Paalam

63 6 2
                                    

Aking Binibini

Kapara ng mga bituin sa kalangitan
Pagsinta ko sa iyo'y walang hangganan
Ikaw na siyang minamahal ko ng higit sa
aking buhay
Alalahanin mong mananatili ka sa aking puso
Hadlangan man ng kapalaran
Tadhana'y babaguhin para sa ating pagmamahalan
Ikaw ang liwanag sa aking buhay
Ang aking tahanan at ang aking bayan
Sa ating pagkakawalay
Ang puso ko'y nasa iyong mga kamay
At sa aking pagbabalik ako'y nananabik
At tila pagkatao ko'y tinapik
Sa mapait na kapalaran
Kakayahin ko mahagkan ka lamang
Hindi ko bibigkasing
"Ibibigay ko ang buwan o susungkitin ang mga bituin"
Ngunit saksi ang mga tala, ulap at buwan
Nang magbago ang ihip ng hangin
Binigyan mo ng sigla ang aking buhay
At winakasan ang lumbay
Sa iyo binibining hinahanap ng aking paningin
Laman ka ng aking mga panalangin
At sa akin ding panaginip ay walang inip
Sinisinta kitang tunay wagas at walang hanggan
At hanggang sa huling hininga mamumutawi sa aking mga labi ang napakaganda mong ngalan
binibini na katipan ng aking buhay
Paalam aking sinta
Ang mga alaala ko sana'y manatili sa iyo.

             --Ginoo

LihamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon