33

1.6K 64 3
                                    

- RICHARD'S POV-

Ako daw yung Clingy??
Pero si Maine ito ayaw pa rin bumitaw sa Yakap ko.

Eh. Gusto ko din naman 'to haha.

Di ako nananamantala. Hahah

" Ok ka lang? "
Tanong ko sa kanya.

Tumango lang siya atsaka nagsalita.

" Ganto muna tayo please. Kahit ngayon lang."
Sabi pa niya.

Niyakap ko na lang siya ng mahigpit.

Bakit Pakiramdam ko may mali?
Bakit pakiramdam ko may mangyayare?
Hay... Baka pakiramdam ko lang yun 

" Kain na nga tayo hahahah. "
Garalgal na boses niyang sabi.

Hala. Umiyak ba siya??

"Uy. Ba't ka umiiyak ?"
Sabi ko sa kanya tsaka ko siya pinaharap sakin at pinunasan yung pisnge niya.

" Ha? Hindi ah. Nagugutom na kasi ako hahha tara na nga kain na tayo. Malamig na yung pagkain oh"
Sabi pa niya.

" Di ako naniniwala. Bakit nga kasi ... Maine "

" Ok nga lang ako. Hahah may naalala lang ako. Ok na ko .. Okay?? Kain na tayo "
Sabi niya tsaka tinap ang pisnge ko.

Di na ko nagtanong kasi baka mabadtrip pa siya eh .

Umupo na kaming pareho.
Pray muna then tadahhhh. Kain na.

Pinagsandok niya ko ng sinangag at pinapagmamalakiniyang adobo na siya daw ang nagluto hmmm.

Tinikman ko na yung adobo niya.

Nakatingin naman sakin si Maine na parang naninimbang.
Sa Totoo lang masarap yung luto niya.
Kaya lang trip kong asarin si Meng eh.
Hahaha.

Medyo ngumiwi ako ng konti na parang di nasasarapan.

Napasimangot naman si Maine. Hahaha ang cute eh.

" Uhmmm.. Hmmm "
Sabi ko na animoy ninanamnam talaga ang bawat pagnguya ( lalim hahha )

" Di ba masarap ??"
Malungkot niyang tanong sakin.

Nginitian ko naman siya ng alanganin.

" Ano kasi eh masar--"
Di ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang nagsalita.

" Wag mo ng kainin kung di masarap. Sayang effort letse. Akin na nga yan "
Sabi niya tsaka tumayo at kinuha ang kinakain ko.

Paktay. Nagalit na :-O

Tumayo naman ako tsaka siya niyakap.

" Meng... Masarap talaga siya promise. Oo masarap siya pero mas masarap ka ;-) "
Sabi ko sa kanya na ikinapula niya.

Oh c'mon. Hahaahah 

" Hmmm. Pervert. Manyak. "
Sabi niya tsaka ako tinulak.

" Sayo lang ako mamanyak baby "
Sigaw ko pa bago siya umakyat.

Inambaan niya naman ako ng suntok.

Hahahah. Ang cute niya talaga.

Niligpit ko na lang ang dining..
Ako na din ang naghugas ng pinggan.

After ko maghugas. Pumunta na ko sa living room para manood na lang ng Movie.

Wala naman kasi kaming pasok ngayon eh. Malakas kasi ang ulan at mukhang may bagyo pa.
( A/N : wow. Ha lakas makaestudyante. Hahahah moset )

------
-MAINE'S POV-

Umakyat na muna ako sa taas .. Hindi ko na kasi kaya ang atmosphere sa kusina eh.

Susme. Marupok ako hahha.

Ako lang daw mamanyakin niya ?? Ang harot uy hahah.

After ko makarecover. Bumaba na rin ako.

Ahhhh. Walang pasok or should I say di ko na pinapasok ang mga empleyado ko sa Cafe kasi masyadong malakas ang bagyo baka.mapano pa sila.

