"Ahhh—ehhhh—bakit daw?"
"I don't know." Binalik niya ang tuon niya sa cellphone niya kaya di na ako muling nagtanong.
Naisipan kong ichat siya para malaman kung nasaan siya. Gusto ko siyang makausap baka naman kung anong kalokohan nanaman ang binabalak niya sa akin.
---------------------------------------------------------
Mon 6:30
Where are you Maxine?
Gusto kitang kausapin.
Seen.
Here in the C.R. waiting.
------------------———————————
Bakit sa C.R. pa? Sabagay mukha naman siyang inidoro.
7:30 pa naman ang start ng practice kaya pwede pa akong makipag-usap sakanya. May koneksyon kaya ang video na yun sa nangyari sakin pagkatapos ng night party? Whatever. I shouldn't do wild guess about it.
"Buti naman at nandito kana." Bungad nito sa akin habang naglalagay ng lipbalm sa labi niya na nakaharap sa salamin.
Walang ibang tao dito kundi kami lang dalawa.
"Are you pranking me?" Bungad na tanong ko sakanya. Tumigil ito sa paglalagay ng lipbalm at saka nilagay iyon sa loob ng shoulder bag niya. Habang nagsasalita.
"I know its April but im not going to give you April Fool things." Humarap ito sa akin habang nakasandal sa lababo.
"Kaya pala namamaga ang mata mo after night swimming dahil narealize mo, na may nagawa kang mali" Panimula pa niya.
"Im telling you Maxine... Hindi ako ang nasa video na—"
"Pshhhhhhhh! Let me finish my words." Putol nito sa sasabihin ko.
"Don't worry ako lang naman ang nakakaalam nitong scandal mo... Someone just send it to me—and so—I just send it to the owner.. Which is YOU!" Nakangiti pa nitong banggit.
"Hindi ako ang nasa video na yun! Hindi ko kayang gawin ang ganung klaseng bagay" Nagtatangis na bagang na sambit ko.
"Oww!... Everyone's doing mistake naman, I understand you girl tayo pa lang naman ang nakakaalam eh" Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya
"What do you mean?"
"Sinong nagsend niyan sayo?" Dagdag na tanong ko habang nakakuyom na ang kamao dahil sa pagpipigil.
"Unknown person..."
"Anong plano mo? Isesend mo sa lahat para masira ako?"
"Calm down girl... I won't do that...Except—" Naglakad ito paikot sa akin saka hinahaplos ang buhok ko.
"Except what?!"
"Except you give me your position"
"Position?"
"Position as Most Outstanding Student of the Year." Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya at bumigat ang pakiramdam. Hindi pwede. Masisira lahat ng pinaghirapan ko. Masasayang.
"I can't do that"
"Fine! Ang usapan ay usapan!" Malawak na ngumiti ito at saka kinuha ang phone niya.
"Anong gagawin mo?"
"I will send it to everyone!" Mayabang ngumiti ito kaya nanlaki ang mata ko sa ginawa niya.
YOU ARE READING
Wrong To Right Path
Teen FictionWe don't meet people by accident but there's a reason, happiness, success, pain, lessons, and blessings after all. Once destiny guides us, we're the one who will decide if we should hold on or just accept the matter that its really our fate to be wi...
WTRP 3: Blockmail
Start from the beginning
