CHAPTER 7

8.7K 235 4
                                    

Sa wakas ay narating di namin ang villa na tutuluyan namin. Ngayon lang daw sila tumanggap ng isang school to accommodate for a retreat or team building. Puro first year students lang naman kami. It is an annual activity sa Mary Claire para magkakilanlan ang mga freshmen.

Officers naman ng ssg ang inassign ng faculty para mag asikaso sa amin.

Sa bawat isang kwarto, may apat na kama, so walong tao ang magshe-share dito. Hiwalay ang girls sa boys as usual. Nasa list na din na hawak ni kuya tyron kung sino sino ang magkakasama sa isang room.

Buti na lang ang mga kasama ko sa room yung mga medyo matitino kong classmates. Pagkatapos naming ilagay ang mag gamit namin sa kwarto, pinayagan na kaming maglibot libot muna.

Si Nathan ang kasama ko, bantay sarado ako dito eh, Masyadong pinanindigan yung sinabi niya kay kuya.

"Do you like Tyron?

"What!?" halos mabilaukan ako sa iniinom kong tubig. Seriously Nathan? bakit naman kaya niya natanong?

"Bakit ganyan reaksyon mo?"

"Duh! diba nga siya yung mortal enemy ko? at tsaka ano ka ba, gwapo sya oo. ay hindi! pero oo gwapo nga sya! pero ano kasi... hindi ko sya ano. alam mo na."

humalakhak ba naman ang mokong! Hinampas ko nga sa braso.

"oo na hindi mo sya gusto, hindi halata."

"hindi nga kasi. Bat ang kulit mo!"

Tinaasan ko siya ng kilay, naglakad ito palayo at kinawayan ako.

"saan ka pupunta!?"

"In my room. ikaw muna magikot ikot" tapos ngayon, iwan daw ba ako?

Hinayaan ko na lang sya at tinuloy ang pagiikot dito sa villa. Ang ganda ng mga bulaklak dito, yung iba halos ngayon ko lang nakita. Malamig ang hangin pero ang presko sa pakiramdam.

Mula sa kinaroroonan ko, nakita ko ang mga familiar na mukha ng mga officers kasama na dun si Kuya tyron na nakahiga sa damuhan, ang iba naman ay nakaupo. Andun sila malapit sa masukal na bahagi ng villa, tanaw ko dito ang nagtataasang mga puno sa likuran nila.

"Xandra! Come here!" tinawag ako ng isa sa kanila.

Agad akong lumapit dito, hawak ko ang magkabilang tali ng bonnet ko.

"Hello po!" bati ko sa kanila at nginitian ko. Umupo ako sa tabi ng isang babaeng may maiksing buhok. Tinanggal niya ang earphone niya sa tenga.

"Uy, kapatid ka ni Tyron diba? Ang cute mo!" pinisil nito ang pisngi ko at muntik ko na siyang masapak—joke! Bat ba pag cute laging pisngi ang pinanggigigilan?

"We're not siblings."

"Tangek, si Xander ang kuya nyan." sabi ni ate yassy na nagbabasa naman ng libro.  

"I'm yassy by the way." Yes I remember you. ikaw yung babaeng umakbay at humawak sa braso ng kapatid ko! hinding hindi kita makakalimutan. Nakipagshake hands ako at nginitian nya ko, uh okay, she's pretty.

Bumangon naman ang isang lalaki na nakahiga sa damuhan. Nakasuot ito ng shades at ibinaba nya hanggang ilong. Bumaling ang tingin nya samin. ? It was kuya bryan. Yung lalaking nagpahiram ng gitara sakin.

"What's your name again?" tanong nya at nagindian seat sa tabi namin.

"Alexandra, just xandra for short."

"Your name is gorgeous, like you." Sabi nito sabay kindat sakin. Binatukan siya ng babaeng maiksi ang buhok at hinuli ang ulo nito para ikulong sa braso nya. Poor kuya bryan, di makapalag!

I'M IN LOVE WITH MY KUYA (COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora