IV

0 0 0
                                    

Psyche POV
     Andito na kami sa harap ng malaking bahay na kulay puti. My gosh mayaman ata yung kaibigan ni Papa kasi ang laki ng bahay plus may door bell pa, bongga!

" Papa, ito ba talaga yung bahay? Baka nagkakamali lang tayo." sabi ko nang makababa.
Bumababa na kasi si Papa. Tinitingnan niya yung paligid ng bahay.

" 402, Arellano Family. Tama ito yung number ng bahay na nakasulat sa address. "

   Arellano? Bakit parang familiar sakin yung family name. Pero never mind sasakit lang ulo ko kapag nag isip pa ako.

"Papa, mag door bell na po kayo. Masyado na pong malamig eh,"

Nagdoorbell na si papa at mga ilang sandali lang may bumukas na nung gate. Isang magandang babae yung nagbukas.

" Sino po sila?" tanong nung magandang babae medyo madilim kasi kaya di kami masyadong makita.

" Si Carlo ito yung kaibigan ni Stev." Papa ko.

" Wahhh,Carlo?!!! Naku!!! Pumasok kayo sa loob. Honey ?!!! Si Carlo andito na!!!" tili nito. Wow huh, fans yata ito ni Papa.

Pumasok na kami sa loob. Mas maganda rito sa loob, mas bongga. Ang lawak nung sala nila. May chandelier sa gitna na nakatapat sa babasaging mesa tapos may tatlong mahahabang sofa ang nakapaikot sa mesa tapos sa harapan yung subrang laking t.v.

Nagkwentohan lang sila saglit tapos kinuha na namin yung  mga gamit namin sa sasakyan.

" Papa, tutulong po ako," sabi ko tsaka sumunod kay Papa, nakakailang kasi sa loob. Titig na titig sa akin yung magandang babae. Nagagndahan ata sa akin ehh, hahah.

" Sige anak, yung kaya mo lang huh"

" Tika, papatulongin ko yung panganay kong anak, Van tawagin mo nga yung kuya mo." narinig kong sabi nung magandang babae.

" Hello Bonny, napagod ka ba sa biyahe? Andito na tayo sa bago nating bahay. May dyosa don sa loob, heheh" kausap ko kay Bonny, yung stuff toy kong kuneho.

Che! Wag kayong ano, di porket 16 na ako di na pwedeng magka stuff toy. Ang cute niya kasi, regalo pa kasi to ni Mama, sabi ni Papa.

" Ehem!!"

Napalingon agad sa pintuan nang  van, nauntog tuloy ako. Ang sakit kainis. Yung pwesto ko kasi ganito, yung kalahati nang katawan ko nasa loob ng van tapos yung kalahati nasa labas.

" Lampa!"- siya

" Aba't sino ka bang poncio pila— Ikaw?" may gosh, hihimatayin yata ako sa kilig hahah. Pero baka namamalikmata lang ako kaya ayun sinampal sampal ko yung mukha ko. Pero wahhh!! Andun pa rin siya sa harapan ko nakacross arm habang nakakunot ang noo.

" Bakit ka nandito? Sinusundan mo ba ako?" - ako. Kapal nang mukha no, hahha. Malay ko ba kung nagandahan yan sa akin kaya sinusundan ako.

" Seriously? Naisip yan nang maliit mong kokote?" nakasmirk pa nitong sabi. Nakakainis mas lalo siyang gumgwapo pag nakaganyan ehh!!
Wahh!!! Erase! Eeeraaasee!! War kami nan. Kaya tumigil ka Sy.

" Eh, bakit ka nga nandito?" sabi ko with matching pamewang pa kahit nanginginig na yung tuhod ko.

" Kasi bahay ko to." sabi nito tsaka tinro yung nakasulat sa may gilid ng gate.
Napaawang yung bibig ko sa nakita.
' Arellano Family'

" See? Tsk, di pala kailangan ng tulong, huh!" sabi nito tsaka iniwan akong nakanganga.

" Eehhh!! Wahhh!!!" ipit na tili ko with matching talon talon pa. Tapos nagmamadali  na akong tumakbo papasok nang bahay.

*********
" Ito na ba yung anak mo, Carlo? Dalaga na tsaka maganda" sabi ni Tita Marie, yung magandang babae kanina. Asawa pala siya ni Tito Steve at Mommy ni Wyn. Kaya pala ang gwapo gwapo ni Wyn, may pinagmanahan.

" Oo, 16 years old na siya." - Papa.
Nasa sala na kami ngayun.

" Ahh, Nga pala ito sina Wyn panganay namin tsaka si Van yung bunso namin. Dalawa lang yung nabuo namin, ang hina kasi  nitong bestfriend mo, hahaha" - Tita Marie.

Tsk! Ayaw ko na pakinggan yung mga pinag uusapan nila. Nakakadiri. Tumingin na lang ako kay Wyn na nasa bandang harapan ko katabi yung Mommy niya. Nakahead phone. Ang cool niya talaga.

" Baka matunaw na si Kuya kakatitig mo" nagulat ako kasi may biglang bumulong sa akin. Pagtingin ko si Van pala, nagbabasa ng libro.Tsk! Mana sa kuya.

" Wahh, anong tinititigan. Tinitingnan ko lang tong bahay nyo. Ang ganda kasi, hehehe," palusot ko. Sana gumana.

" Tsk! Palusot!"- Van.

" Wahhh! Balita ko, pareho raw ng school  kayo pumapasok ng Wyn ko, Psyche, totoo ba yun?" biglang tanong ni Tita Marie. Ngumiti lang ako tsaka tumango. Nakakaloka kasi yung ganda nya. Parang di kapani paniwala.

" Wahh, talaga? So marami ka bang alam tungkol sa kanya? Van lumipat ka nga ron sa pwesto ko" excited nitong tanong. Lumipat pa ito sa tabi ko. Sinamaan tuloy ako nang tingin ni Van. Wahh, parang di yata kami makakasundo nitong kapatid ni Wyn, huhuhu. Tsaka ito namang Mommy nila,grabe masyado siyang hyper at isip bata para maging Mommy nang dalawang nilalang na yun.

" Oo, Marie, katunayan. Magkalevel lang din sila. Grade 12." si Papa yung sumagot.

" Tsk! Grade 12 kala ko grade 6 lang yan."- van. Sinamaan ko nga nang tingin. Pati ugali nagmana sa Kuya. Kakabwesit.

" Van, magsorry ka!"- Tita.

"Okey lang po yun Tita. Sikat po si Wyn sa school" sabi ko nang mahina habang nakatingin kay Wyn na walang pakialam sa paligid niya. Di ko na lang din pinansin yung kapatid niya.

" Ay talaga? Alam mo kasi, suplado ang lalaking yan. Di na kikipag usap pero subrang talino. Ewan ko ba, saan nagmana yan. Nag alala kasi ako na baka maraming kagalit yan sa school dahil sa ugali nya." nakapout na sabi ni Tita. Tsk! sinabi nyo pa. Pinahiya nga po ako nang lalaki na yan ehh. Naku! Kung pwede ko lang sabihin yan kay Tita ginawa ko na.

" Naku po Tita! Pinagkakaguluhan po yan sa school" sabi ko kasi naman kahit na suplado ang lalaki na yan gustong gusto pa rin nang girls. Palagi naman silang pinapahiya.

" Wahhh!! Talaga? Ibig sabihin isa ka rin sa mga babaeng yun?" grabe sakit sa tinga. Makasigaw naman tong si Tita kala mo teenager. Nakakatuwa lang.

" Naku! H- hindi po. Di naman po kami nagkakasalubong ni Wynter. Magkabikang building po kasi kami, heheh" nakita kong bahagyang tumaas yung kilay ni Wynter. Shock! naririnig niya kaya kami. Pero kasi nakahead phone siya kaya impossible.

" Ayy, ganun. Akala ko pa naman." nalungkot si Tita.

" Kuya, tulungan mo naman ako rito sa assignment ko." si Van kinukulit yung kuya niya.

" Si Lam— este si Psyche yung pasagutin mo, magaling yan." nagulat ako sa sinabi ni Wyn. Nakangisi pa siya. Ang gwapo este NAKAKAINIS.

   Tiningnan nan ako ni Van ng  'Talaga look'. Inirapan ko nga, ano akala niya sa akin,bobo? Makikita talaga nito.

" Pangit! Kaya mo bang sagutan tong assignment ko?" tsk! makapangit ah, buti na lang at cute siya. Inabot ko na lang yung libro tsaka binasa.
Nakakainis di ko maintindihan, English ehh. Mahina rin kasi ako sa English kaya ngumiti ako nang pilig tsaka unti unting isinara yung libro. Nakatingin silang lahat sa akin maliban kay Wyn na nakikinig pa rin ng music. May sariling mundo.

" Amhh, Tita, naiihi po kasi ako ehh. San po yung banyo?" palusot ko. Kailangang kong takasan to kundi mapapahiya na naman ako.

" Ah, halika samahan na kita," sabi nito tsaka akmang tatayo pero pinigilan ko.

" Naku, Tita wag na lang po, kaya ko na po" - ako.

" Ammh.. sige, sa dulo bandang kaliwa, puntahan mo na lang" sabi nito tsaka umupo ulit.

Ngumiti ulit ako sa lahat tsaka nagmamadaling naglakad papuntang c.r.




To be continue....











A/N: Please vote😉
@maryjoy21

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 21, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

All About LoveWhere stories live. Discover now