Problema Mo?

162 3 0
                                    

Problema Mo? X: T.E.E

"Erin!"

"Ano?" tanong ko.

"Tulala ka na naman. Sa palagay mo ba makakapunta tayo sa pupuntahan natin kung tutunganga ka lang dyan?"

"Ayan na nga oh. Binibilisan ko na nga diba?" sabi ko at binilisan ang lakad ko.

"Hintay, ano ba!" Psh. Kanina pinagmamadali ako ngayon binibilisan ko, pinapabagalan ako.

"Erin wait lang." binilisan ko pa yung lakad ko para mainis itong kasamahan ko.

Tapos biglang umulan. Dahil wala akong dalang payong at ambon lang naman hindi ako nag-alala.

"Hoy! Porket mahaba ang legs mo! May sasabihin ako sa iyo, hintay!" hindi ko pa din sya hinintay. Nilingon ko sya para makita kong patakbo-lakad ang ginagawa nya mahabol lang ako.

Pero wrong move ata ang nagawa ko dahil bigla akong nadulas sa isang putik gawa ng ulan.

Ayos na sana yun e. Kaso may isang lalaking hindi ko gugustuhin makita ngayong oras.

Si Harold... nakatingin sa akin. Sa posisyong kong nakakahiya. Nakadapa ako sa tapat nya.

"Pffft... HAHAHAHAHAHA!" Lalo akong namula nang marinig ko ang pagtawa niya kasabay ng taong kasabay ko---si Wams.

"S-sabi ko kasi sa iyo, Erin eh. Pffft. Sumabay ka sana sa akin para walang nangyaring ganyan." sabi nya. Tinulungan ako ni Wams na makatayo. Nakakahiya. Dapat nilamon na ako ng putek na pinagsubsuban ko.

Nakarating kami sa terminal na nagpipigil ng tawa si Wams at ako, hinihiling ko na lamunin na ng lupa.

"Ingat Eri~." sabi ni Wams at kinindatan ako. Pumanik na siya sa overpass.

Wait, Eri? San ko narinig ang pangalan na iyon?

Eri. Eri. Eri.

Shet! Sa Daydream ko!

*phone beeps*

Napatingin ako sa cellphone ko at binuksan ito.

From: Wams

Goodluck!

??????

"Ate, excuse." napaurong ako dahil may mga dumaan. Pero pag-urong ko, nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam...

Tiningnan ko ang sapatos ko pero sana mali ang inaakala ko. Pero may galit sa akin ang kapalaran ngayon dahil may blessing nga sa paa ko. Oh please.

Nagtago ako sa ilalim ng hagdan ng overpass para linisin ang blessing ng kambing sa sapatos ko.

"Napirmahan bola ko e. Dun nga tayo pare. Ambaho dito. Amoy tae." nanlaki ang mata ko. Hinarap ko ang lalaking may kausap at nakita ko ang likod ni Harold na papaalis sa kinalalagyan ko.

What the eff is happening?!

Sinundan ko sila at huminto kami sa may terminal. Nagpaalam sya sa kaibigan niya. At gaya sa daydream ko, sumilong ako sa puno.

Pumikit ako at nag-isip. Anong mangyayari sa susunod? Magkakasabay kami sa jeep? Dadating si Zoe at mapagkakamalan kong si Zoe Dianne si Zoe na classmate ko? Ano?

"Ate." napadilat ang mata ko at nakita ang muka ni Harold na bumungad sa akin.

"B-bakit?" mahinang tanong ko.

200 beats per minute na ata ang ginagawa ng puso ko.

"May palaka sa paa mo."

Napatingin ako sa baba at nakita ang palaka na nakatitig sa akin.

Oh. My. Gee.

Kill me now.

*The Epic Ending*

*Curtain Closes*

The End...

-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-

Problema mo? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon