Chapter 1

5 1 0
                                    

LITA'S POV

"Ano ba Rodrigo? Ang sakit mo sa eye balls lumayas ka nga sa harapan ko. Sinisira mo yung araw ko." Inis kong sabi sa kaklase kong nanghihiram ng libro.

"Ang damot mo naman. Nanghihiram lang ng libro eh, piling mo naman maganda ka. Napaka-maldita mo talaga kahit kailan." Sabi niya naman sa akin habang nakataas yung kaliwang kilay. Bakla nga pala si Rodrigo.

Lalaking-lalaki yung pangalan tapos baklang-bakla si p*ta HAHAHAHA. Minsan sinita ko yung pangalan niya na pang barokong-barako pero ang sinabi niya lang sa akin. "Bakit pinaki-alaman ko ba yang pangalan mong Lolita na pang 70's at yang apelyido mong tigas na tigas?" At dahil nilait niya ang full name ko, hinablot ko yung buhok niyang mohawk. Sabunutan kami nun sa room hanggang sa napagod kami at napagdesisyunan na namin magpahinga.

"And so? Lumayas ka nga sa harapan ko naaalibad-baran ako sa mukha mong binulldozer, na sa sobrang tigas at kunat yung bulldozer pa ang nasira." Kuda ko sa kanya. Aba ang bakla ayaw pa rin umalis sa harapan ko, palaban si p*ta.

"Wow. Just wow, hiyang-hiya ako diyan sa mukha mong masarap tusukin ng malalaking syringe ng madeadbol kana, mukha ka namang palakang busog. Che!" Inis na sabi ni bakla sabay walk-out.

Buti naman umalis na siya at baka ano pa ang magawa ko sa kanya. Baka ipasip-sip ko yang malaki niyang bunganga sa vacuum cleaner.

Wala kaming teacher ngayon kasi may meeting sila, kaya eto ako ngayon nakabusangot ang mukha. Pero ok na din kasi wala naman akong natututunan sa tinuturo nila. Puro pareport di naman nagtuturo, puro pa-quiz eh lagi lang naman nagpapasulat sa notebook. Bwiset!

At dahil wala nga kaming teacher, ang mga classmate kong abnormal at shushunga-shunga may mga kanya-kanyang ginagawa.

Si Melissa kinakausap yung manika niya habang sinusuklayan. Yung totoo, baliw bato? Papadala ko na siya sa mental.

Si Robert at Bogart naman kasama yung mga tropa nilang abnormal din, naglalaro ng basketball na wala namang ring at bola. Yung bola nilang gawa ay yung binilog na papel sabay ishu-shoot sa trash can namin. Mga walang magawa sa buhay, sarap nilang bigwasan tig-iisa sa apdo.

Si Monica naman may katawagang lalaki, tawa siya ng tawa at minsan kinikilig pa. Napaka-landi ni pok-pok, dinaig pa yung bold star na mga babae.

Marami pa akong mga classmate na kung ano-anong kaabnormalan ang mga pinag-gagagawa. Kung ako lang may kapangyarihan binalian ko na sila ng leeg isa-isa.

Wala akong magawa ano ba yan. Wala naman kasi akong cellphone na paglilibangan kasi mahirap lang kami, sila inay at itay ay tegi na nung bata pa lang ako. Tanging si lola na lang ang nag-aalaga sa akin, kahit ganto ako kamaldita at kasungit mahal na mahal ko yung lola ko. Sa kanya lang kasi ako lumaki at pinaramdam niya sa akin kung paano mag aruga at mag mahal ang isang tunay na ina kahit na apo niya lang ako. Kaya kapag may nakita akong umaapi kay lola, di ako nagdadalawang isip na awayin ito. Minsan pa nga umaabot sa sabunutan at sampalan eh, at dahil maldita ako syempre ako yung nananalo.

Nung minsan nakipag-sabunutan ako sa umapi kay lola noon sa dati naming tirahan, paghila ko ng buhok niya pati anit sumama kaya si ate girl dinala sa ospital. Muntik na nga ako makulong nun buti nabuhay pa si ate girl at dinahilan kong self defense lang ang ginawa ko. Yun din ang dahilan kaya lumipat kami ng tirahan.

Ilang minuto na lang at mag-uuwian na kami nang lapitan ako ni Melissa at nanghihiram ng suklay kasi nabali daw yung suklay na ginagamit niya kanina sa buhok ng manika niya. Ang tigas daw kasi ng buhok ng manika niya.

"Lita, pwede manghiram ng suklay?" Tanong niya sa akin ng mahinahon.

"At bakit? Hiraman ba ako ng mga gamit na wala kayo?" Tanong ko din sa kanya. Ano siya lang ang pwede mag tanong? Di ako papayag.

Lita Ang Babaeng Malditaحيث تعيش القصص. اكتشف الآن