2. Trabaho

15.6K 307 2
                                    

"Marunong kaba gumawa ng pizza? -Tanong Nung lalaking may-ari ng inaplyan ko

"Opo sir marunong po.

"O siya sige mag simula kana ngayon din, kulang ako ngayon sa trabahante. 200 kada Araw, pang-umagang shift ka alas-sais ng umaga hanggang alas-dose ng tanghali ka lang dahil may papasok na Iba pang hapon at tuwing linggo ang sahod May Tanong ka pa ba?

Pwede na din para may panggasto ako sa pagkain at iba pang kakailanganin ko. Maghahanap na lang uli ako ng trabaho na pang hapon.

"Wala na po.

"Ang uniform mo nasa Pangalawang locker, pagkapasok mo dito kumaliwa ka andun ang Mga locker ng trabahante.

"Salamat po.

Hindi naman mahirap ang trabaho ko dahil puro pagluluto ng pizza ang inaatupag ko. Marunong din naman akong magluto dahil noong nabubuhay pa si Ina ay Mahigpit niyang ibinilin sa akin na kailangan marunong magluto para pagdating ng Araw hindi ako mamatay sa gutom.

"Bago ka dito iha? - Tanong Nung lalaki na nasa 30's na nangangasiwa sa Mga palaman ng pizza

"Opo kuya.

"June ang pangalan ko iha.

"Jade po.

"Sana naman tumagal ka dito jade, mabait naman ang may-ari iyon nga lang puspusan ang trabaho maraming kumakain dito at maraming order. Kaya ihanda mo na iyang katawan mo sa pagod.

"Kakayanin ko po kuya June, may alam pa po ba kayong trabaho na pang -hapon?

" sa carinderia ni manang lupe diyan lang sa kanto naghahanap siya ng tindera. Bakit kamo iha?

"Pang-umaga po kasi ang shift ko dito. Sayang naman ang mag-hapon kung wala akong gagawin kaya naghahanap ako ng pang-hapong trabaho.

"Iyon nga lang iha stay in Hanap Niya. Hayaan mo pakiusapan ko ang asawa ko na kausapin siya matalik na magkaibigan si manang Lupe at ang mahal kong asawa.

"Salamat po kuya June Kung Gayon. Tatanawin kong utang na loob ito.

"Ano ka ba, wala iyon oh siya mag trabaho na tayo baka sitahin pa tayo ng may-ari.

"Sige po.

Tama nga si Manong June, Maraming order pang dine-in at take out may pang delivery pa. Sabagay isa sa sikat na pizza parlor itong naaplayan ko at halos fresh lahat ng Mga ingredients na ginagamit. Masakit nga lang sa Kili-kili dahil malaki ang pala na ginagamit sa pag-angat ng pizza pag ito'y luto na. Pagkatapos nito tiyak kulani ang aabutin ko.

Pagtingin ko sa orasan limang minuto na lang mag-Aalas dose na kaya naman Dali Dali na akong nagpa-alam sa Mga kasamahan ko sa loob at nagbihis.

"Kumusta ang unang Araw? -Tanong ng may-ari

"Ok naman sir, Medyo sanay na po kasi ako.

"Oh siya bukas uli. Mag-ingat ka.

"Salamat po sir.

---------

Naglakad-lakad ako baka sakaling makakita ako ng estante na naghahanap ng trabaho, alas kwatro na ng hapon ng makaramdam ako ng gutom. Hindi pala ako nakakain ng tanghalian dahil pokus ako masyado sa paghahanap ng trabaho.

Pumasok ako sa isang karinderia at umorder ng pagkain, agahan ko na lang ang kain ko para mamaya hindi ko na kailangan kumain uli. Kailangan kong magtipid.

"Manang, dalawang Kanin po at isang order ng sinigang.

"Sige, umupo kana dun iha ako na ang mag serve.

Run Away (Completed) 4Where stories live. Discover now