Chapter 1

12 2 0
                                        

Zian
"Mga pre, sa wednesday ah! Dapat kumpleto na tayo! Maraming chicky babes dun for sure", narinig kong anunsyo ni Jasper sa mga lalaking nakaupo sa likuran niya habang kumakaripas ako ng takbo palapit sa upuan ko.

"Teka, teka, hindi ako available sa miyerkules!"

"Ah oo nga pala, nakalimutan ko bading ka...Bessy! HAHAHA!", pangaasar pa ni Jasper sa kasamahan niya na namukhaan kong si Kyle pala.

"Oh, ayan na si yanyan", sigaw ni Jasper nang makita niyang ilinalapag ko na 'tong bag ko, dahilan para magsilingunan sa'kin ang lahat ng ulo dito.

"Wednesday pre, 9 ng gabi, bahay ni Gayle, attend ka ah! 'Wag kang tutulad kay Kyle na mas inuuna panlalalaki! HAHAHA!", dagdag pa niya habang pinagtatawanan na naman ng lahat si Kyle.

Napaupo ako. Wednesday? For sure isasama na naman kami ni Papa sa duty niya sa simbahan nun.

"Next time nalang tol, may lakad kami", sagot ko sa paanyaya nila. Aattend kaya si Eya kung saka-sakali? Panigurado hindi. Wala naman 'yung hilig sa mataong lugar, kahit nga sa mismong tao ayaw niya eh.

Speaking of Eya, bigla nalang siyang sumulpot kung saan at umupo sa unahan malapit sa board bago pa man pumasok si Ms. Morimonte. Ibang klase talaga 'tong mahal ko, akala mo kung sinong superhero na may supernatural power.

Linggo ng hapon noon sa tapat ng simbahan sa parokya nila Yanyan. Lay Minister ang tatay niya at Greeters and Collector naman ang Nanay niya kaya madalas na ang pamilya nila dito sa simbahan. Napakarelihiyoso ng pamilya Castelo, hindi maaaring hindi sumama ang magkapatid sa magulang nila kapag nagduduty kaya hindi rin maitatanggi na may takot sa panginoon at may busilak na puso si Tope at lalong lalo na si Yanyan, subalit, hindi pa rin mawawala ang pagkapilyo at pagkapasaway nito.

Dahil sa walang magawa at makain, naisipan ng apat na taong gulang na si Yanyan noon na lumabas muna nang hindi nagpapaalam sa kuya niya dahil nakatuon rin naman ang atensyon nito sa misa.

Pagkalabas, Napatingin siya sa paligid, andaming mga naglalako ng kendi, lobo at may mga palabunutan pa. Madami ring mga kalapati't iba pang uri ng mga ibon na lumilipad.

Ang saya saya niya noon, pero napawi agad ang kanyang mga ngiti nang makita niyang nagtatakbuhan ang mga daga sa kalsada at ang isa pa dito ay dinilaan at inupuan ang kaniyang paa!

Hindi niya alam ang gagawin dahil sa takot, gusto niya itong hampasin subalit napakadumi nito at hindi niya alam kung paano. Buti na lamang at may dumating na batang babae. Napakaputi niya at pagkaganda-ganda pa ng buhok.

"Ang cute naman ng dagang ito!", sambit nung babae sabay kuha sa dagang nasa paa ni Yanyan. Sa segundong iyon, hindi niya malaman kung sino ba sa kanilang dalawa ang nahihibang. Daga? Cute? Kailan pa??

"Manong, yung mga daga niyo po", napansin ni Yanyan  na lumapit na pala sa matandang lalaki yung bata na kumuha sa daga at tinuro pa niya yung mga dagang nagkalat sa paligid. Nakawala pala ang mga ito sa karton ng palabunutan ni manong nang hindi niya namamalayan.

"Mga daga! Tigiiiil!", sigaw ng bata sabay tapat ng mga kamay sa mga dagang nasa harap niya at nakapustura na parang superhero na magrerelease ng powers. Agad namang nagkumpulan ang mga maliliit na nilalang at madaling nakuha ito ni manong upang ilagay muli sa karton. Pinasalamatan na ng matanda ang batang babae habang nakatayo parin si Yanyan sa kinatatayuan niya, hindi manlang kumukurap ang mga mata niya't diretso pang nakatingin sa babae.

"Hi! Ako si Astraea Avantika I. Alcaraza! Ikaw? Sino ka?"

My Kind Of StarStories to obsess over. Discover now