WTRP 3: Blockmail

Start from the beginning
                                        

"Mark my words Maxine.. If you can blockmail me, I can do the same to you."

"Fine!" Agad nitong kinuha ang phone niya sa akin.

"Think of the rules that you should break para maalis ang award sayo. You have 2 days left." Sambit pa niya at saka ako iniwan sa C.R.

I'm sorry Mom and Dad... Masyado akong naging kampante, bakit ba kasi sumama pa ako sa night swimming na yun! Kung hindi ako sumama edi sana maayos pa ang lahat. Napasabunot ako sa sarili ko dahil sa inis. Sinayang ko lang lahat!

Pumunta ako sa lababo at naghilamos para hindi mahalatang umiiyak ako. Tumigin ako sa salamin at tinignan ang sarili ko.

"I made problems, and I should make solutions for it."

-

"Alleah Marie S. Mercado may mataas na karangalan at ang nakakuha ng Most Outstanding Student of the Year!" Tawag sa akin ng M.C. kaya't umakyat na ako sa stage ng seryoso ang mukha. Kinuha ko ang papel na kunwaring diploma sa teacher namin na nakangiti sa akin.

"Congrats."

"Thank you po Maam"

Tumingin muna ako sa mga estudyanteng nagpapalakpakan kaya gumaan ang pakiramdam ko, ngunit ng mahagip ng mata ko si Maxine ay bumaba ulit ang lebel ng kaligayahan ko.. Kahit papaano ay mararanasan kong matawag sa stage ng may napakagandang karangalan kahit practice lang.

Nag-bow ako sa gitna at pilit na ngumiti. Saka bumaba ng intablado. Pinasadahan ko muna ng tingin ang stage bago umupo sa upuan ko.

'Masayang pangyayari sana ito ng buhay ko kaso mukhang nasayang ko lang ang karangalang iyon.' isip isip ko at saka bumalik na sa upuan.

-

"Leah, ang galing mo talaga!" Nabalik ako sa katotohanan ng sumulpot si Royce, umupo ito sa tapat ko. Madaming tao dito sa canteen kaya di muna ako bumili ng pagkain ang haba pa ng pila.

"Bakit naman?" Tanong ko dito.

"Syempre ang ganda kaya ng award mo nuh! Siguro proud na proud yung parents mo" Sambit pa niya. Kaya naman mapait na napangiti ako.

"Sana nga—sana proud padin sila." Mahina kong sambit.

"Huh? Anong ibig mong sabihin?" Ang talas naman ng pandinig nitong lalaking toh.

"W-wala.." Palusot ko naman.

"Royce?" Tawag ko dito.

"Hmm?"

"Sayo ko lang sasabihin toh. Pero sana wag mong ipagkalat please? Tsaka wag ka ding mabibigla" Pakiusap ko sakanya. Tumingin muna ito sa paligid niya at saka muling ibinaling ang tingin sakin.

"O sige, alam ko namang matagal mo ng gustong sabihin na may gusto ka sakin kaya okay lang yun" Mahinang sagot nito habang nakangiti at kumindat.

"Gago kaba?" Tanong ko at saka kinutungan siya sa ulo.

Napahinaing ito sa sakit, actually malakas yun Heheh.

Wrong To Right PathWhere stories live. Discover now