"Nagbibiro lang naman e..Ano ba kasi yun?" Tanong nito habang kinakamot parin ang ulo dahil sa sakit.
"Ibibigay ko kay Maxine yung award na yun." Mahina at malungkot na sambit ko. Nanlaki ang mata niya at napatigil sa pagkamot ng ulo.
"Ha? Seryoso ka ba dyan Alleah?"
"Oo, may kasunduan kasi kami."
"P-pero bakit?"
"Ikakalat niya yung video ko daw, pero sigurado akong hindi ako yun." Paliwanag ko na mas lalong dumagdag ng kunot sa noo niya.
"Video? Anong klaseng video?"
Lumapit ako sa tenga nito at ibinulong ang sagot sa tanong niya.
"Shit." Mura nito.
"Pero let me clear, hindi talaga ako yun." Paglilinaw ko.
"Bakit hindi mo nalang siya ireport sa office para malaman nila na binablockmail ka nung Maxine na yun?"
"Kung hindi ko gagawin yun ikakalat parin niya yun hanggang sa masira ako, kahit na hindi talaga ako yun"
Napayuko ako dahil sa sobrang disappoint sa sarili.
"Alleah, alam kong hindi mo kayang gawin yun... Pero sana gumawa ka ng paraan bago ka sumang-ayon" Payo pa nito
"I did everything to stop her... Pero kilala ko siya, hindi siya titigil hanggang hindi niya nakukuha ang gusto niya." Sagot ko naman ng nakasalubong ang kilay
"Baka may maitulong ako, sabihin mo lang kung ano" May pag-aalalang tono sa boses nito.
"Ok I will just tell you kung anong pwede mong itulong sakin" Bahagyang ngumiti ito.
"Nagugutom na ko" Sambit ko.
"Ah sige wait" Agad na tumayo ito at may kinawayan sa bandang may nagtitinda pero hindi ko na tinanaw kung sino man yun.
Nagsalumbaba ako at saka huminga ng malalim at binuga iyon sa hangin.
"Nakakastress." Bulong ko sa sarili.
"Ito na po yung pagkain niyo" Sulpot ng isang lalaki na may dalang mga pagkain at inilapag niya iyon sa lamesa namin.
"Thank you!" Masayang sambit ni Royce sa lalaki.
Napaawang ang labi ko sa dami ng pagkain.
"P-paanong ambilis ng order?" Nalilitong tanong ko dito.
"Kanina ko pa yan inorder. Special kumbaga" Sagot nito kaya napangiti naman ako, magaling tong lalaking to ah..
"Madiskarte ka talaga nuh?" Kinuha ko ang plato na may kanin at chicken at ang mango juice.
Tinapik nito ang kamay ko kaya napatingin ako sakanya.
"Oh?"
"Mag-pray muna!" Suhesyon nito kaya napakagat ako sa ibabang labi sa naramdamang unting hiya. Bakit ko ba kasi nakalimutan yun?
"Im s-sorry"
"Ako na magli-lead" Sambit pa niya kaya tumango nalang ako at pinaglapat ang dalawang kamay at yumuko.
"Panginoon, maraming salamat po sa pagkaing nasa harapan namin naway mabusog po kami at madaming blessings pa ang dumating sa buhay namin" Panimula niya.
Tumingin ako sa mukha nito na nakapikit ang mata habang taimtim na nagdadasal.
"Sana po ay masulusyonan ni Alleah ang problema niya sa pamamagitan ng tulong niyo at ng iba pang tao.. Pero kung ano po ang kaloob niyong mangyari ay amin pong tatanggapin. Ang lahat po ng hiling na ito at pasasalamat ay pinapadaan po namin sa inyong anak at aming hari na si Hesukristo."
"Amen" Sambit naming dalawa.
Medyo gumaan ang pakiramdam ko sa pagdasal namin. Kahit na medyo pasaway ang lalaking nasa harap ko ngayon ay hindi siya nakakalimot sa panginoon. Ang bait niya.
"Kumain na tayo" Aya nito habang inilalagay ang pagkain sa harap ko.
"Thank you"
"Wala yun."
Masaya kaming kumain sa treat niya at bumalik na sa pagpapapractice hanggang sa mag-uwian.
ESTÁS LEYENDO
Wrong To Right Path
Novela JuvenilWe don't meet people by accident but there's a reason, happiness, success, pain, lessons, and blessings after all. Once destiny guides us, we're the one who will decide if we should hold on or just accept the matter that its really our fate to be wi...
WTRP 3: Blockmail
Comenzar desde el principio
