Kitang-kita ni Blue kung pano magsigawan at tumakbo ng mabilis ang mga taong  masaya sanang nagde-date sa naturang lugar.

"Hu-huwag ka-kang lu-lumapit.  Ahhhh!  la-layuan mo kami,  halimaw ka." Isang malakas na tinig ng babae ang umalingawngaw sa buong paligid na siyang nakapagpabalik kay Blua sa realidad.  Agad niyang tiningnan ang lugar kung saan niy narinig ang malakas na tinig at doon niya natagpuan ang dalawang taong nanatili parin sa ligar kung nasaan ang modified watts na sumasalakay.  Bigla siyang naalarma,  dahil ang isa sa mga ito ay nakahandusay sa lupa at walang malay habang ang isa naman ay  nwkaupo habang umiyak dahil narin siguro sa takot.

Wala nang sinayang na oras pa si Blue at agad niyang hinila ang taling nagdudugtong sa bawat dulo ng kaniyang pana,  hinayaan niyang dumaloy ang kaniyang chiatsu sa kaniyang kamay hangang sa makaipot ito ng sapat na lakas at antas ng chiatsung kailangan. Tinantiya niyang mabuti,  tinutok at sinigurong sa ulo ng kalaban tatama ang palasong kaniyang papakawalan. Nang masiguro niya na hindi na siya magmimintis at sa target talaga tatama ang palaso ay agad na niya itong pinakawalan.

"Maglaho ka na! " Sabi ni Blue matapos lumipad ang palaso na dumiretso naman sa ulo ng modified watts na siya namang dahilan para bumagsak ito sa lupa.

"Ahhhh! "  Sigaw ng babae matapos makita ang kulay asul na liwag na korteng palaso na tumama sa ulo ng haliamaw.

"Ayos ka lang ba? " Humahangos na sabi ni Blue.  Matapos niay kasing makita ang pagbagsak ng modifidled watts sa lupa ay tumakbo na siya agad palapit sa dalawa.

"Si-sino ka? " Nauutal na sabi ng babae ng rahil sa takot.

"Huwag kang magalala kakampi ako kaya wala kang dapat ikatakot. " Malumanay na sabi ni Blue.

"Ibig sabihin ikaw yung yung tumalo sa halimaw na iyan? " Sabi pa ng babae tapos itinuro ang katawan ng nakabulagtang modified watts sa lupa.

"Oo pero wala na tayong oras para sa kwentuhan.  Teka may sugat ka?! " Puna ni Blue sa hita ng babae.

"Ah eto ba?  Natamaan ito kanina ng nabasag na bote  nang may tumilapon sa amin at ito namang kasama ko... " Turo sa kasma niya.  Medyo nawala ang kaba ni Blue matapos marinig ang sinabi ng babae. Para tuloy siyang nabunutan ng tinikbsa lalamunan.  Akala niya ay galing sa Modified watts ang sugat na natamo nito.  Ay iyon pala ay galing sa nabasag na bote.  Malaki kasi ang posibiledad na sa oras na masugatan ka ng kuko,  ngipin o kahit anong klaseng pagatake ng isang modified watts ay maari mong ikamatay. Sa bawat atake kasing panipakawalan ng isang modified watts ay may kasamang lason na sa oras na humalo sa dugo mo ay siguradong magiging dahilan ng iyong maagang pagkamatay. May ininilabas itong likidong dumidiretso sa utak at puso ng tao at unti-unti nitong sinisira ang mga nasabing parte ng katawan kasama ng ipa pang organ ng katawan ng tao.

"At ito namang kasama ko...  'wag mong intindihin iyan.  Nuong nskita kasi niyang may tumamang piraso ng bubong sa hita ko at lumas ang dugo mula dito ay ayan, hinimataybang loko! takot kasi iyan sa dugo eh! " Dugtong pa ng babae habang pinipindot ang pisngi ng kasamang lalaki na ngayon ay nakahiga parin sa lupa. Napahinga naman ng malalim si Blue, sobra siyang nagaala sa dalawa at inakalang nagtamo ng malalang sugat lay iyon pala ay mga minor injury lang nakuha ng mga ito.

TEENAGE HERO |ON GOING|Where stories live. Discover now