JAF 1

145 3 0
                                    

Just a Fangirl : One

 Tahimik. Masaya. At makulay. Iyan ang buhay na meron ako. May mapagmahal na mama at papa. May makulit na kapatid at supportive na kuya.

 "Anak may surprise kami sa'yo!", nakakatuwa. Halatang halata sa boses ni mama ang excitement. Ano na naman kaya ang pakulo nila. At nakapiring pa talaga ako.

 "Sige na sige na , pwede mo ng tanggalin iyang piring mo sa mata", dagdag naman ni papa. Narinig ko pang tumili si bunso. ^_^ Nakakatuwa naman. At sa wakas natanggal narin.

 "Charan! Happy birthday!", sabay sabay nilang saad at  hawak ni mama ang isang sobre. Napakunot ang noo ko.

 "Ma, para saan po iyan?"

 Sumingit na si papa tapos hinablot ang sobre mula kay mama. Napasimangot tuloy si mama kaya kiniss muna siya ni papa. Nag.ayeeeeehhhh naman si bunso. Haha nagblush si mama, ang cute!

 "Pera ito anak. Birthday gift namin sa'yo!", saad ni papa.

 "Oo ate, tapos makakabili ka na ng book ng favorite author mo. Tapos makakapunta ka pa sa book signing niya bukas!", mas excited pa yata sa akin si Bunso but…

 "Hephephep! Bawal tumanggi! Pinagipunan namin iyan ng mama mo. Kaya kahit wala kang engrandeng debut party ay may maibigay parin kami sa'yo. So ito…", inilagay ni papa sa palad ko ang sobre. "…ang birthday gift namin sa'yo"

 Hindi man kami mayaman sa pera atleast mayaman namin kami sa pagmamahal. Ayan tuloy naiiyak na ako. "Thank you po"

 "Oh bakit ka naman umiiyak. Ang tanda-tanda mo na, iyakin ka pa rin", si mama talaga. Eh sa natouch ako eh.

 "Ehh mama naman eh!"

 "Ma, huwag niyo ng tuksuhin baka mas lalo iyan umiyak", dagdag ni Kuya. Nagpout ako kaya ayun, pinagdiskitahan niya nalang ang buhok. "Happy Birthday Zarina!", bati ni kuya sabay… "Group hug!"

Ang ganda na ng moment kaso…

 "Ate, maligo ka muna kasi…", nagtakip pa siya ng ilong niya. Sinimangutan ko tuloy. Hmp. Kagigising ko lang po kasi. "Joke lang ate! Si papa pala iyong naaamoy ko…", sabay takbo.

 "Ikaw talagang bata ka…", at iyon ang naging simula ng rambulan sa bahay namin. Ang saya ang talaga.

----------------------

 "Oh my God ang gwapo", rinig ko ang bulungan ng mga katulad kong nakahanay sa pila para sa book signing. Hmm tama nga naman sila. Gwapo ng author ng book na binili ko.

 "Gosh Girl, hearthrob iyan sa school", sabi naman nung isa. Nakakatuwa tuloy silang tignan. Halatang kinikilig.

 "I know right girl! So how's my make up?"

 "Perfect!"

Napailing na lang ako at tumingin sa unahan. Hmm sa tingin ko karamihan dito mayayaman. Maswerte sila pero maswerte rin naman ako. So sinong nagsabing Life Is Unfair?

 "Ang gwapo niyo po!", hehe nakakatuwa naman tung si ate ang lakas ng boses. Siya na iyong nagpapabook sign.

 "Thank you po", rinig kong sagot ni author. Naks! Ang humble.

Ilang minuto pa ang lumipas at sa wakas, turn ko na.

 "Hi!", bati niya. Gwapo nga siya. Gusto kong kiligin kaya lang nakakahiya kaya ngumiti na lang ako.

 "Hi rin po."

 "Thank you", pagkatapos niyang e-sign ang book na binili ko. Ngumiti pa siya ulit kaya tumango na lang ako. Pademure ang peg. Yehhh ang lakas ng heartbeat ko.

 Paglabas ko ng bookstore ay agad kong tiningnan ang signature niya. Inhale … Exhale… Smile ng malapad… Sa tingin ko kompleto na ang araw ko.

 Bryle… :)

 --------------------------

Ewan ko lang pero wagas ang ngiti ko habang ginagawa ito.. Hmmm I wonder why? <3Mhell

Just A Fangirl (Complete:)Där berättelser lever. Upptäck nu