W.N,W.F.

71 3 0
                                    


ARGH! HUMANDA TALAGA SAKIN YUNG LALAKI NA YUN! PAGKATAPOS KONG GAWIN LAHAT LAHAT PARA SA KANYA?! IIWAN NIYA LANG AKO SA ERE?! TUNGUNUNG BUHAY 'TO!

                       "ARAY! Ano bang problema mo Skye?!" Asar na tanong ko sa kaibigan ko slash kababata ko na si Skyesiah Williams. Binatukan kasi ako ng bruha!

                        "Tinotorture mo na kasi yung gawa kong cake oh! Kung alam ko lang na ganyan ang gagawin mo, sana sa iba ko nalang yan pina-tikim!" Reklamo nito sabay irap sa akin.

Napatingin naman ako sa cake na binake niya kanina at HALA!

                        "Waaaah!! Mababaliw na ko Skye!!!" Sigaw ko tsaka nagpa-padyak na parang bata.

And once again naka-tanggap na naman ako ng sapok.

                         "Matagal ka ng baliw! Baliw kay Gelo! Ayieeeee~" Pamumuysit niya.

Binigyan ko siya ng nakakamatay na tingin dahilan para itikom niya yung bibig niya.

                         "Iniwan niya na ko." Mahina kong sabi. Napatayo naman siya sa kinau-upuan niya at tumingin sa akin ng nanlalaki ang mata.

Naiiyak na naman akoooo!

                         "Ano?! Saan naman pumunta yung hayop na lalaking yon?! Ituro mo sakin at babalian ko ng buto!" Sabi niya habang nag iinat inat ng buto.

Hindi ko na napigilan at naiyak na nga ako. Dali dali naman siyang lumapit sa akin tsaka ako sinampal.

                          "Ayan! Para magising ka! Dapat hindi mo iniiyakan yung ganoong lalaki! Psh.. parang di tunay na lalaki yun e!" Sabi niya, sa isip niya siguro ay inililibing na nya ng buhay si Gelo.

                         "Skye?! Paano ba mag move on?!" Parang bata kong tanong.

First heartbreak ko kasi 'to! At hindi ko alam kung ano ang gagawin ko! Magpa-party party ba ko? Maghahanap ng ibang lalaki? Kakain nalang ng kakain tutal food is life naman!? WAAAAAH!

                          "WOW! Sa akin ka talaga nagtanong e no?" Sarkastikong sabi niya. Oo nga pala, wala pa din siyang experience sa ganito.

                          "E kanino pa ba?! Tayong dalawa lang naman ang magkasama dito! Ala nga namang tanungin ko yung cake o kaya yung kutsa---- "

                          "Sige try mo! Kapag talaga yan sumagot, ewan ko nalang sayo!" Sabi niya tsaka ako inirapan.

Hays. Minsan napapatanong nalang ako kung bakit siya pa yung naging ka-close ko na kababata ko?

                        "I-text o kaya tawagan ko kaya siya---- "

                        "Yan ang huwag na huwag mong gagawin Emcee! Aba! Ikaw pa talaga ang maghahabol dun sa lokong yon?!" Iritang sabi niya sa akin.

Masisisi niya ba ko? Love ko talaga siya ih!

                        "You know what friend? Sabi mo nga cute ka, kaya I'm sure na marami pa diyang iba na magkaka-gusto sayo! Gosh! I didn't expect na magiging ganyan ka oras na iwanan ka non!" Naka-hawak siya sa noo niya habang sinasabi niya yon tsaka biglang ngumiti mula sa pagkakasimangot kanina.

Kabisado ko naman yung number niya kaya pwede ko siyang tawagan anytime, anywhere. Kaya lang.. ano namang sasabihin ko? At hindi niya pa kaya binubura yung number ko sa kanya?

Wrong Number, Wrong FeelingsWhere stories live. Discover now