CHAPTER 3

14.6K 295 2
                                    

Siya kaya ang first kiss ko! May mga naging boyfriend ako pero hindi ako nagpapahalik kaya ayun nakikipag-break sila sakin dahil boring daw ako. Edi napatunayan ko din na katawan lang habol nila sakin, sapakin ko kaya sila!

"Habang tulog ka kanina nagpa-tawag ng Doktor si Sir Zander para ipa-check ka. So ayun nga, buntis ka nga. Tapos naiwan mo itong ID mo nung umalis ka sa condo niya. Nahulog sa wallet mo dahil nagmamadali ka," Inabot niya sakin ang ID ko. Kinuha ko naman iyon at tinitigan,"Pina-back ground check ka ni Sir Zander at nalaman niya nga na bestfriend mo ko. Nagtanong siya sakin kung may napapansin ba akong kakaiba sayo, sabi ko oo. Kasi naman, lagi kang kumakain ng mangga, marsh mallow at kung ano-ano pa. That's explain why you're here," Mahabang paliwanag niya.

Tumango-tango ako at hinawakan ang tummy ko. Kakaibang saya ang naramdaman ko ng malaman kong buntis ako. Stay right there my little fella.

"Tara na Bruha! Huwag ka na mag-day dream diyan. Naghihintay na sa atin ang Pamilyang Zanth," sabi niya sakin.

Agad na rumagasa ang kaba sa aking dibdib. Naghihintay ang Pamilyang Zanth sa'min? Puro negative thoughts ang naiisip ko. Tulad nang, tanggap kaya nila ako? Kahit wag na ako, yung baby ko na lang. Masungit ba sila? Papahirapan ba nila ako katulad ng nababasa ko sa wattpad?

Pero agad nag-laho ang kaba ko dahil sinserong ngiti ang ni-welcome nila sa akin. May kung anong humaplos sa puso ko at agad na namuo ang luha sa aking mata.

I didn't expect this, i thought masungit sila.

May lumapit sa aking babae na sa tingin ko ay nasa edad na 15 pa lamang, napaka-ganda niya.

"Hi! I'm Suzy. Younger sister of Zander. It's nice to meet you, you're so beautiful," sinserong sabi nito at ngumiti ng pagkatamis-tamis.

Ginantihan ko ang ngiti niya, "I'm Sunny. It's nice to meet you too," naka-ngiting pahayag ko.

Pumalakpak naman ito at agad akong niyakap saka ako inalalayan paupo sa upuan at masayang tumabi sa kaliwa ko. Ang nasa kanan ko ay si Zander na tahimik.

"So Hija, how are you?" naka-ngiting tanong saakin ng isang hindi katandaan na babae.

"I'm okay po," ani ko at ngumiti.

"You can call me Tita Francine. I'm the mother of Zander and Suzy. Welcome to the family, Hija," sabi nito.

Ngumiti ako at nagpa-salamat, "Salamat po," sabi ko habang naka-ngiti.

"This is Alex, my husband. You can call him Tito Alex," sabi nito at tinuro ang katabi niya.

"Welcome to the family Hija," sabi nito sa seryosong tono bagaman ay naka-ngiti.

"I'm Elena, i am the mother of your Tito Alex," naka-ngiting pahayag ng isang babae. I think nasa 70 na siya.

"I'm Roger, husband of your Lola Elena," Sabi ng lalaking katabi ni Lola Elena.

Sunod-sunod na silang nagpa-kilala at nasundan ko naman iyon. Nakakataba ng puso dahil napaka-init ng pag-tanggap nila sa akin, ansaya!

Sinenyasan ni Zander ang mga maids kaya dali-dali itong nagsi-kilos at hinanda ang pagkain sa lamesa. Nilagyan nila ng tubig ang mga baso namin, nilagyan din nila ng kanin ang mga plato namin.

Kinuha ko ang mangkok na nasa harap ko, chicken curry iyon, my favorite!

Binuhos ko ang sabaw nun sa aking kanin, agad na umalingasaw ang mabangong aroma ng chicken curry.
Ngunit agad kong napatutop sa aking ilong dahil mabaho ito sa pang-amoy ko.

Inalis ko ang nakatutop kong kamay sa aking ilong at kinuha ang kutsara at isusubo ko sana iyon ng manuot na naman ang amoy ng chicken curry sa aking ilong kaya naman agad kong nabitawan ang kutsara at tinutop ang aking bibig.

Agad akong tumayo at tumakbo papuntang sink at duon dumuwal. Naramdaman kong may humahagod sa aking likod at inaalis ang buhok na naka-tabing sa aking mukha. Halos lahat ng kinain ko ay naduwal ko na hanggang sa laway na lamang ang aking sinusuka. Hindi parin ako tumigil sa pagsusuka. Tears fall from my eyes and my stomach is hurt.

Nang matapos ay agad akong nag-mumog at humarap sa dining table, lahat sila ay nakatingin saakin kaya agad akong pinamulahan ng pisngi.

"Are you okay?" malamig pero naga-alalang tanong saakin ni Zander.

I nodded and smile shyly.

Tumalikod na ito sa akin at naunang mag-lakad sa dining table kaya naman sumunod na ako at naupo sa inupuan ko kanina. Wala na duon ang chicken curry.

"Tinanggal na namin ang chicken curry Hija. Ayaw ata ng Baby nu'n," naka-ngiting pahayag ni Tita Francine.

Tumango lang ako at ngumiti.

Natapos ang dinner ng nagku-kuwentuhan at nagtatawanan dahil sa bruha kong kaibigan.

"You'll sleep in my room," ani Zander na ikana-gulat ko.

"B-bakit? Wala ba kayong guest room?" nauutal na tanong ko.

"You'll sleep in my room because you're pregnant. It's for your safety and don't hesitate to wake me up for your cravings," yon lang at umakyat na siya.

Naka-nguso naman akong sumunod sa kaniya. Inambaan ko  pa siya ng suntok, hindi naman niya ako nakikita eh.

Pagdating namin sa kuwarto niya ay nanuot sa ilong ko ang amoy ng pabango niya. It's smell so manly. Dali-dali akong humiga sa kama niya at natulog. Pakapalan na lang ng mukha.

Billionaire's Twins (Preview Only)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon