"Tsk." tanging sagot konalang.

"Pero bago ang lahat ang tunay niyang pangalan ay Jem Melissa Dela Paz pero mas kilala siya bilang Isay dahil lingid sa kaalamam ng lahat ang tunay niyang katauhan. Wala siyang ginagamit na apelyido pag nandito siya sa Academy at tanging Isay lang ang dala-dala niyang pangalan. Dahil na rin sa utos ni Ama." ani Jameson.

"Pero bakit nga bawal? At sino ba talaga siya at ganun nalang kakumplikado lahat." ani ko.

"Nung pagkatapos namin isilang na kambal ay lingid sa kaalaman ni Ina na may ibang ikinatatagpo si Ama na isa ring Amians. At ang pinakamasaklap pa ay kapatid ito ng aming Ina. Ng dahil dun ay nagbunga ang relasyong binuo ng aking Ama na si King Jessie at ang kapatid ni Ina na si Tiya Joana." sandali siyang tumigil at huminga ng malalim bago nagpatuloy. "At ang bunga nga nito ay si Isay. Nung nalaman ito ni Ina ay nagalit siya siyempre kasisilang lang samin tapos eto may kataksilan siyang nalaman. Kamuntikan magkawatak ang magkapatid nun ng dahil sa nangyari. Pero dahil nga likas sa mga Amians ang pagiging masiyahin at mapagkumbaba ay pinatawad ni Ina si Ama at Tiya Joana. Kahit masakit tinanggap ni Ina ang anak nina Ama at Tiya. Pero dahil na rin sa nahihiya si Tiya kay Ina ay napagpasyahan ni Tiya Joana na kitilin ang sariling buhay. Naabutan siya ng mga alipin na nakatali ang leeg sa lubid at wala ng hininga at naninigas na ang katawan. Ng dahil sa nangyari napilitan si Ama na alagaan si Isay at dahil na rin sa pagmamahal ni Ina sa kanyang kapatid kahit may nagawa itong kataksilan ay tinulungan niya si Ama sa pag-aalaga kay Isay. Kasabay naming lumaki si Isay. At walang kahit sinong Amians ang nakakaalam nito bukod samin nila Ina at Ama." nakangiting paliwanag niya.

"Pero di ba kayo nagalit kay Isay nun nung malaman niyo ang katotohanan." sabat ni Keiron.

"Nung una nagulat kami. Dahil sa totoo lang hindi pinaramdam ni Ina at Ama na iba si Isay samin pero nagduda kami nung pag may pagpupulong sa bulwagan ng kaharian ay hindi kasama si Isay at nakakulong lang siya sa kanyang kwarto. At ng dahil dun ay minabuti nila Ama at Ina na sabihin samin ang totoo. Pero kahit kailan di kami nagtanim ng galit ng kakambal ko." dugtong pa ni Jameson tsaka lumingon kay Jarret.

"Wala namang dahilan para magalit kami kay Isay dahil para na namin siyang bunsong kapatid kahit magkakaedad lang kami." nakangiting sambit ni Jarret. Ang ngiting di peke at walang halong kaplastikan dahil yung ngiting yun ay totoo.

"Kaya mas pinipili niyong dito sa Library magkita-kita." nakakunot noong tanong ko pa.

"Oo dahil malimit lang ang estudyanteng nagtutungo dito. Dahil karamihan sa mga estudyante sa Academy na to ay walang ginawa kundi magpayabangan ng mga kapangyarihan na taglay nila." sagot ni Jameson sakin.

"Pansin ko ngayon mula ng dumating ako dito lalo na yung Ella jusq di marunong madala ang isang yun." napapailing na sabi ko.

"Ah si Ella ba ganun talaga ugali nun palibhasa kasi galing sa Aenna ang lugar kung saan namumuno ang kanyang mga magulang." sabat ni Isay sa usapan.

"Aenna? Saan yun? Anong klaseng tribu yun." nagtatakang tanong ko.

Madami pa talaga akong di alam sa Normsantandia.

"Ang Aenna ay hindi tribu Criszette. Ang Aenna ay isang bayan ng mga mayayabang at hambog." paliwanag ni Jameson sakin.

"Kaya naman pala ganun ugali nun eh now I know." naliliwanagang sagot ko.

"Ang Aenna din ang bayan na walang pakialam sa nangyayari sa Normsantandia ang gusto lang nila ay magbilang ng asawa at magyabangan buong maghapon." dugtong pa ni Isay na iiling-iling pa.

Takte ano klaseng bayan yun. Tsk! bakit ganun sila?

Madami pa kaming nagpakwentuhan at puro tungkol kay Ella. At lumalalim na ang gabi kaya napagpasyahan kong magpaalam na. Dahil naghihintay si Stacey sakin.

"Paano ba yan nagugutom na ko tsaka nangako ako kay Stacey na titikman ko ang Menudo niya." nakangising paalam ko sakanila.

"Ay ganun ba. Sige ingat ka. Kami din ay aalis na dahil ihahatid pa namin tong pasaway na to sa dorm niya." ani naman ni Jameson tsaka tumayo na din.

"Sinong pasaway. Mage talaga nagtatanong lang naman ako kanina." parang bata na tanong ko.

"Shut up Isay! Ikaw Keiron di ka pa ba sasabay samin." pagkatapos singhalan si Isay ay si Keiron naman ang tinanong niya.

"Ay hindi na pre dadaanan ko pa kasi si Serena sa dorm niya." seryosong sagot ni Keiron at tumayo na din.

"Sige na una na ko sa inyo dahil lintik lang ang galit nun ni Stacey pagdi ako dumating ng maaga sa dorm." ani ko sakanila.

"Tsk tsaka pakisabi kay Stacey sunduin ko siya bukas ng umaga tsaka patikim ako ng Menudo niya." nakangiting bilin ni Jameson sakin.

"Makakarating." sabi ko tsaka lumayo ng kaunti sa kanila at pumikit.

Magteteleport nalang ako para mabilis. Napagod kasi talaga ko.

Andaming nangyari ngayon araw. At alam kong madami pa kong matutuklasan at madami pang mangyayari sa mga darating pa na araw.

Habang tumatagal ako sa Normsantandia mas lalo kong nakilala ang sarili ko.

Huminga ako ng malalim.

"Mag-iingat ka Criszette." rinig kong paalam ni Keiron pero di ko na pinansin.

Huminga ulit ako ng malalim at nagbigkas ng spell.

"Azureyuersue." bigkas ko sa spell ang naramdaman ko ang sarili ko na parang hinihigop ng kung ano.

At pagmulat ko.

"Bakit ang tagal mo." salubong sakin ni Stacey.

Paniguradong bubungangaan na naman ako nito.

Bigla akong napaisip di lang pala ako ang nakakadanas ng magulong buhay pati pala ang kambal tsk.

Kawawang Isay.

I feel pity for her.

The Cold Princess of Ainabridge AcademyWhere stories live. Discover now