Tinawagan ko na rin sila Nanay kung ayos lng ba sila.
First time lang kasi bumagyo na di nila ako kasama.
Hahaha O.A noh?? 

Nagluto ako ng Pop corn at kumuha ng dalawang soda tsaka dinala sa Living room.

Pagkapasok ko nakaayos na si Yabs.

" Oh. Meng. Andyan ka na pala. Start ko na ah. "
Sabi niya sakin tsaka plinay ang Movie.

First movie to watch .
' A walk to remember ' 
Wahhhh my Favorite movie ever.

Umupo na si Chard sa tabi ko.

Seryoso lang kami habang nanonood.
ng bigla siyang magtanong.

" Bakit kaya karamihan ng mga novel nila William Shakespere at Nicholas Spark mga sad yung ending .. Karamihan ah. Like Romeo and Juliet. Tapos itong A Walk to remember ??"
Tanong niya saken.

Pero ako nakatingin pa rin sa pinapanood ko.

" Uhmm. Siguro naranasan nila. Or baka sad ending din yung mga love story nila. Or baka trip lang talaga nila yung mga ganyang genre ng story.. Di natin alam "
Sabi ko sa kanya.

Seryoso ulit ako sa panonood ng bigla na naman siyang magtanong.

" Bakit Favorite mo yang A walk to remember ang lungkot kaya ng ending. Yan ang nagpapatunay na walang forever. "
Sabi niya sakin na seryoso.

" Nope. For me hindi siya Sad ending...
Kasi para saken mas malungkot pag namatay kang di mo nakikita ang Destiny mo. Mas nakakalungkot kung di mo makikilala ang taong para sa'yo. Mas nakakalungkot pag namatay kang hindi minahal ng taon mahal mo.... Love is like a wind... You can't see it but you can feel it ... Ayan tuloy tapos na. Dami kasing tanong eh. "
Nakasimangot kong sabi sa kanya.

" Ayyy. Oo nga. Anong next... Ah ito. Breaking dawn part two. "
Sabi niya tsaka plinay ang Movie.

Humiga naman siya sa lap ko.

" Alam mo ba favourite line ko sa A walk to remember yung last part na yun. Yung Love is like a wind you can't see it but you can feel it. "
Sabi ko habang pinaglalaruan ang buhok niya.
Sa ulo.. Haha wag kayong ano dyan. Harot niyo hahah.

" Bakit naman. "

" Kasi.. Ganon naman talaga diba. Ang pagmamahal di man natin nakikita nararamdaman naman natin. Kaya kahit namatay si Jamie sa Movie ramdam pa rin ni Lindon na mahal siya nito. "
Mahaba kong litanya.

Pero pagtingin ko sa kanya. Tulog na siya.
Namannn ganda ganda ng speech ko eh.

Nanonood nalang ako.
Wahhh Breaking dawn part 2 . The best din to eh. Yung love story ni Bella tsaka ni Edward ang nagpapatunay na mayroong forever.
Actually mas Crush ko si Bella or si Kristen Stewart sa totoong life kaysa kay Edward Collins.
Kaya lang Bes si Kristin... Tibuli huhuhuhuhhuhu ..

Sa kakadescribed ko dito di ko namalayan na tapos na pala siya. Wahh.

" I have died everyday waiting for you.. Darling don't be afraid I had love you for a thousand years... I love you for a thousand more.... One step closer ... One step closer.... 
I love you for a thousand years.. "
Kanta ko habang nakatingin sa tulog na si Chard.

" I love you... Siguro yung storie natin hindi mala Edward-Bella na genre baka pang Jamie-Landon lang. Yung at the end di rin pala tayo hangang forever. Hindi dahil mawawala ang isa sa atin kundi dahil wala naman talagang Tayo in the.first place. Pero ok lang. Kung ano man ang Mangyare. Ang importante mahal kita. ... "
Hinalikan ko siya sa lips.

First time 'to. Tsak ko pinunasan ang luha ko.

Napabuntong hininga na lang ako atsaka ako pumikit. Bahala na...
.

P S E U D OTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon