Dahil sa may kalakihan ang mga kwarto dito, bumungad muna sakin ang entertainment room kaya dahan-dahan akong nag-lakad papasok.

Nakikita ko na si Sam. Nakatalukbong siya. Umuungol pa rin.

Dahan-dahan, lumapit ako sa kanya at inihagis sa ere ng mabilis ang kumot niya.

..

..

..

..

..

..

..

Nakapikit pa muna ang isa kong mata bago ko tuluyan na ibuka ito pareho.

O____O

Nagulat na lang ako na nanginginig si Sam sa lamig, kaya dinampot ko kaagad ang kumot niya at ibinalot sa kanya. 

Hinaplos ko yung noo niya at naramdaman na sobrang init niya.

Langya. Kakatapos ko lang mag-alala kanina, heto na naman ako nag-aalala na naman sa kanya. Haaaay. Buhay nga naman. Boyfriend na nga, alalay pa yata.

Dahil hindi ko alam ang gagawin ko tumawag muna ako sa Mama ko kahit dis oras na ng gabi. Nang malaman ko na ang mga dapat kong gawin dali-dali akong bumaba para kumuha ng gamit.

Inalala ko muna yung sabi ng Mama ko.

"Kumuha ka ng planggana tapos towel na maliit, yung kasya lang na ipatong sa noo tapos lagyan mo ng tepid water yung planggana."

Umakyat ako agad sa kwarto niya dala ang mga nasabi. Chineck ko muna yung temperature niya gamit ang nakuha kong thermometer sa first aid cabinet nila Boom.

"Shit. 39°C?! Hindi kaya mag-convulsion na lang siya nyan maya-maya?"

Inilagay ko agad yung basang towel sa noo niya. Sabi rin ng Mama ko na maya't maya dapat ang paglalagay ko nito. Punasan ko rin ko daw yung katawan niya, pero siyempre hanggang arms lang at leeg ako dahil baka mamaya kung ano ang isipin nito kapag biglang nagising. Iniayos ko rin yung blanket niya and I tacked it on her sides.

Tiningnan ko muna ang temp niya para sana makaalis na ako. Baka pagsamantalahan pa niya yung pagiging mabait ko ngayon sa kanya kaya dapat makatakas na.

38.7°C, medyo bumaba na kaya tumayo na ako para sana iwan siya nang biglang bumuhos sa labas ang napakalakas na ulan na may kasama pang mga kulog at kidlat.

The Legendary GANGSTER Meets Miss BRAINY Girl (KathNiel)Where stories live. Discover now