II

0 0 0
                                    

Psyche POV
      Kinabukasan, maaga akong gumising para pumunta sa restaurant ni Papa doon na lang ako kakain ng agahan. Maaga kasi siya sa restaurant niya kapag araw ng Martes hanggang Sunday, tuwing Lunes lang siya sa bahay.

" Good morning, gwapo kong Papa," hyper kong bati kay Papa.
Napangiti ito sa akin habang nagmamadali pero maingat na pag aasikaso sa mga costumers.

" Kumain ka na lang don anak. Di kita maasikaso ngayun kasi maraming costumer."

" Opo, Papa." kumain na lang ako dun sa loob ng kusina ng restaurant. Subrang damk kasi ng tao sa labas kahit maaga pa.

" Anak, okey ka lang ba dyn?"

" O papa, okey lang po ako. Akala ko ba ,busy ka?" tanong ko habang sumusubo.

" Medyo kunti na lang yung mga tao sa labas.."

" Okey po" sabi ko na lang tsaka nagpatuloy sa pagkain pero bigla akong napahinto, may naisip kasi ako.

" Ammhh, Papa"

" Bakit, Anak? Gusto mo ikuha pa kita nang ulam?" tanong nito tsaka akmang tatayo pero pinigilan ko.

" Hindi po, may tatanong po sana ako"

" Ammh, Sige ano yun?" sabi nito na umupo ulit

" Papa, ammhh kunwari may gusto kayong babae pero nahihiya kang aminin sa kanya na gusto mo siya, ano pong gagawin nyo?" napaisip ito sa tanong ko.

"Siguro, bibigyan ko na lang siya ng love letter"

" Love letter?" - ako

" Oo love letter ,kung saan isusulat mo lahat ang gusto mong sabihin sa kanya ganun."

Napangiti ako sa ideyang pumasok sa isip ko, hahah. Alam ko na.

" Sige po Papa, salamat sa pag kain, babay po" paalam ko tsaka pinatakbo na ang bike ko.

Pagdating ko sa school. Napaaga ako nang isat kalahating oras kaya dumiretso na lang ako sa library, napalingon nga sa akin yung mga student don eh. Siguro nagulat sila kasi naligaw ako rito hahahhah. Pero dedma na lang.

Pagkatapos ko mag log in sa libray record, naghanap na ako nang pwesto. Pumunta ako sa pinaka dulo para dun gumawa.

Gagawa kasi ako nang love letter heheh, tulad nang sinabi ni Papa.

" Hmm, ano kaya? Tagalog o English? Hmm...siguro English na lang para medyo sweet,"  well ano nga bang sweet sa pag ienglish? Wala lang, hahaha.

Dear  Wyn,
     You know, when I see you in the very first time  blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah blah.

                 Nagmamahal,
                           'PTR'

Pagkatapos kong isulat yung letter ay pumunta na agad ako sa locker ng mga boys ng palihim kasi bawal don ang mga girls.
Inihulog ko na lang yung letter sa butas non. Tsaka pumunta na ako sa klase ko mahirap nang mapagalitan ulit .

After ng klase ko sa umaga dumiretso na lang agad ako sa canteen para makita si Wyn at kumain, syempre.
  Tinawagan ko sina Aicka at Lia para sabihin yung ginawa ko.

" Hello, Aicka? Kasama mo rin ba si Lia?" tanong ko kahit alam kong magkasama sila palagi.

" Oo, tehh!! Ano bang sasabihin mo, buti na alang ata wala kaming teacher ngayun?" sigaw na naman nito. Pero tiniis ko na lang.

" Beh, hulaan nyo kung anong sasabihin ko, eiihh!!!" tili ko, eh sa kinikilig ako ehh. Napatingin tuloy sa akin yung mga student ng masama. Nagpeace sign nanlang ako sa kanila.

All About LoveWhere stories live. Discover now