Chapter One

1K 29 9
                                    

Chapter One: Things are better left unsaid.

Alyssandra’s POV

It’s my lovely daughter’s graduation today. Hindi lang siya basta ga-graduate ngayon dahil with highest honor din siya. Nakakatuwang malaman na maganda ang performance niya sa school. Lahat ng pagod ko sa pagma-manage ng coffee shop ko ay nababayaran dahil nakikita kong naga-aral ng mabuti ang anak ko.

Malapit na din siyang mag 18th birthday kaya naman sobrang nae-excite talaga ako pero nalulungkot din ako dahil hindi na bata ang anak ko.

“Mom, let’s go? Dad is waiting us downstairs.” Narinig kong sabi ni Hally na ngayon ay nakatayo sa harap ko. Tumayo ako sa harapan niya at tinignan ang mukha niya.

“Baby, look at you. You’re so beautiful.” Nakangiting sabi ko kay Hally habang inaayos ko ng kaunti ‘yung styled na buhok niya.

“Mana lang sa’yo, mom.” Sabi ni Hally at nginitian pa ako.

Natawa naman ako, “Yeah, mana ka nga sa’kin.” Sabi ko. Niyakap naman ko naman ang anak ko ng mahigpit. Sobrang nakakatuwang makita na lumalaking mabuti at masipag na anak si Hally.

“Mom, tara na?” Tanong sa akin ni Hally kaya naman kumalas ako sa pagkakayakap namin at kinuha ‘yung purse ko. Pagkatapos ay sabay naman kaming bumaba.

Nakita ko naman si Harley na nakaupo sa sofa habang bumababa kami. Nakasuot siya ngayon ng button down shirt atsaka slacks. Habang ako naman ay naka-blazer dress, si Hally ay naka-off-shoulder maxi dress na hindi naman aabot hanggang paa niya. Lahat kami ay naka-white dahil ayon ang napagkasunduan naming tatlo.

“Dad!” Tawag ni Hally kaya napatingin sa amin si Harley. Tumakbo naman si Hally at niyakap ang daddy niya.

“Ang ganda ng anak ko ngayon, ah.” Sabi ni Harley at nginitian si Hally.

“Ngayon lang ba maganda, dad?” Nakasimangot na tanong naman ni Hally. Natawa naman si Harley.

“Siyempre araw-araw ka namang maganda.” Nakangiting sabi ni Harley.

“Tama na bolahan, baka ma-late pa tayo.” Singit ko sa usapan nila kaya naman kumilos na din sila palabas ng bahay.

Sumakay kami sa kotse ni Harley na siyang gagamitin namin ngayon. Ako ‘yung nasa shotgun seat, si Harley ang nagda-drive habang si Hally ay nasa passenger seat katabi ‘yung toga niya.

Tahimik lang kami habang nasa biyahe. Buti nga hindi masiyadong traffic ngayong araw.

Mga ilang minuto lang ay nakarating na kami sa venue ng graduation nila Hally. Nauna kaming bumaba ni Hally dahil ipa-park muna ni Harley ‘yung sasakyan niya. Sinalubong naman si Hally ng mga kaibigan niya. Nag yakapan sila kaya naman napangiti ako. Naalala ko sila Jewille. Parang ganiyan din kami dati. Well, actually, hanggang ngayon naman. Pwera na lang nga ngayon na may mga anak na kami.

Nawala ang mga iniisip ko dahil nagulat ako nang may umakbay sa akin. Tinignan ko naman kung sino iyon at nakita si Harley na nakangiti habang nakatingin kay Hally na nakikipag-usap sa mga kaibigan niya.

“Ang laki na talaga ng anak natin ‘no?” Tanong ni Harley kaya napatingin ako sakaniya pagkatapos ay binaling ko ‘yung tingin ko kay Hally.

“Oo nga. I can’t believe we did that.” Sabi ko. Medyo huli na no’ng na realize ko kung ano ‘yung sinabi ko kaya uminit ‘yung pisnge ko at umalis sa pagkaka-akbay ni Harley sa akin. Ohmygod! Why am I even blushing?

Inexorable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon