Part 5

15K 481 46
                                    

        Part 5

        Hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala yung gago dahil sa ang lalim ng iniisip ko..

        "Della, sa iba ako matutulog ngayon." sabi nito.

        "saan? kina Link nanaman?" 

        "huh? hindi." sagot naman nito.

        Takte! Hindi manlang niya na-realize na nasa likod ko siya =___=

        "babae?" tanong ni Master at uminom nalang ako..

        "you could say that." sagot nung gago..

        Putangina hindi manlang ako napansin!

        "Link oh, mambababae yang lalaki mo." Biglang sabi ni Master at nasamid naman ako..

        Tinignan ko naman yung gago at nakatingin sya ngayon sakin..

        "Yo. Nandito ka pala shithead." sabi nito sakin at ibinaling ko nalang yung tingin ko sa iba..

        "son of a bitch." bulong ko sa sarili ko..

        Hindi naman siya nagsalita pero nakatayo parin siya sa likuran ko..

        "habang tumatagal lalo kayong uma-awkward." napatingin nalang kaming dalawa kay Master dahil sa sinabi niya..

        "tss." nasabi ko nalang.

        Baka mamaya kung anong isipin nitong si Master..

        Tumingin naman ako sa gago at ngumisi, "hindi mo ba ko hahalikan?"

        Natawa naman siya sa sinabi ko, "bakit gusto mo?"

        =___= TANGINA NETO.

        Binaling ko nalang ulit yung tingin ko sa harap at nagulat nalang ako nang hawakan ni Skate yung balikat ko't iniharap sakanya pagkatapos ay hinalikan nalang ako bigla..

        Pumikit naman ako't hinalikan din siya pabalik..

        Tinulak ko naman siya pagkatapos 'non at bumalik na sa pag-inom..

        Habang tumatagal, napapansin kong pasarap na ng pasarap yung paghalik niya. =____= tengene.

        At habang tumatagal din, nagiging awkward na.

        Umalis na siya sa likod ko tapos naglakad na papunta sa mga babae..

        "wala ata siya sa mood makipag-suntukan sayo." Sabi ni Master at tumingin nalang ako sakanya,

        "edi maganda." sagot ko naman dito at tinuloy na ang pag-inom..

        "alam mo bang nung nakaraang gabi pumunta yan sa inyo?" Napatingin ulit ako kay Master..

        Sabi ko na nga ba siya yung nakita kong nandun eh =___=

        "err.." Nasabi ko nalang..

        "Umuwi yan dito ng bad trip. Sinusuntok niya nga lahat ng nadadaanan niyang lalaki, tapos hinahalikan niya naman yung mga nadadaanan niyang babae." =___= That's so like him..

        Tinignan ko si Skate, nakangiti habang kinakausap yung mga babae sa isang table..

        Tss.. Gago wag ka ngumiti kung sasaktan mo lang din sila.

Drunk Kisses Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon