Problema Mo?

446 6 0
                                    

Problema Mo? I: HBD Eri~

Erin's POV

Kasalukuyan kaming nag-lalakad ng psychic na kaibigan ko. Psychic sya kasi 60% ng sinasabi nya nagkakatotoo. Parang Madam Auring version 2.0.

"Eri~! Mangyayari na... malapit na." sabi nya na parang manghuhula.

"Ano ka ba naman, Jh--" aasarin ko sana sya sa pangalan nya kaya lang pinutol nya ang sasabihin ko.

"Subukan mong ituloy yan, ilalaglag kita sa imburnal." hindi na lang ako nag-salita. Nakakakaba din yung sinabi nya na mangyayari na.

Nang nakarating na kami sa kanto, nag-bye lang kami sa isa't-isa. Papanik kasi sya sa overpass.

"Bye Eri~! Bye Ace~! Bye Rin~! Bye Grain~!" sabi nya habang nag-tatalon. Muka  syang baliw.

"Ba't ka naman nag-tatatalon ng ganyan?" tanong ko. Para syang may invisible trampoline pero hindi naman ganun kataas yung talon nya.

"Pampatangkad to, ano ka ba. Anyway highway, mag-ingat ka mamaya ah. Feeling ko kasi mag-kikita na kayo." ayan na naman. Kinabahan na naman ako.

"P-pano mo naman nalaman?" tanong ko para ready na ako mamaya.

"Uy, nag-stutter. Kleg kleg." sabi nya at sinundot tagiliran ko. Eh wala naman akong kiliti.

"Psh. Pano mo naman nasabi yun? Eh mamaya pa uwian nun." Diba? Certified stalker ako e.

"Pano mo nalaman? Hindi ka naman taga school nila ah." -__-

"Basta. Sabihin mo na kasi, please. Please."

"Okay, ehem, ehem."

"B-"

Magsasalita na sana sya kaya lang, "Ate padaan." sabi nung babae. Nakaharang pa kami sa may dadanan nito. Pumunta kami sa ilalim ng hagdan ng overpass para mag-usap.

"I-GM ko nalang kaya sa iyo?" tanong nya. I mouthed 'tang'na'  dahil kaina pa ako nag-tatanong hindi naman nya sinasagot.

"Juk lang. Ikaw naman, di ka ma-joke. Base kasi sa panahon ngayon, weather forecaster daw ako kunyari, eh uulan."

"So?"

"So... maghihintay si Harold dito at walang masasakyan. Sino-so-so mo ako, itali kita sa kable ng Meralco e."

"Kung abot mo."

"Waah! Asar ka talaga Eri~! Bye na nga!"

Nag-hiwalay na kami at tuluyan na syang tumawid papuntang kabila habang binibigyan ako ng makahulugang ngiti. Hindi naman yun mangyayari e. Pero nang tumingin ako sa langit...

Shit, uulan nga ata.

To be continued...

-----

Dear Erin, Eri, Rin, Ace, Grain,

Hello. Nahiya naman yung pangalan ko sa dami ng iyo. XD. Una sa lahat, paano i-compute yung direct variation? De joke lang. Una sa lahat, Happy Birthday! May pinadala akong wheelchair dyan, natanggap mo ba? XD. 51 years old ka ba, ingat sa buto mo ah. Lam mo naman, labs kita. Yii, kleg kleg.

Dahil birthday mo, eto na yung sinasabi ko sa iyo na surprise ko. Uhmm. Hindi pa sya kumpleto pero aaraw-arawin ko yung update hanggang 8/28/14 kung saan sasapit ang aking pagiging 41.

Mag-iingat ka lagi, lalo na sa mga bato ah. XDD. Lagot talaga sa akin yang batong yan, ayaw umalis pag dadaan ka. XD.

Hanggang dito na lang ang sulat ko, Ate Charo este Eri~...

Sumusulat,

V, Wheat,P.S

Wala lang.

Problema mo? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon