Problema Mo?

130 5 0
                                    

Problema Mo? VII : Pahiya 1/4 .2

Wams' POV

So naawa naman daw ako kay Harold. Eh kasi naman nalaglag sya sa pinto dahil sa akin. Kaya bilang peace offering, ipapaliwanag ko kay Eri~ ang buong pangyayari.

"Diba sabi ko sa'yo lumayo ka sa damo?" tanong ko sa kanya.

"Eh late ka ng broadcast e. Nakatapak na ako ng tae bago mo masabi, pano pa ako makakaiwas?" tanong nya. Hay, di nya na-gets. Pero ano daw? Nakatapak sya ng tae? HAHAHA.

"HAHAHAHAHA. Swerte mo, bru. HAHAHA. Nakatapak ng pupukels! HAHAHA." putek. Di ko talaga mapigilan tawa ko e. Sagad hanggang appendix ko.

"Anong nakakatawa? Diba yun naman yung sinasabi mong brown na kulubot?" tanong nya.

"Pffft. Futek Eri~ palaka yung tinutukoy ko." nasapo ko na lang noo ko. Dapat pala di na ako nag-b-blind item.

"Ano nga palang sabi ng doktor?" tanong ko kay Eri~.

"Sa akin mo pa tinanong samantalang kayo dyang nasa labas." mabilis na sabi nya. Sa akin sinabi ng doktor pero di ko naman pinakinggan. Kala ko nag-mo-monologue lang sya e.

"Yey! Galing mo, doc. Kabisado mo na sasabihin mo. Good luck, bhe." yan pa nga yung sabi ko sa doktor e.

"Wag mo na intindihin yun. Buhay ka naman e." sabi ko sa kanya.

"Pag-usapan natin si Zoe." pag-iba ko ng topic.

"Pati ba naman ikaw si Zoe din ang bukambibig? Tss." sungit po.

"May lilinawin ako sa iyo, namimisinterpret mo lang lahat."

"Pano naman naging?"

"Una, si Zoe as in yung kaklase natin at si Zoe na kausap ni Harold ay mag-kaiba."

"Tss. Wag ka na mag-simungaling para lang mapagaan yung sitwasyon." pairap-irap pa sya.

"Patapusin mo muna ako, pwede? Si Zoe kaklase natin yun. Yung isa Zoe naman, ex ni Harold." sabi ko. Kumuha ulit ako ng grapes sa fruit basket at kinain ito.

"Ex?!" sigaw nya. Napa-ubo pa nya sya dahil nasakal sya nung nakakabit sa ilong nya. Napulupot kasi iyon sa leeg nya.

Erin's POV

"Ex-crush. Pangalawa sa lahat, ikaw na ang labidabs ni Harold. Yiii. Kilig fifi~!" parang baliw na sabi nya. Ako, crush ni Harold? Tss. Imposible. Hindi ko alam kung maniniwala ako na ibang tao si Zoe at Zoe Dianne.

Pero buti na lang ex-crush lang.

"Oh." napatingin ako kay Wams na hawak ang cellphone nya, "Alam ko na ayaw mong maniwala sa pagkatao ni Zoe at yung isa pa. Eto, picture ni Zoe Dianne. Sa FB ko yan nakuha. @prettydianne sa instagram, follow mo para malaman mong tunay na tao yan at hindi poser." sabi nya. Pinakita nya sa akin si Zoe Dianne. Maganda. Matangkad. Straight hair. Edi sya na. Leshe.

"Oo na. Oo na. Pero ano ba yung sinasabi mo na... gusto nya ko?" takte. Kinakabahan talaga ako. Ayokong mag-assume kasi baka mamaya trip trip lang to ni Wams.

"Pakinggan mo." sabi nya at tinapat sa muka ko yung cellphone nya.

"Takte, hindi yan yung tenga ko." sabi ko. Bwiset.

"Sarreh. Oh, eto na. Mahal ko din naman si Erin a......... Doc! Doc! May nagnakaw ng panty ng ate ko! Uy, doktora!" Psh. Pati na naman yun kelangan pa kasama sa record?

"Mahal ko rin naman si Erin a."

"Mahal ko rin naman si Erin a."

"Mahal ko rin naman si Erin a."

"Oo na. Narinig ko na." inuulit-ulit pa kasi nya e kabisa ko na nga. Takte, mahihimatay ata ako sa kakiligan e.

"Dahil alam mo na ang katotohanan. Wag na kayo mag-PBB TEENS STAGE a. Pag nanligaw sya, sagutin mo agad kinabukasan."

"I-sorry mo nga pala ako kay Zoe."

"Wala na. Nasa Iraq na sya, nag-volunteer sa gyera."

"Problema mo?" walang ganang tanong ko sa kanya.

"Joke lang. Nasa Canada sya e. Nagbakasyon. Baliw na yun, sumama pa e may pasok. Di man lang nag-aya."

"Totoo na yan?"

"Oo. Kung ano-ano pa kasing kadramahan pinagsasasabi mo e."

"Eh ka--" magsasalita sana ako kaso pinutol nya.

"Ano ha? Pahiya ka ngayon, ano?"

=_____= Peace please.

To be continued...

-----

Updated: 11/28/14

:)):

Problema mo? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon