Chapter 02

18.8K 593 49
                                    

PABALIK na si Anria sa classroom galing sa Library ng malaglag ang sign pen niya. Abala kasi siya sa binabasang notes habang naglalakad.

Dadamputin sana niya ang sign pen ng may maunang kamay na dumampot doon. Unti-unting umangat ang tingin niya sa taong iyon. Ganoon na lang ang pag-atras niya ng mapag-sino ito. Walang iba kundi si Sanji Marquez.

Tumingin muna si Sanji sa iniumang nitong sign pen bago sa mukha niya. Napatitig tuloy siya sa mata nito na parang mata lang ng mga favorite anime niya.

"Nakakangalay."

Nahablot tuloy niya ang sign pen ng wala sa oras. Without saying 'Thank You' ay nagmamadali niya itong nilampasan. Ni hindi na siya nagpakalingon-lingon pa.
Mariin niyang naipikit ang mga mata ng makaliko sa isang pasilyo. "Argh! Kainis. Bakit siya pa?" inis niyang sabi bago nagmamadaling pumasok sa classroom nila. Hindi niya alam kung saan galing pero ang bilis-bilis ng pintig ng puso niya.
Nilapitan ni Anria si Lai at binigay rito ang sign pen.

"Bakit mo binibigay sa akin ito?" nagtataka pa si Lai ng sulyapan ang sign pen. Alam nitong mamahalin iyon dahil galing iyon sa kanyang ina.

"Sa iyo na lang."

"Bakit?"

"Hinawakan iyan ni Sanji. Nalaglag at sa malas siya pa ang nakadampot. I hope you'll like it. Dahil ako ayaw na ayaw ko na niyan, may iba na kasing humawak."

Tumili ito at hindi pinansin ang mababaw niyang dahilan. "Oh, my G! Really, Anria? Wow. Grabe, I love you na talaga, sis! Thank you!" yumakap pa ito sa kanya bago hinalikan ang sign pen.

Sinasabi na nga ba niya at matutuwa talaga ito.

Uupo na sana siya sa upuan ng magkagulo naman ang mga tao sa paligid, partikular na ang mga babae. Pagtingin niya sa pintuan ay nakita niya roon si Sanji kasama si Andrei.
Kahit na kailan gulo talaga ang hatid nito sa paligid. Halos lahat ng babae niyang kaklase ay nawawalan ng poise dahil dito. Si Lai kulang na lang mahimatay sa tabi niya.
Ano'ng mayroon at naligaw ito sa room nila? Sa isip ay confuse pa rin siya. Hanggang sa maglakad ito at tahakin ang dereksiyon niya. As in sa mismong tapat niya ito huminto.

"Hindi ka ba marunong mag-thank you?"
Naumid ng bongga ang dila niya. Nang dahil lang pala roon kaya nag-abala pa ito na puntahan siya? Utang na loob ba niya iyon at hindi ito makatulog dahil lang hindi siya nag-thank you?

"Bakit? May sinabi ba ako na damputin mo?" huli na para pigilan pa ang sarili na angilan ito.

"Anria," saway sa kanya ni Lai.
Napasinghap ang mga tao sa paligid. Akala siguro ng mga ito ay kikiligin siya at magpapa-charming dahil kaharap niya ngayon si Sanji Marquez. The heck? Hindi niya ma-imagine ang sarili na gagawin ang kabaliwan na iyon. Naiirita pa siyang lalo dahil center of attention sila. Hindi siya sanay sa maraming atensiyon. Hiling lang niya ay umalis na si Sanji.

Hindi nagsalita si Sanji. Nakatingin lang ito sa kanya. Walang emosyon na mababakas sa nakakasilaw nitong kaguwapuhan. Masyadong perfect. Kaunti na lang at matutunaw na siya sa kinatatayuan.
Marahas ang pinakawalan niyang paghinga. Ibinaba na niya ang pride niya para matapos na ang komosyon na iyon at ng matahimik na rin ang kaluluwa nito.

"Thank you," pormal niyang sabi. Bago ito tinalikuran dahil hindi na niya ma-take na may magagandang mata na nakatitig sa kanya. Pakiramdam niya ay nanlalambot ang tuhod niya.

"Hindi ko matatanggap ang paraan mo ng pagsasabi ng 'Thank you'. You owe me one."
Iyon lang at umalis na rin ito sa room nila kasunod si Andrei na nangingiti.
Saka lang siya lumingon ng masigurong wala na sina Sanji. Nakahinga ng maluwag si Anria.

"May utang ka pa raw sa kanya," ani Miyuki na para pa ring nasa cloud nine. Hindi pa rin maka get-over sa katatapos lang na eksena.

Umupo na si Anria sa silya niya. Nagpakawala siya ng isang marahas na paghinga. Kahit siya ay hindi makapaniwala na pag-aaksayahan siya ni Sanji ng precious time nito. Of all people! At isa pa napansin niya na wala itong ibang sinulyapan kundi siya lang. Ganoon ba talaga ito? Kung sino ang subject ay doon lang naka-focus? Believe na talaga siya sa klase ni Sanji. He's really breathing in the Philippines.

A Princess In Disguise (Published Under Lifebooks)Where stories live. Discover now