Chapter 3: Truth about the Past

17 2 1
                                    

Marissa's POV

Grabe. Ang saya saya siguro ng first day Ni Monique! EMEGED. Alam kong kinikilig sya. Weeew. <3

Hindi ko alam kung magiging malas o swerte siya sa magiging lovelife nya.. wew. Its up to her naman eh. Kung magiging masaya sya o hindi.

Well,basta ako, never na akong pumasok ng mga ganyan. Kung iniisip nyo na pinagbabantaan ko si JC kay Monique, dahil kasi alam ko na ang mga ugali ng mga lalake ngayonn,lahat sila, peke, manhid at manloloko. Wala na yata akong mapapagkatiwalaan eh.

Enough for that. Well eto ako ngayon naglalakad mag-isa sa field. Busy kasi yung mga bruha. Pare-parehong may klase. Frvr alone ako ngayon ah.

Ay! Ano ba yan. I.D.? Oo. Nakatapak ako ng isang identification card ng isang lalaki.

Ang careless careless naman. Nakakaturn off masyado. Nagkakad nalang ulit ako papalayo.

"Natapakan na, di pa pinulot!" Nakarinig ako ng sigaw ng isang lalaki. Lagot. Siya yata yung may ari. But wait a minute. Humarap ako sa kanya pero di para mag sorry.

"Kasalanan ko ba kung careless ka?"

"Di ako careless. Alam ko kasi na pag may nakatapak ng I.D. ko, ibabalik agad sakin eh. Sa gwapo kong to, wala pang nagsasabi sakin na careless ako."

"Edi ako yung first na nagsabi sayo. Wow. Naka break ako ng record. At... gwapo? Self proclaimed. Tsss."

Sabay walk out. Di ako magpapatalo sa lalaking to. Bwisit siya.

Mag dadalawang oras na akong nakaupo dito. Di pa ba sila tapos? Daya.

"Senti mode: ON."

"Miss mo na kami no?"

"Di ka namin miss eh. Ahaha joke! Sobrang miss ka na namin."

Etong tatlong to. Pinaghintay na nga ako tas binibwisit pa. Niyakap nila ako. Sweet diba? Sila. Sila lang sapat na. Kaya wala akong balak mag boyfriend ulit eh. Ayoko na silang mawala sakin. Sila. Oo sila ang buhay ko.

***

Flashback

Marissa's POV

Oo. Boyfriend ko si Jasmer Toledo. Swerte ko diba? Mahal na mahal ko yun. At alam kong mahal ma mahal niya rin ako.

Naglalakad ako kasama siya ngayon. Masaya ako syempre. Pero siya, di mapakali eh. Ewan ko kung anong problema nito.

"Ay Elai, hatid na kita sa classroom mo ha. M-may pupuntahan pa kasi ako eh. Tuturuan mo pa ako mamaya sa test diba? Sige maya nalang. Bye!"

Umalis siya nang walang paalam. Pero okay lang. Baka importante naman.

Masundan nga to. Hahaha. Dumirecho siya sa may malaking puno. At dun, ......

Pinigilan ko nalang yung luha ko. Pero kahit anong pigil ko, wala namang mangyayari. Niyakap ni Jasmer yung babae.

"Love, sorry ha natagalan. Ang feeler kasi nung fake gf ko. Feeling niya gusto ko siyang kasama."

"Okay lang love. Atleast dahil sa kanya, mataas grades mo diba ayos na yun,"

Masakit. Oo masakit. Ginagamit niya lang ako para sa grades. 7 months, para lang sa grade.

Biglang may humawak sa kin at hinila ako papalayo. Si Monique. Dinala niya ako sa tapat ng room kung saan naghihintay si Cla at Trish.

Nahihiya ako sa kanila. Kinalimutan ko sila. Dahil kay Jasmer. Pero di pa rin nila ako iniwan. Napakaswerte ko sa kanila.

Niyakap ko sila nang mahigpit.

Friendship level: UNBREAKBLEWhere stories live. Discover now