91

1.2K 47 0
                                    


-RICHARD'S POV-

Nagising ako dahil may magulo akong katabi.

Minulat ko ang mata ko at binuksan ang lampshade sa gilid ko.

Alas Dos palang ah.

Napatingin naman ako sa gilid ko at nakita si Maine na di mapakali sa pwesto niya.

Pawis na pawis din siya.

Malakas naman ang Aircon ah.

Nilipat ko ang pwesto ni Sebastian sa kabilang gilid ko baka kasi maipit siya eh.

So dibale parang ako na ang nasa gitna nila.

Dahil naalimpungatan ako medyo nawala na ang diwa ng pagtulog ko.

Napatingin naman ako kay Maine na nakanguso habang nakapikit.

Hihihi ang cute niya.

" Maine... "

Ginising ko siya para maayos ang pwesto niya.

" Uhm istorbo naman eh.. "
Nakapikit niyang sabi.

" Ayos ka ng pwesto baka malaglag ka eh "

Umusod naman siya sa tabi ko.

Umupo naman siya tsaka nagkamot ng batok.

" Ang init "
Reklamo niya.

Init na init siya pero malamig naman ah.

" Ha?? Eh ok naman yung Aircon ah "

" Eh mainit eh... Inaantok pa ko eh "
Pagmamaktol niya.

Ganyan lang talaga siguro pag buntis. Laging uneasy.

Tumayo naman siya.

" Saan ka pupunta "
Tanong ko.

" Uhm. Sa baba iinom lang ng tubig "

Nagulat naman siya ng hawakan ko ang kamay niya.

" Ako na lang ang kukuha baka mapano pa kayo ng Baby mo "

Tumango naman siya tsaka umupo.

Bumaba na ko para kumuha ng tubig.

Ewan ko ba.
Oo, wala akong naalala pero may part saken na concern para sa kanila ng Baby niya.

Bukod sa tubig nagdala din ako ng gatas para 

Sa kanya.

Dahan dahan akong umakyat habang hawak ang dalawang tumbler.

Nilapag ko to sa side table.

" Maine ito na yung tu...."
Di ko na tinapos ang sasabihin ko dahil pagtingin ko tuloh na siya.

Napakapasaway talaga.

Humiga naman na uli ako sa pagitan nila at natulog.

------

Nagising ako dahil sa tumamang sinag ng araw sa mukha ko.

Iminulat ko ang mata ko at napansing mabigat ang dalawang braso ko.

Tinignan ko yun atsaka napangiti.

Pareho silang nakahiga sa braso ko.

" Ang sarap naman bumangon kung ganito ang bubungad saken. Wag kayong magalala... Gagawin ko ang best ko para maalala ko na kayo "

Hinalikan ko ang noo nila atsaka dahan dahang bumangon.

Naghanda na ko para magshower.

After ko magshower tulog pa rin sila Maine
Kaya bumaba na ko.para maghanda ng almusal.

P S E U D OTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon