after shock

10.4K 167 1
                                    

JEMA POV

after makapagpaalam kay deanna, patakbong pumasok si jema sa dorm dahil ayaw nyang makita ni deanna ang pamumula ng mukha nya, dahil talagang kinikilig na sya.. at nahihiya dahil sa sya pa ang nagsabi na sana maulit pa ang paglabas nila.

Shocks! ano ba yung sinabi ko.. hays, sana hindi nya isipin na atat akong makita sya ulit.

pagpasok sa dorm nagulat sya ng lahat ng team mate nya e nakatingin sa kanya at tila ba sinasabing bakit.mo.kasama.ang.isang.agila.
kaya naman huminga muna sya ng malalim at binigyan lang ng matamis na ngiti ang mga kasama.


Uy! jemalyn! baka naman gusto mong magkwento ha? hindi ko namalayan na nakasunod na pala sa likod ko si joy.

huh? anong kwento? patay malisyang tanong ko dahil ayoko talagang sumagot dahil sigurado akong aasarin ako ng buong team.


wow! nakalimot ka agad? so bakit mo nga kasama yung cute na setter ng ateneo? naku naman. paano bang nakita nila yun.. wala na.. hindi na ako makakapagsinungaling..



ahh.. yun ba? wala yun.. nagyaya lang ng lunch pambawi daw dun sa ginawa nyang stare down sakin.. e since libre naman at wala din akong gagawin sumama na ako..pinipilit kung maging kaswal ang tono ko para hindi na ito mangulit pa.


ah.. ok.. akala ko bago mong manliligaw eh.. pero kung ayaw mo, pwede bang akin na lang sya? aba! loko to si joy ah. aagawan pa ako.. hindi pwede no akin lang ang baby deanna ko! wow ha! baby deanna talaga? sayo? sayo na te?



ewan ko sayo joy puro ka kalokohan! bumalik ka na nga dun.. pagtataboy sa kanya sabay pasok sa room ko at lock ng pinto para walang istorbo.. iidlip muna ako.. sa gaan ng pakiramsam ko para akong hinihele..


**fast forward**


Jema pov

1 month na rin ang lumipas after nung unexpected lunch nila ni deanna, pero hindi na rin yun nasundan. hindi rin naman sya nito tinitext or kahit message sa social media ganun din naman sya. gustuhin man nyang kausapin ito pero wala syang lakas ng loob.

buti naman at walang traffic at mabilis akong makakarating sa gym. dadaan muna ako sa starbucks makabili muna ng kape. kakamadali ko hindi na ako nakapagalmusal.



**gym**

Hi Jema! ang aga mo ah! bati ni ate jia sakin.. agad naman akong lumapit at bumeso.

Hi ate jia.. medjo napaaga nga ako tapos wala namang traffic kaya dumaan muna ako sa starbucks para bumili ng kape. sagot ko naman.. at sabay na kaming umupo sa bench at nagkwentuhan habang kumakain ng breakfast dahil maaga pa naman at wala pa si coach.

so kamusta naman ang date nyo ng bata ko? nakangiti nyang tanong sakin at tumingin. nung ung hindi ko nagets yung tinutukoy nyang "bata" dun ko lang naalala na mentor pala sya ni deanna.

po? si deanna po ba? uhmm.. once lang naman po yun ate tsaka hindi po yin date. sya na po nagsabi pambawi lang daw po nya dun sa pag staredown nya sakin. paliwanag ko naman. wala naman talaga yun.. simpleng lunch lang naman yun.. simpleng lunch nga ba talaga yun jema.. sabi naman isip ko.. mahirap naman kasi magaasume no.


hahaha.. deffensive mo naman nagtatanong lang ako.. pero, iba ang nakikita ko sa mga mata mo.. umamin ka, crush mo yung bata ko no?  ngingiti ngiti nyang sabi.. naku, si ate jia talaga ang daming alam at ang hirap maglihim sa kanya hindi ko alam bakit parang ang galing nyang magbasa ng tao.

Stare downWhere stories live. Discover now