Chapter 2

3 1 0
                                    

"Gising na apo, alas siyete na ng umaga baka malate ka bilisan mo na diyan at maghanda ka na." Pang-gigising sakin ni Lola.

Hawak-hawak ko yung ulo kong nabagok kagabi ng dahil sa pagkahulog ko sa kama, grabe ansakit pa din. Binilisan ko na yung pagligo ko kasi isang oras na lang at magsisimula na ang klase namin. Pagtapos kong maligo bumaba na ako sa baba para mag-almusal.

Sakto pagbaba ko nakahanda na ang pinggan at kutsara. "Kumain ka na diyan apo, magpakabusog ka at baka gutumin ka mamaya." Umupo na ako sa upuan at nagtaka ako kasi bakit may hotdog, itlog, toccino, at sinangag sa mesa.

Tinawag ko si Lola para tanungin kung bakit may gantong pagkain sa mesa. "La, kanino po itong mga masasarap na pagkain?" Sabi ko sabay turo sa mga pagkain na nasa harapan ko.

"Apo almusal mo yan, kumain ka na kung gusto mo ubusin, ubusin mo na para busog ka pagdating sa school niyo." Sabi ni lola sabay ngiti. Nagtaka naman ako kasi saan kumuha ng pera si lola para makabili ng ganitong mga pagkain? Halaaaaaa! Baka binenta ni lola yung katawan niya. Chos! Alam ko naman na matanda na si lola at hindi na pwede iyon, atsaka isa pa hindi kayang gawin iyon ni lola.

"Saan po kayo nakakuha ng perang pambili nito lola? Baka po nangutang kayo? Dapat di niyo na po ginawa yun baka kasi mamaya singilin ka ng wala sa ayos, alam niyo naman mga tao dito mga mukhang kwarta." Tanong ko kay lola. Tinititigan ko lang yung pagkain kasi nag-aalala ako kay lola ko.

Tinitigan ako ni lola atsaka biglang ngumiti. "Ano ka ba apo, huwag kang mag-alala hindi ko yan inutang. Pumunta kasi dito yung tita mo kagabi na galing abroad. Dapat nga gigisingin kita pero sinabi ng tita mo na huwag na lang kasi may pasok ka pa bukas. Bago siya umalis inabutan niya ako ng pera at mga tsokolate." Paliwanag ni lola.

Bigla naman akong huminahon at sinimulan ng kumain. May tita kasi ako sa abroad at may pamilya siya, matagal niya na kaming hindi nabibigyan ng pera kasi nagkaproblema yung pamilya niya. Nawalan na din kami ng komunikasyon sa kanya, buti na nga lang pumunta siya dito kagabi at binigyan pa si lola ng pera.

Pagtapos kong kumain pinuntahan ko si lola sa bakuran na nagsisiga ng mga nalag-lag na dahon galing sa puno. Nagpaalam ako na papasok na sa school, nagulat naman ako ng may dinukot siya sa bulsa ng bestida niya at biglang may inabot sa kamay ko na pera.

"Para saan 'to lola?" Tanong ko habang tinitignan ko yung pera sa kamay ko.

"Apo yan yung perang inabonohan mo kahapon na pinambayad mo sa upa." Sagot niya naman sa akin.

Tinignan ko si lola at nagsalita. "Lola huwag na po kayong mag-alala kasi ok lang po kahit hindi niyo na po ako bayaran. Ok na po sa akin na bayad yung pag-aalaga niyo sa akin at pag-aaruga araw-araw."

"Apo tanggapin mo na yan. Tandaan mo ipon mo yan para sa pag-aaral mo, bahala ka kapag naubos 'to baka wala ka ng ipon sa pag-aaral mo at hindi mo na ito maipagpatuloy. Meron pa naman ako ditong natitirang pera para sa panggastos natin, kaya tanggapin mo na at itabi yan." Sabi ni lola sabay ngiti.

Wala na akong nagawa kundi kunin na lang yung pera kasi may point naman si lola. Niyakap ko si lola at umalis na ng bahay para pumasok.

__________________

Andito ako sa room ngayon, nakikinig sa tinuturo ng instructor namin. Ano bayan kahit anong pag-intindi ko sa turo niya di ko pa rin maintindihan.

"Ok class, get yellow pad. We have a quiz about our topic for today ." Utos ng instructor namin.

Aba! Aba! Wala naman akong naintindihan at natutunan sa diniscuss niya kanina e! Tapos ngayon magpapaquiz siya. Ano toh lokohan? Arggghhh bahala na nga.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 09, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lita Ang Babaeng MalditaWhere stories live. Discover now