End of Flashback

Kaya mas lalong pinag-igihan ko lalo na at bukas na aalis si Cayden at Lucas papuntang Kimera. Pansin na pansin ko na rin ang paghahanda ng mga Faculty. Ibinalita na nga rin na pansamantalang walang klase isang buong linggo simula bukas. Dahil pati teachers ay sasama sa atake.

Ang mga estudyanteng walang alam ay naging masaya sa nangyayari pero sa tulad kong alam ang katotohanan sa likod ng bakasyon na ito ay kinakabahan. Alam ko na sa giyerang ito ang magpapasya ng kinabukasan ng buong Pandora.

Ang hirap din mangpanggap na wala kang alam. Bukas ay sasama ako sa atake. Pero hindi malalaman ni Cayden ang pagsama kung ito. Sa ibang kupunan ako sasama at hindi sa kanila. Dito naman ako magaling, ang magpanggap.

Napagpasyahan ko na lang na tapusin ang ginagawa kong pag-iinsayo. Kabisado ko na rin ang kapangyarihan ko. Nagagawa ko na ang gusto kong mangyari. Pero nagiging maingat ako sa hiling ko dahil minsan na naasar lang ako inisip ko lang na matapilok sana yung kinainisan ko ay nangyari nga kaagad. Kaya nagiging maingat ako at hindi basta-bastang nag-iisip ng kung anu-ano.

Nagpupunas ako ng pawis at naglakad ako pauwi sa dorm. Hindi ko na ginamit ang kapangyarihan ko dahil masyadong nagagamit ko na ito nitong nakaraang mga araw. At masyadong katamaran na rin kung pati pagbalik sa dorm ay magteteleport pa ako. Ginagawa ko lang ito kung talagang malayo ang pupuntahan ko.

Marami akong nakikitang mga estudyante ngayon na nag-iimpake. Karamihan sa kanila ay uuwi sa kani-kanilang mga tahanan. Pero kami ni Misha ay dito lang sa Academy dahil wala naman kaming uuwian. Yung pag-uwi ni Misha sa Earth ay nadelay na naman dahil sa mga pangyayari. Si Misha na mismo ang nagsabi na unahin muna ang misyon nina Lucas dahil mas importante yun.

Hindi ko nga alam kung paano ko lilinlangin itong si Misha, dahil hindi ito basta-bastang malilinlang. Kilalang kilala ako nito. Pagsasabihin ko na magbabakasyon ako ay alam na nito kung ano ang totoong gagawin ko. Ganun siya katalino. Paano pa't naging navigator namin ito kung hindi ganun siya katalino?

Kung sasabihin ko naman ang totoo, ay malaki ang posibilidad na sasama ito. Kaya sana ay hindi ito sasama at manatili lang ito sa Academy dahil delikado sa Kimera lalo na at wala siyang abilidad.

"Yes mom, uuwi ako dyan tomorrow kasi one week vacation kami dito sa Academy........I don't know, biglaan siya mom." Narinig kong saad ng isang estudyante na kausap ang ina nito sa cellphone.

"Dalhan mo ako ng pasalubong!" May sumigaw naman sa di kalayuan.

Napapailing na lamang ako. They don't know that tomorrow is the start of war between the good and the bad. Hindi ko pa rin maisip kung bakit itinago nila sa mga mamamayan ng Pandora ang katotohanan. Karapatan nilang malaman yun. Kung sa Pilipinas pa ito, malamang alam na ng lahat para maging vigilant ang lahat at magiging maingat. Pero ayoko naman sirain ang kung ano man plano nila. Kung ayaw nilang ipaalam, bahala sila basta pupunta pa rin ako.

Natanaw ko na ang pintuan ng kuwarto namin ni Misha. Napagpasyahan ko na din na sabihin sa kanya dahil napaka imposibleng maloloko ko ito kaya kesa magmukha akong tanga ay sasabihin ko na lang.

Pumasok na ako at nadatnan ko si Misha na nakatingin sa bintana. Tila malalim ang iniisip nito at hindi nga ako nito napansin dahil hindi ito lumingon na siyang ginagawa nito tuwing papasok ako.

"Misha?" Untag ko rito at siya naman paglingon nito sa akin na tila nagulat pa.

"Nandito ka na pala... Hindi kita napansin." Saad nito sa akin at tsaka umalis ito sa may bandang bintana at lumapit ito sa mesa namin sa gitna habang nakatingin ito sa akin na tila parang may sasabihin ito.

THE ADVENTURE OF AUGUST BACK TO EARTHजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें