hindi siya malakas kase nung kabataan niya ay payatot yan. Kaya naman lagi siyang umuuwing bugbog at talo. Katwiran niya sakin noon nung pareho pa kaming nag aaral sa Grade school, kapag daw nagpakita siya ng kahinaan tiyak na magiging biktima siya ng mga batang bully, mas mabuti na din daw yung lumalaban siya kahit natatalo siya at least alam daw ng mga batang aaway sakanya na palaban siya. Aaminin ko na humanga ako noon sakanya dahil alam kong ako ang mas matanda pero ako yung mahina. Pero ewan kase nature na naman yata ng mga lalaki yung magtapang tapangan at tayong mga babae ay likas na mahina. Kung natatalo man siya sa mga kaaway niya, may isang tao ang laging tiyak ang panalo niya, at syempre sakin yun tss. Alaskador yan si Santy kahit nung bata pa, hindi ko na mabilang kong ilang beses akong umiyak nang dahil sa kanya. Masakit man aminin pero kahit ako yung panganay ay si Santy ang nasusunod at ako lagi yung natatalo sa tuwing mag aaway kami. Kahit naman noong bago siya umalis ng bansa. Ngayon lang ako naging ganito sa kanya, yung palaban at nagiging demanding.

Lumaki si Santy sa gulo,pakikipag away at nakilala din siya sa school na pinapasukan nung highschool bilang isa sa mga notorious BULLY. Hindi ko siya maintindihan kung bakit siya ganyan. Hindi naman pwedeng pagrerebelde ang ginagawa niya because Mom and Dad are very nice to both of us. Hindi naman masasabing nagpapapansin siya because as far as I know hindi siya kulang sa atensyon, dahil nga dadalawa lang kami ay napagtutuunan naman kami ng atensyon ng parents namin kahit parehong busy sa business ang mga ito. Ipinag palagay ko na lang na siguro ay nakasanayan na din niya ang pakikipagbasag ulo dahil nga simula bata ay gawain na niya.

Losing hope about Santy's attitude during his Grade school, our parents decided to enroll him in a Catholic - All Boys School hoping na matuturuan siya ng good ethics at masugpo ang pakikibasag- ulo niya. May dorm yun kaya't iwas din siya sa lakwatsa and very strict ang management ng school kaya napanatag hindi lang sina Mommy pati na din ako kase pinoproblema ko din syempre ang kapatid ko. Pero isang maling desisyon pa pala na ikinulong namin siya kasama ng mga kapwa niya lalaki dahil mas lalo lang siyang napasama, at dun nga sa St. Peter's Academy nakagawa si Santy ng isang krimen sa edad na 13. I just can't imagined it, hindi ko namalayan na ganun na pala ka aggressive at ka bayolente ang kapatid ko. May sinaksak siya ng tinidor sa mata na kadorm mate niya at nabulag ang binatilyong iyon. Nakick out siya sa school at dun na nagdecide si Daddy na ipadala siya kay Lolo sa States because lolo is very strict alam ni Daddy na doon titino si Santy but I doubt it, dahil alam kong kapag tinubuan na ng sungay ang isang tao mahirap na itong baliin. That's why we're here.

Ininhinto ni Santy ang motor sa isang bar, hindi ko kilala ang pangalan kung sikat man yun o hindi because I don't usually go to bars. But I can tell na medyo kilala ang bar na yun. Naobserbahan ko lang kasi na madami ang customer ditto to the point na halos mapuno yung parking space ng mga mamahaling cars. I'm not that naïve na hindi ko alam kung saan kami pupunta ng kapatid ko when he talks about night life that's why I did not stupidly ask him kung bakit nandito kami.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 12, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PainFul GoodBye(On-Going)Where stories live. Discover now