JAF 3

95 4 0
  • Dedicated kay Zayde Cabahug Cuerbo
                                    

Just a Fangirl : three

 "Hello Zarina!", bati sa akin ng closest friend ko. It's been a week narin kasi mula ng magsimula ang klase so hindi naman siguro imposible na magkaroon ako ng friends.

 "Hi Silvermist", hehe now gets niyo na kung bakit friendship kami. Umupo na siya sa tabi ko. Wala kaming klase ngayon. Club day daw. Ngayon namin kailangan mamili ng club na sasalihan. Compulsory iyon lalong lalo na sa katulad kong scholar.

 "So so so, ano na? May club ka ng napili"

 Atat naman tung si Silver oh! "Yup yup yup! Actually nakapagsubmit na ako ng registration form. Confirmation na lang ang hinihintay ko", yeeehhh excited na akong sumali sa club na iyon. Nanlaki ang mata niya. Oh? Anong nakakagulat doon? Impit siyang tumili! Hala! Anong nangyayari sa kanya. May tinuturo pa talaga siya sa likod.

 "Hoi,---"

 "Si B-bryle", tapos nakaturo parin siya sa likod ko. Nanigas ako sa kinauupuan at dahangdahang lumingon. At ang bumungad sa akin ay ang nakangiti niyang mukha. Sheyt men!

 "Hi!, Zarina right?"

 "Yes…", God sana lang hindi ako nagmumukhang tanga ngayon. At bigla akong bumalik sa tunay na mundo ng kinurot ako ng supportive friend ko. "Ahm, bakit po?"

 "Here's your confirmation slip. Congratulations, you're now part of the literary club", and again he smiled. Huhu bakit panay ang smile niya? Magkakasala ko nito eh.

 "Hehe thank you po"

 "You're always welcome. By the way pwede ko bang kunin ang celphone number mo?", totoo ba ito? Bryle Ashton is asking for my number. Tumango na lang ako at binigay sa kanya ang number ko. "Thanks", at umalis na siya. Nakita ko naman ang kambal sa di kalayuan, ngumiti siya sa akin at nagthumbs up. Wahhh Lord! Thank you sa blessings!

 "Waaahhhh Rin! Kinikilig ako!", ngumiti na lang ako. Alam kong mahirap magpigil ng kilig pero kinakaya ko po kahit feeling ko any minute from now ay sasabog na ako. Kinagat ko na lang ang labi ko para hindi mapatili.

--------------------

 "Kumusta ka na hija?", nandito ako ngayon administration office kausap ang Mr. President.

 "Okay na okay po"

 "Mabuti naman hija… gusto kitang maging parte ng Student council as Scholars representative, okay lang ba sa'yo iyon?"

 "Sure po"

 "Good"

 Pagkatapos naming mag-usap ay pinapunta niya ako sa Students council. Sana naman mababait sila. Cross fingers. Katok katok katok. At sa lahat ba namn ng pwedeng magbukas ng pinto ay si Blanch talaga.

 "Yes?", ang taray talaga.

 "Ahm pinapunta ako dito ni -"

 "Zarina!!!!!", ahm guess who ang biglang yumakap sa akin at itinulak si Blanch. Eh di si Mitch! "Hi! Buti naman dumating ka na, kanina pa kita hinihintay alam mo ba iyon"

Hehe. Ano bang dapat kong isagot bakit parang ang warm naman yata ng pagwelcome niya sa akin. "Hello po sa inyo"

 "Huwag mo akong i-po.... just call me ate and you know what I like you… ", then mas lumapit pa siya sa akin. Tapos may ibinulong "…for my brother". She tapped my shoulder. "Halika na! Ipapakilala kita sa kanila", hinahawakan niya ang kamay ko.

 "Guys! Nandito na siya!"

 "Hello Zarina!", they said in chorus. Hehe uso rin pala sa kanila ang sabayang pagbigkas. Isa isa ng pinakilala sa akin ni Mitch ang mga kasama niya. Lahat pala sila nung sa Orientation ay myembro ng SC at syempre kabilang dun si Bryle.

 "Oh di ba tama ako sa vi-"

 "Shut up with your visions Mitch!", pagkatapos isigaw ni Blanch iyon ay natahimik ang lahat. I thought perfect ang friendship nila, hindi rin pala. "They are all just assumptions", akala ko magagalit si Mitch pero tumawa lang siya.

 "Eh di okay. Assumptions it is pero nangyari parin", at ayon sinabi na nila sa akin kung ano ang mga dapat kong gawin as member ng SC. Napatingin ako sa dako ni Bryle… "Nasa kabilang mundo siya ngayon", bulong ni Mitch. Parang totoo nga ang sinasabi ni Mitch, tutok na tutok lang siya sa laptop niya. His another side. :)

"Pwede na ba akong umuwi?"

 "Yeah sure", hinatid na niya ako hanggang sa pinto. "Sige kita nalang tayo every Friday. Text na lang kita in case may mga urgent meeting"

 "Okay"

Tuluyan na akong umuwi. Habang naglalakad ako ay biglang nagbeep ang phone ko. Unknown number.

 'Ingat sa pag-uwi'

Tss si Mitch talaga. Buti naman at may kaibigan na ako. Sinave ko na ang number niya. SC Mitch. Done.

----------------------------

JAF 4, up next....

Just A Fangirl (Complete:)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon