'Maxine sent a video.'
Napakunot ang noo ko, hindi naman nagchachat sa akin itong si Maxine. Himala ba?
Inopen ko ang video na sinend niya.
Mabilis na hininaan ko ang volume nito ng umungol ang nasa video. Napatingin sa akin ang driver pero di ko nalang siya pinansin.
"Ugh! Lintik na Maxine to." Mahinang sambit ko sa sarili.
Nag send man lang ng scandal, ano bang kagaguhan ang ginagawa niya?
Nakita ko ang typing sign sa messenger kaya inantay ko yun.
*Messenger sound *
'Maxine: I just want to share your video enjoy watching.'
Basa ko sa message nito. Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi nito..
Huh? My video? Ako ba itong nasa video? No way!!!!!! I-c-cant do that grossy thing.
"Ahmm. Miss nandito na po tayo" Sambit ng driver kaya naman inabot ko dito ang bayad at saka nagmadaling bumaba.
I need to talk to Maxine about what she sent to me. Ugh! she's irritating me! Lintik!
"Uy Par! Kamusta?" Sulpot ng isang estudyante sa harap ko.
"Bad morning... Excuse me Royce" Tuloy tuloy lang ang paglalakad ko at nilagpasan siya.
Pero patuloy parin ang pagsunod nito sakin.
"Hey! Kinakausap pa kita eh!"
Umirap nalang ako sa hangin at saka hinarap siya.
"I don't wanna talk to anyone right now.. So pleeeeeeeeease—stay away from me." Ngumiti pa ako dito para di naman siya masyadong maoffend.
"Wow naman... Gumaganyan kana porke valedictorian ka ha.. Pinagmamalaki pa naman kita sa mga kaklase ko" Nakangusong niyang sambit kaya mahinang natawa ako. Minsan nakakabwisit tong lalaking to, yung galit na ako pero nakuha pa kong pangitiin. Nyeta.
"Magpapasalamat na ba ako?"
"Ofcourse!"
"Salamaaaaaaaat!" Nakangiting sambit ko at saka na siya iniwan pero humabol ulit ito kaya napahinto ako.
"Lunch tayo mamaya.. Pwede ba?" Tanong pa nito.
"Nagla-lunch naman talaga tayong lahat ah." Pilosopo ko pang sagot.
Mahina nitong kinutusan ang ulo ko.
"Awww?"
"Ibig ko sabihin.. Tayong dalawa lang" Paglilinaw pa niya kaya napaawang ang labi ko.
"W-what?"
"Its not a date okay? Lunch lang kasama ikaw. Pumayag kana!" Pagpipilit pa nito.
"Ok fine. Pumasok ka na sa klase mo" Iritableng utos ko sakanya.
"Ikaw din!" Tinapik nito ang ulo ko at saka tumakbo papuntang building kung saan siya nagroroom. May saltik ba siya?
Nang makarating na ako sa room ko ay agad kong nilibot ang mata ko para mahanap si Maxine pero bigo akong makita siya. Dapat andito na yung babaeng yun, hindi naman siya nalilate especially practice ng moving up namin. We should be here on time because our section is the first section to assist on chairs.
"Danica, nandito na ba si Maxine?" Tanong ko sa seat mate ko.
"Uhmm.. Oo alam ko kanina pa siya nandito, hinahanap ka nga rin nun eh"
YOU ARE READING
Wrong To Right Path
Teen FictionWe don't meet people by accident but there's a reason, happiness, success, pain, lessons, and blessings after all. Once destiny guides us, we're the one who will decide if we should hold on or just accept the matter that its really our fate to be wi...
WTRP 3: Blockmail
Start from the beginning
