Alaala

40 4 1
                                    

Sa  binibining minsa'y naging akin....

Alaalang mahirap kalimutan
Alam kong ika'y aking nasaktan dahil sa aking kapabayaan at di ko naibigay ang iyong mga kailangan
Yung mga panahong may ikaw at ako na nangangakong magsasama hanggang dulo
Ngunit ang pangako ay napako nung ako ay sumuko
Naaalala mo pa ba
Ung mga panahong ikaw ay akin at ako'y sayo pa at araw-araw sinasabing mahal kita
Mga araw na ikaw ung nagsisikap at ugali ko'y di katanggap-tanggap ngayon ako ay nagsisi sa desisyong iyong pinili
Dapat ibinigay ko sayo ang aking panahon nung ako'y may pagkakataon
Binigyan ka ng bulaklak para ika'y makaramdam ng galak
Ngayon ika'y nakahanap ng lalaking lubos kang tinanggap
Alam kong isa iyon sa iyong mga pangarap
Kaya kahit masakit alam kong ako ang nagbigay sayo nang pait kaya wala ako ng karapatang maghinanakit
Ngunit ang akin lamang hiling
Sana manatili siya sa iyong piling
Pasayahin ka niya araw-araw
Sana kanyang ibigay mga bagay na sa iyo'y hindi ko naibigay.

              --Ginoo

LihamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon