Takte mukhang masisira ang dorm namin.

Ng biglang..

"I-israel." utal na sambit ni Serena.

Takte anong ginagawa nito dito. Mapapahamak lang siya. Lalo na't nasa bandang pinto si Israel.

At huli na para mahila namin siya malapit samin ni Stacey dahil nakaamba na sakanya ang espada ni Israel.

"Pakawalan mo ko." sigaw ni Serena sakanya.

"Ngayon niyo ko hamunin." pagbabanta ni Israel samin.

"Wag mo siyang idamay dito Israel pakawalan mo ang kaibigan namin." pakiusap ni Stacey.

Nag-isip ako ng malalim kung paano namin maliligtas si Serena. Dahil mahihirapan akong maglaho dahil baka matuluyan si Serena.

At ang nakakainis pa wala palang kapangyarihan si Serena para maglaho ang tanging meron lang siya ay ang pagiging invisible.

Pero sa lagay niya ngayon imposibleng magamit niya yun.

Kaya pumikit ako para makapag-isip pero nagulat ako sa kislot na naramdaman ko saking likuran.

"Pakpak." bulong ko saking sarili.

"Z-zette may pakpak ka." tanging naiusal ni Stacey habang nakatingin sakin ganun din ang pagkamangha ni Serena.

"Di ko alam kung paano? Ewan ang mahalaga lang sakin ngayon ay mailigtas ko si Serena." bulong ko kay Stacey na nakaharap ng muli kay Israel at nakaamba parin ang espada.

Tiningnan ko ang kasalukuyan. Pero di ko magawang mag-isip gawa ng pakpak na labis kong ikinagulat. Oo nakita ko na ito nung birthday ko pero akala ko isa lang imahinasyon yun di ko akalain na totoo pala.

Infernes bet ko yung kulay.

"Stacey pagkabilang kong tatlo sumugod ka kay Israel ako bahala kay Serena." bulong na utos ko sakanya.

"Ano naduduwag na kayo." natatawang singhal ni Israel samin.

Mama mo duwag!

"Nababaliw kanaba Criszette. Lalong malalagay sa kapahamakan si Serena sa iniisip mo." bulong na sagot niya sakin.

Kung inaakala niyong nakalingon siya sakin nagkakamali kayo kasi hindi nagsasalita lang siya ng pasimple pero dahil nga sa mafi ko na kayang makarinig ng nag-uusap kahit mahina lang ay naiintindihan ko sinasabi niya. Ganun din siguro to. Di nako magugulat kung naiintindihan niya sinasabi ko kahit nakatalikod siya sakin.

Dahil isang prinsesa to.

"Matagal kong pinag-isipan to Stacey at alam kong gagana to. Sumunod kanalang kung gusto mong mailigtas natin si Serena." bulong na sagot ko sakanya. "Oh baka gusto mong masunog tayo ni Keiron pagnalaman niyang pinabayaan natin kakambal niya." dagdag ko pa.

"Siguraduhin mo lang Criszette na di tayo papalpak sa iniisip mo." bulong na sagot niya sakin.

"Ano ba magtitigan nalang ba tayo dito." rinig kong sigaw ni Israel.

"Ano ba pakawalan mo ko." pagpupumilit na kumakawala na sigaw ni Serena.

Habang busy si Israel sa pagpapatahimik kay Serena sinimulan ko na magbilang sa utak.

Uno

Agad na naghanda si Stacey. Mawawasak pa ata ang dorm namin.

Dos

Pero bago pa ko makabilang ng pangatlo ay biglang nagliwanag si Stacey.

At naging kulay red at black ang damit niya maging ang buhok niya.

The Cold Princess of Ainabridge AcademyWhere stories live. Discover now