Muntik Ng Maging Tayo

13 0 0
                                    

Nagsimula sa pasimpleng tingin,
Mga tipid na ngiti mo sa akin
Kakaibang kilos na kapansin-pansin
Na tila kamangha-mangha sa paningin

Lumalalim na pagtitinginan
Ano nga ba ang patutunguhan?
Tama na ba ang panahon
Sa damdaming sayo lang nakatuon

Tila isa kang malakas na alon
Na sa aki'y tumatangay
Patungo sa kawalan
Kung kaya'y wag mo akong bibitawan

Mga lihim ay unti-unting nabatid
Puso'y lubhang nagkalapit
Hindi akalaing magdudulot ng pait
Na mag-iiwan ng sugat at sakit

Muntik ng maging tayo
Ngunit mga pinaramdam mo pala'y di totoo
Dahil mahal mo'y hindi talaga ako
Kundi ang binibini sa nakaraan mo

Pag-ibig na pinagtagpo ng panahon
Ngunit di pinayagan ng pagkakataon
Ang pagmamahal na muntik lang
At di nagkaroon ng katotohanan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LihamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon