III

2.6K 105 77
                                    

"Magpahinga ka kaya muna," mungkahi ni Fritz.

Hindi ko nagawang sumagot. Sa halip, napayuko na lang ako't napabuntong-hininga. Kung tutuusin, pareho lang naman kaming pagod. Llamado lang siguro nang kaunting tulog itong aking kasama.

Hindi namin inasahan na kakailanganin naming mag-iba ng ruta sa kalagitnaan ng byahe. At dahil nga sa medyo napalayo kami, may ilang pagkakataon na tulad nito na para bang naubusan na kami ng pag-uusapan.

"Alam mo, Sadie is pregnant," pagbabahagi ng aking katrabaho nung saglit kaming nahinto sa isang intersection.

Nakadantay ang mga braso niya sa manibela habang nakatingin sa'kin. Nung magtama ang aming mga mata, minabuti kong umayos nang pagkakaupo at isilid na rin sa bag ang aking cellphone.

Tulad ng kanyang nakasanayan, naka-chino shorts lang si Fritz at plain collared shirt. Ang pinagkaiba lang, bagong gupit siya, kaya hindi siya mukhang gusgusin.

Well, usually malinis naman siyang tignan. Except nung tinangka niyang makiuso at magpahaba ng buhok. Thankfully, that phase is gone. It's subjective, but I thought he always looked fine with just this look.

He's the type of guy who won't stand out, but is very polarizing when you get to know him personally. He's an interesting one, surely.

"Yung wife ng best friend mo?" aking paglilinaw.

"Yeah. We had dinner nung Sunday," naudlot na wika ni Fritz na ngayo'y muling sub-sob sa pagmamaneho. "You know what's crazy? If it's a boy, Dino says they might name it after me."

Napangiti ako, yung pasadyang mapang-asar, "I hope it's a girl."

"Eloisa, wala ka talagang bilib sa'kin, ano?"

Hindi na'ko umimik to help him focus on the road. Sa halip, marahan akong pumihit upang abutin sa backseat yung isang malaking pack ng Cheese Curls. Yung lang kasi yung abot ko.

Napatingin sa'kin si Fritz na siya naman ngayong nagbuntong-hininga. Hindi niya gusto itong tangan ko, malagkit daw sa daliri at makalat.

Gaya ng aking nakasanayan, binuksan ko mula sa gitna yung tsitsirya. Hindi ko na rin inalok ang aking kasama na napailing na lang nung marinig niya akong kumakain.

I then put my jacket on. Medyo nilalamig na rin kasi ako. It's my favorite color, which is perfectly contrast dito sa puting mini-skirt na kanina ko lang binili. I spilled my soda earlier, and this was the nicest thing I could find sa unang tiangge na tinigilan namin.

It's very rare for me to wear anything other than shorts and jeans when I'm not in the office, which is why ingat na ingat ako sa kilos ko dahil I'm not comfortable with this. Especially now na I had to take the jacket off of my lap. It's starting to feel cold down there.

"Mukhang kalmado ka ngayon. That's nice."

Minabuti kong sumang-ayon muna, kahit pa 'di ko maiwaksi ang nadarama kong kaba. Lately, mas napapadalas kasi akong dinadalaw ng aking mga natatanging panaginip, kung saan may mga tao at ilang tagpo akong nakikita nang paulit-ulit.

Matagal ng alam ng aking kaibigan ang tungkol dito. Subalit, kamakailan ko lang naibahagi na nagiging mas nakababahala na para sa'kin ang mga naturang hulagway.

Ang hindi ko inaasahan matapos ang aming munting pag-uusap ay ang walang patumpik-tumpik na pagtulong sa'kin ni Fritz.

Dahil sa pagsisikap niya, natukoy namin ang isang tao na posibleng makapagbibigay linaw sa'king mga dinaramdam. Isang tao na katulad ko'y may hinahanap na tila wala sa mundong ito.

Kinahapunan, sa wakas ay narating namin ang Hiralaya. Isang maliit na probinsya sa timog na malapit sa mga baybayin. Sikat ito sa mga turista, ngunit ito ang unang pagkakataon namin ni Fritz na magawi rito.

San Isidro: AninoWhere stories live. Discover now